Most of us believed that everything in this world has its ending. Well, maybe it's true but, maybe not.Taon 1855.
Nang una kong masilayan ang kagandahan ni Divina. Mula sa lungsod ay nagbakasyon siya dito sa bayan ng San Joaquin.
Makapangyarihan ang pamilya nila dito sa bayan, sa kadahilanan na isang Gobernador ang kanyang Ama. Kami naman ng pamilya ko ay isang hamak na tagapag-lingkod nila. Ang aking Ina ay katiwala sa mansiyon nila at ang aking Ama ay isa sa tagapag-alaga ng mga kabayo nila. Habang ako ay naipasok bilang janitor sa munisipyo. Nang una ko siyang masilayan kasama ng kanyang Ama ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa puso ko. Ngunit hindi ko muna iyon binigyan ng pansin. Ang katulad niyang mala-Diyosa ang kagandahan ay hindi nababagay sa katulad kong isa lamang janitor.
Tadhana nga naman ay masyadong mapaglaro. Isang araw ay nasa tuktok ako ng Bundok ng Tapyas, hindi ko inaasahan na makikita at makakausap ko siya.
"Mas magandang pagmasdan ang paglubog ng araw kung may kasama."
Ganoon nalang ang pagkabigla ko ng makilala kung sino ang nasa tabi ko. Pakiwari ko'y huminto sa pagtigil ang mundo at walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti, na nagpatunaw naman sa puso ko.
"Ako si Divina, Ikaw?" Aniya saka naglahad ng palad. Animo ako'y na-estatwa, hindi makapaniwala na kaharap ko na ang isang Diyosa.
"M-martin. Ako si Martin." Pakilala ko sa sarili ko at inabot ang kamay niya.
Nang magkadaupang palad kami ay nakadama ako ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Napakalambot ng palad niya. Nang bitawan ko iyon ay pasimple ko pang inamoy ang kamay ko upang malanghap ang bango niya.
Hindi ko iyon huhugasan. - Natawa pa ako sa naisip ko.Doon nga nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Divina. Halos araw-araw ay nagkikita kami dito sa Bundok ng Tapyas. Hindi na namin alintana ang pitong daan at singkwentang hakbang paakyat dito, mamasdan lamang ang paglubog ng araw. Ito na ang naging tagpuan namin ni Divina, napakaganda kasi nitong bundok na ito. Sa tuktok ay may malaking kulay puti na krus at makikita mo din dito ang kabuuan ng Isla ng Coron.
Lumalim ang pagkakaibigan namin ni Divina at nauwi ito sa pag-i-ibigan, na ni sa panaginip ay hindi ko akalain na mangyayari. Ngunit lihim lang ang relasyon na iyon. Hindi pa kasi kami handa at humahanap pa ng mgandang pagkakataon upang ipaalam sa kanyang Ama.
Nalaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Divina at pinayuhan nila akong iwasan ito dahil hindi ito magdudulot ng maganda, ngunit hindi ako nakinig sa kanila at ipinagpatuloy ko ang relasyon namin. Ipinadama ko kay Divina kung gaano ko siya kamahal, nagkaisa kami. Nang gabing iyon ay may nangyari sa amin ni Divina. Ang malamig na gabing iyon ay napalitan ng init ng aming pagmamahalan. Buong puso kong ipinadama kung gaano ko siya sinasamba at minamahal hanggang sa sabay naming maabot ang rurok ng kaligayahan.
"Abot langit ang pagmamahal ko sa'yo Divina. Masaya ako dahil sa akin mo inialay ang buong puso at pagkatao mo." Sabi ko pa sa kanya habang magkayakap kami sa dilim.
"At hindi ko naman iyon pinagsisisihan, Martin, mahal na mahal kita"
Katulad nga ng sabi nila kapag may kaligayahan ay may katumbas na kalungkutan. Ipinagtapat niya sa kanyang Ama ang tungkol sa aming relasyon at doon ay nakatanggap ako ng malakas na suntok mula rito.
"Ang lakas din ng loob mong lalaki ka para lokohin ang anak ko!"
"S-senyor, mahal ko po si Divina! Tunay na pag ibig ang nararamdaman ko sa kanya." Pagtatanggol ko, habang pinupunasan ang putok kong labi.
BINABASA MO ANG
Forgotten Promise (Completed)
RomancePag-ibig na ipinaglaban. Pangakong kinalimutan. Starring: Liza Soberano and Enrique Gil All Rights Reserved©February2015