Febe's Pov
Toktoktok!!!!!
Toktoktok!!!!!
Toktoktok!!!!!!."Febe!!" Tawag ni tito patrick habang kumakatok na ng ilang ulit. Tinatamad akong bumangon at sumagot kasi sobrang sarap ng tulog ko dahil sa lamig ng panahon. Ang sarap humiga na nakakumot ng comforter at sobrang kapal na unan.
"Febe, gumising kana pupuntahan pa natin ang school na papasukan mo" sabi ni tito patrick na walang tigil sa pagkatok. Tinignan ko ang orasan, alas syete palang. Bakit lagi nalang akong nabibitin ng tulog tuwing umaga. Urrrg. "Babangon na po" inaantok kong sagot kay tito patrick.
"Cge maligo kana at mag ayos, hihintayin kita sa baba"
"Opo tito" sagot ko. Umupo muna ako sa kama at pilit idilat ang aking mga matang gusto pang pumikit. Shemays!!!! Ang lamig!! Bumangon ako at kumuha ng tuwalya sabay pasok sa banyo. Naghubad na ako para pumasok sa banyo at pagbukas ko ng shower "ANAK NG P*CHA!" Napatalon ako sa sobrang gulat. "ANG LAMEEEEGG!!! Aaaarg!!!" Rinig kong kumakatok si tito patrick sa pinto ng kwarto ko, narinig siguro ako.
"Febe!! Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni tito patrick. Lumabas ako ng kwarto para pagbuksan siya ng pinto."Tito, ang lamig ho ng tubig"
"Haha! Buksan mo kasi yung heater" natatawa niyang sabi, pumasok siya sa banyo para ituro sakin kung panu buksan ang heater. Lumabas din siya agad pagkatapos ituro at bumalik ako sa banyo. Hinubad ko yung tuwalya at sinimulan ko nang magshower. Ramdam ko ang init ng umuusok na tubig na dumadaloy sa kawatan ko. Tapos biglang nagalit ang alaga ko haha. Pagkatapos ko naligo lumabas ako ng banyo. Grabe anlamig talaga. Nagbihis na ako at kinuha muna ang blower at plantsa ng buhok. Lagi ko kasing blinoblower at pinaplantsa para maging tuwid. Mejo kulot kasi ako. Pagkababa ko nakita kong naghihintay si tito patrick sa may sofa habang nagbabasa ng magazine.
"Kumain kana para makaalis na tayo mamaya" sambit nya. Umupo ako sa lamesa at sinimulan nang kumain.
"Asan po pala si mama?" Tanong ko sa katulong.
"Lomabas pu ser, namalingki po" sagot nya at tumango nalang ako.
"Sa Bagiuo State University ka papasok febe, sabi sakin ng mama mo na TOURISM daw ang course mo at binigay na niya sakin yung credentials mo, aasikasuhin lang natin yung transfer process mo." Sabi sakin ni tito patrick.
"Aahh, cge po," sagot ko naman. Pagkatapos namin kumain, nagpara na kami ng taxi papuntang BSU para mag enroll. Bumaba kami sa mismong harapan ng BSU.
"Andito na tayo Febe" sambit ni tito patrick,
"Ang dami naman pong hagdanan, at ang tataas pa" sabi ko habang nakatingin sa bawat sulok ng paaralan. Malaki siya pero sadyang madaming lang talagang hagdanan. Tinitignan mo palang parang nakakapagod na.
"Ganyan tlaga febe, bundok kasi dati ito , tinayuan lang ng University" tumango nalang ako. Pag akyat namin, mejo napagod ako at hinihingal pa ako. Wala bang elevator? Or escalator? Juicecolored, di kakayin ng powers ko to. Nakaabot na kami sa STUDENT AFFAIR OFFICE at kinausap namin yung admin at dean ng TOURISM. Kunting interview lang at fill up ng papers at payments.
"Ok, you can take your manual at the SAO office downstairs you can enter school tomorrow" sabi ng admin. Ay agad agad?"Yan Febe, pwede ka nang pumasok bukas" nakangiting sabi ni tito patrick. Pagkatapos umuwi na kami ng bahay at dumiretso na ako sa kwarto ko. Ay kapagod, diko kineri ang stairs dun ah.
*toktoktok*
"Ser' may biseta pu kayo sa labas, nikko daw po ang ngalan" sabi ng katulong sa labas ng kwarto ko.
Nikkos Pov
Nakilala ko yung bagong lipat kahapon, si Febe. Nakita kong nag park yung van nila sa harap ng bahay ni Chong Patrick at may napakadaming maleta at karton sa taas ng van. Tapos may bigla akong nakitang bumaba sa Van na maputi at matangkad na lalake, ang astig ng buhok, at astig ng kulay, parang ash brown, halata sa mukha niya na kulang sa tulog sanhi ng hindi niya pagkabuhat sa napalaking maleta niya. Dami siguro tong damit. Mukha siyang mabait at tahimik, gusto ko tuloy siyang makilala at makaibigan. Wala rin kasi akong mashadong kaibigan dito sa mga kapitbahay, puro mga matatanda. Tas biglang silang sinalubong ni Chong Patrick para ipasok sila sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/32328544-288-k439834.jpg)
BINABASA MO ANG
My Neighborhood (boyxboy)
RomanceLove is what you do. Be good at it. Competence is a rare commodity at this age and days. Sabi nga nila, kahit gano tayo kagaling mag mahal, pero kung yung taong mahal natin eh di naman tayo mahal. Bigti na teh! Ay djoke! Haha. Sometimes, the more we...