Chapter 2 Friendship

136 8 2
                                    

Nagpakilala na ba ako? Hindi pa no?

Ako nga pala si Reign Ebina . marami akong pangarap . yung makapagtapos ng pag aaral , tumagal yung pagkakaibigan namin ni Diether at ang maging isang Artist . pangarap kong maging Artist lalo na yung magkakaroon ako ng sarili kong exhibit na doon nakalagay yung mga artworks ko . Kaya ito ako ngayon nag aaral ng mabuti dahil may plano din akong pumunta sa korea ahohohoho Para makahanap ng ibang ideas tungkol sa arts , and siyempre para makapaglandi rin maghahanap ng boygroup o kaya ng mga kpop idols and k Actors Ahohohoho

Junior Days (3rd year)

"Babs lalim ng iniisip ha" naputol naman ang pag dedaydream ko nung bigla nagsalita si Tolits sa harapan ko

"Ahhh! Inis naman to oh , atakihin ako sayo eh"ngumiti naman siya . shems ! Shems talaga

"Inis ka ! Ang gwapo mo talaga wag ka ngang ngumiti diyan dumugin ka pa ng mga babae e " ngumiti lalo siya . tae wala na *faints*

"Hahahaha bakit selos ka?"

"Luts . di ah , ayoko lang madungisan yang gwapo mong muka, " lalo pa siyang ngumiti kaya kinurot ko ng matagal yung labi niya pero di naman masakit

"Tsss pwede ba? Hihimatayin na ako sayo eh" tinanggal niya yung kamay ko sabay hinawakan niya

"Hahahahaha nakakatawa ka talaga babs" tae ! Mga ngitian naman oh! (Imagine-in niyo nalang yung pagngiti ni Lee Jong Suk )

"Sheeez ewan ko sayo duduguin ako sayo eh" Ewan ko ba bakit nagiging ganto na ako tska di ko din alam bat di pa ako nasasanay sa gwapo niyang mukha. Inis.

"Babs ."Napatingin naman ako sa kanya . geeeeez nakatingin siya . ang seryoso ng mukha niya yung mga mata Waaaaaaa! Nauutot na ako mommy ang gwapo ng bestfriend ko shems!

"W-wae? (Bakit?)" Lumapit siya ng onti kaya nanlaki naman yung mata ko . yung posisyon namin nakaupo ako sa upuan tas siya nakaluhod sa harap ko then nakapatong yung arm niya sa desk ko at yung muka niya papalapit ng papalapit sakin .

"Ang taba ng pisngi mo!" Nabuga ko naman lahat ng hininga ko tas tumayo siya bigla

"Bwisit ka !" Pinagbabatok batukan ko siya . kaya siya tawa naman tawa baliw lang , sinasaktan na tumatawa padin pero Tae talaga gwapo niya parin! , tas maya maya may umubo , kaya naman napatingin kami ni Tolits

"Ay sorry hehehe sige tuloy niyo lang nauubo lang talaga ako hahaha *ubo*" sabi ni Shaye, kaklase namin jusme everyday ubo siya ng ubo kaya nga pagnaririnig namin yan ni Tolits parang nagkatrauma na kami kasi baka may T.B na siya or whatsoever kaya pagkatingin namin umalis na agad kami , mahirap na.

"Class ngayong 3rd year na kayo ibigsabihin ay magkakaroon na kayo ng J.S Prom pero wag muna kayo excited okay? Dahil 4na buwan palang kayo sa 3rd year" sabi ni Mr.Hon . kaya nagbulungan yung mga kaklase ko

"Tss bat pa kasi inaannounce e kaka 4 na buwan palang natin dito sa 3rd year jusme"

"Ano ba yan siya pa ata tong excited eh"

"Pasalamat siya gwapo siya tssh."

Hayyyy. Oo nga gwapo si Mr Hon lalo na pag MAPEH time na Woooo! Lengye ang kanyanh meskels (muscles) ang laki! 8 packs! Tumataginting!

Pero speaking of Prom , siyempre isasayaw ako ni Tolits no? Ahihihihi

"Babs"napatingin naman ako sa kanya

"Oh?" Tumingin lang siya ng matagal tas nagsalita na ulit

"Isasayaw kita ha" di ko alam bat biglang nagblackout yung utak ko . tas may nakita akong puso sa isip ko . "tugudugtugudug" papalapit ako ng papalapit sa puso ko shems ang lakas ng tunog . WAAAAAAA REIGN GISING!!!!!

"Uy babs okay ka lang? Tunganga ka na naman diyan eh" nagising na yung diwa ko .

"Ah osigesige lang " kaya ngumiti naman siya at humarap na ulit , huminga naman ako ng malalim nung pagkaharap niya . Ano ba yan Reign nababaliw ka na sa bestfriend mo!

Naandito kami sa room nagtipontipon Ako , Si Tolits , Si Josh tropa ni Tolits , Si Shaye Si Anne kaibigan ko naman , tska si Wayne kaming 6 yung magbabarkada dito sa school . pero siyempre ang pinaka kaibigan ko edi si Tolits

"Guys talaga bang close kayo sa isat isa?"Tanong ni Wayne samin ni Tolits

"yup." Sabi ko

"11 years na kami mag bestfriend" nagulat naman sila . tsss ang onti pa kaya ng 11years

"WOAAAH ang tagal niyo na talaga magkakilala , sana tayo guys ganyan din "Sabi ni Anne at sinundan din ng Pag sasang ayon nila josh , Wayne at Shaye

"Pero , ni minsan ba di kayo na Fall sa isat isa?"Napaubo naman ako nung tinanong yun ni Shaye . kaya naman napatingin sakin si Tolits ng nakangiti

"Hahaha sino ba namang hindi mafofall sa kanya diba? Tska mahirap itago yung nararamdaman mo pag lagi kayo magkasama kaya may posibilidad talaga na pwede akong mafall sa kanya" nagtawanan naman yung mga kaklase ko

"Hahahaha nice! Hugot! Pero ayiiieeee eh bat hanggang ngayon bestfriend parin kayo?" Tanong ni Josh, napatingin naman ako sa kanya pero this time serious mode na siya

"kasi narealize ko na Mas maganda kung hanggang magbestfriend lang kami kasi kung liligawan ko siya tas naging kami na , baka magkaroon ng sumpungan at yun yung magiging dahilan ng pagkahiwalay namin kaya kung hanggang magbestfriend lang kami pwede pang pagusapan yun at hindi kami magbebreak at hindi pa kami masasaktan at tska tignan niyo naman kahit hindi kami pero ang sweet sweet ko sa kanya diba "Ngumiti naman siya , tae liligawan niya dapat ako? The heck waaaaaaaaa! Pero gravy naisip niya yun ayaw niya masaktan kaming dalawa kaya hanggang magbestfriend lang kami hanggang ngayon? Ihhhhhh di ko alam bigla akong napangiti

"pero tol iba parin ang sweetness kapag kayo na siyempre may alam mo na ahihihi " Sabi ni Wayne , langya to ha

"Hahahaha sira ka talaga hindi ko naman kailangan yun e "

"hoy baka kung ano isipin mo diyan ha ang sinasabi ko lang yung *chup**mwaah*"in-action niya kung paano yung chup mwaah niya

"hahahaha oo nga kontento na ako sa paglalambing ko sa kanya di ko na kailangan mag *chup**mwaah* thingy mo Hahahahaha" Napatawa naman kaming lahat tas siya naman tumingin sakin

"kaya ikaw babs dapat mahalin mo din ako gaya ng pagmamahal ko sayo , Mahalin mo bestfriend mo! Wag mo kong bugbugin lagi please lang"

"HAHAHAHA ikaw talaga tolits paglalambing ko rin yun sayo no! Yieeee lika nga dito gwapo mo talaga Tolits! I labyou!"Yinakap ko naman siya

"YIEEEEE HAHAHAHA , " pang aasar nila kaya ito naman si Tolits nakapoker face

"ano ka ba naman babs di mo parin mabigkas bigkas ng tama yung i loveyou "

ㅁㅁㅁㅁ

Forever [JONGSHIN]Where stories live. Discover now