Chapter 8

75 3 0
                                    

After one month
Feb 10

"Grabe guys hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na sila pala yung natrap dun sa lab at si Xian pala yun nung nagkwekwentuhan tayo ng nakakatakot" Andito kami sa rooftop kung saan ko madalas nakakausap si Xian nun at nasabi ko yun kasi bigla ko nalang naalala . Halos one month narin ang nakakalipas at mag je js na kami at one month nalang din mag fo fourth year na kami .

"SI Vernon kaya ? anong balita na kaya sa kanya?" Tanong ni Shaye

"Wala nga e miski ako wala na rin akong balita sa kanya miski makita wala siya" sabi naman ni Josh , napatingin naman ako kay Tolits , tahimik na naman siya

"W-woi tolits wag ka ngang ganyan! tahimik ka na naman e"

"nako mauupakan kita tolits pag hindi na naman ikaw yan"Wayne

"langya ka wag kang ganyan ayoko na ulit matakot" sabi ni Shaye

"Hahahaha ano ba kayo nakatunganga lang ako"

"Tolits nakatunganga? e parang ang lalim ng iniisip mo eh , may problema ba?"

"Wala" tas sabay nagulat siya ng biglang nagvibrate phone niya

"Wait lang guys ha" tumayo na siya at sila Josh naman , lumapit sakin

"Hala ka baka may girlfriend na yan si Diether "sabi ni Wayne kaya napatingin naman ako kay Diether

"Tsss. Wala yan no! Bakla kaya yan tska di daw siya mag gigirlfriend hanggat BESTFRIEND niya pa ako" sabay belat sa kanya

"Yiieee selos" sabi ni Shaye

"Tssss. "

Marami na ring masasayang ala ala ang nangyari samin hanggang sa pagdating ng Js , para bang kami nalang anim ang nasa mundong ito , at sana di na mawala at magbago yung pagsasama namin

JS.

Isang gown at heels ang nakita ko agad pagkagising na pagkagising ko . Isang gown na parang isa ka ng prinsesa sa sobrang ganda . Naalala ko JS na pala

Kaya nag hilamos na ako at naligo na dahil maya maya mag istart na yung Prom . pagkatapos ng lahat inayos na ako at sinuot na yung gown ko , At pagkababa ko

May nakita akong lalaki na naka tuxedo na itim sa may hagdan pero kalahati palang ang nakikita ko hanggang sa pagbaba nakita ko na kung sino yun

"Hi babs" isang magandang ngiti na nakakainlove ang sinalubong sakin ni Tolits , shet naman oh feeling ko istraight tong curly kong buhok sa sobrang kilig wahahaha eme , pero nakakainis ang gwapo talaga ng bestfriend ko!! =pakiplay yung music=

"T-tolits?" Lumapit siya sakin at kinuha yung kamay ko at may sinuot na bulaklak

Nakatingin naman ako sa kanya, feeling ko talaga sasabog na puso ko tas sumasabay pa yung music , diba?

"Babs di na kita tatanungin , kasi sa ayaw o sa gusto mo

Ikaw ang kadate ko mamaya at ako ang magiging first dance mo"tas bigla siyang ngumiti , kaya siyempre napangiti din ako kasi ano ba! kinikilig ako hahahaha pero di ko naman pinahalata yung kilig ko , mahirap na diba

Umalis na kami at sumakay sa isang kotse

"Naks JS lang nagrent ka pa ng Kotse?"

"baliw kay mama to "

"wooah may kotse pala si tita?"

"Oo regalo to ng tatay ko sa kanya" napayuko naman ako , tsss buti pa siya may tatay , hanggang sa makarating kami sa school di na ako nakapagsalita, grabe pano kaya pag naandito pa papa ko no? edi sana makikita niya yung anak niyang sobrang ganda , ahohoho eme , pero sana makikita niya akong nakaganto

Forever [JONGSHIN]Where stories live. Discover now