Untold story of Grace and Martin

226 14 7
                                    

Sa kagustuhan ni Grace na maipa-alala kay Martin ang kanilang nakaraan ay muli niya itong isinama sa San Joaquin. Nagbakasyon sila doon ng isang linggo upang mapuntahan ang mga lugar na pinupuntahan nila noon. Kahit na hindi naniniwala si Martin ay sumama pa din siya dito, iyon ay upang makasama niya din ang dalaga. Lingid kasi sa kaalaman nito ay unti-unti nang may nabubuong pag-ibig sa puso niya, ngunit hindi muna niya ito sasabihin sa dalaga. Gusto muna niyang siguruhin kung tunay na pag-ibig nga ang kanyang nadarama.

Dinala siya nito sa Bundok ng Tapyas kung saan unang nagkakilala si Divina at Martin. Inilibot din s'ya nito sa buong bayan ng San Joaquin, bawat lugar na puntahan nila ay may kwento si Grace pero nanatiling wala siyang maalala.

May isa pang alas si Grace, at hindi siya titigil sa pagkukwento kay Martin sa mga bagay na dapat ay maalala niya. Dinala niya si Martin sa kubo na nasa kalapit bundok ng Mt. Tapyas kung saan naganap ang unang gabi nila noon.

"Anong meron sa kubo na'to?" Nagtatakang tanong ni Martin. Sa halip na sumagot ay isa-isang tinanggal ni Grace ang saplot niya.

"A-anong ginagawa mo? Bakit mo tinatanggal yan?" Agad siyang tumalikod nang makita niyang isa-isang tinanggal ni Grace ang suot niya.  Maya-maya ay naramdaman niya ang pagyakap ni Grace mula sa kanyang likuran, dahilan para mapasinghap siya. Unti-unti ay naramdaman niyang bumibilis ang pagtibok ng puso niya, tumahimik ang buong kapaligiran at wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis na pagpintig ng puso niya. Dahan-dahang hinahaplos ni Grace ang kanyang likuran patungo sa kanyang dibdib. Hinarap niya si Grace at siniil niya ito ng halik na ginantihan naman nito nang mainit na halik. Nakaliliyo ang pakiramdam na iyon at tila nakalimutan na ni Martin na hindi niya pa nobya ang dalaga. Subalit paano niya ba mapipigilan ang nag-aalab na pakiramdam na iyon?

Nahiga sila ni Grace sa isang lumang katre at doon ay buong init nilang pinagsaluhan ang malamig na gabi. Halos siilin niya ng halik ang buong pagkatapos ni Grace, sa bawat halik na iyon ay siyang pag sabay ng galaw ng katawan nito na animo'y may saliw ng musika ang lahat---Na para bang sila ay sumasayaw at ang kanilang paghinga at pag ungol ang siyang musika.

==============================

Labis ang pagsisisi ni Martin dahil hindi niya natupad ang pangako niya kay Divina sa katauhan ni Grace. Alam niyang huli na ang lahat at hindi na niya maibabalik pa ang buhay nito. Ngunit biglang sumagi sa isip niya si Aling Lita. Alam niyang maaari siya nitong matulungan kung kaya nagpasya siyang bumalik sa San Joaquin upang makausap ito.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari Martin." Kahit hindi niya sabihin ay alam niya na malalaman nito ang nangyari kay Grace at nga hindi siya nagkamali doon.

"May paraan pa ba na maibalik kami sa nakaraan?" Nagbabaka-sakali na tanong niya. Umiling ang matanda.

"Sinabi ko na noon, nakalimutan mo ba? Na oras na maglakbay kayo patungo sa hinaharap hindi na kayo makababalik sa nakaraan."

"Ngunit nagawa mo kami dalhin sa hinaharap, imposibleng hindi mo kaya na ibalik kami sa nakaraan."

"Hindi mo naiintindihan. Ang oras ay lumilipas at ang anumang lumipas na ay hindi na maibabalik pa." Paliwanag nito.

"Wala na talagang pag-asa?" Tanong niya. Ngumiti ang matanda bago nagsalita muli.

"Magsimula ka muli. Ang oras ay lumilipas pero hindi ito humihinto."

Bago pa siya magsalita ay nakarinig siya ng iyak ng sanggol na mula sa kwarto ni Aling Lita.

"May baby po dito?" Takang-tanong niya.

"Ang aking apo." Nakangiti nitong sagot.


________________________

Silent readers,

Vote and Comments please.

Let your voice be heard! Hahaha!!

Love you guys :)

Forgotten Promise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon