Febe's POV
*kring kring kring*
Rinig kong kanina pa tumutunog yung alarm ko pero tinatamad pa tlga ako bumangon. 5:30 ko sinet yung alarm ko pero 7:30 ang pasok ko. Mas mabuti na yung mejo mas maaga para mas sure.Unang araw ng pasukan ngayon, diko alam ang mararamdaman ko kung kakabahan ba o maeexcite. Baka maging loner ako haha. Tinignan ko yung cellphone ko at nakita kong may nagxt. Si Nikko.
*Good Morning Febe :) gising na may pasok ka pa. Baka malate ka, gusto ko sanang kasama ka pagpasok pero 10:30 pa ang pasok ko*
Bigla na namang uminit ang mukha ko. Nakakilig talaga. Diko na mapigilan ang feelings ko para sakanya. Diko nalang siya nireplayan.
Bumangon na ako ng kama at agad nang tumungo ng CR para makaligo na. Sa pagkakataong ito alam ko nang buksan yung heater hahaha! Achievement!
Pagkatapos kong naligo, blinower at nag digicurl ako ng buhok at nilabas na ang damit na susuotin ko. Syempre gusto ko hindi ako magmukhang pitchugin pag pumasok ako. Naka skinny black jeans and highcut leather clothe shoes at Jordano na polo ang suot ko ngayon.
Bago ako lumabas ng bahay, nagpabango muna ako at kinuha na ang bag ko.Pagbaba ko ng hagdan nadatnan ko si mama at tito patrick na nag aalmusal.
"Ay! Kapogi ng anak ko oh! Manang mana sa ina!" Bungad sakin ni mama sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.
"Oh Febe breakfast kana!" Sabi ni tito pat.
"Tito di muna ako mag brebreakfast, dipo ako gutom eh at mejo late na ako, 7:30 kasi pasok ko eh 7:00 o'clock na po, hahanapin ko pa po yung room ko" sagot ko kay tito pat.
"O siya sige anak, mag iingat sila sayo" pabirong sabi ni mama.
"Ma tlaga" sagot kay mama at lumabas na ako ng bahay.
***********
Paakyat ako sa hagdanan ng main gate ng BSU at madaming mata ang nakatingin sakin. Siguro napansin nilang bago lang ako dito.
Di maalis ang kaba sa dibdib ko habang paakyat ako ng hagdanan. Tinignan ko ang schedule ko kung saan nakalagay yung classroom number {S 405}. Sinubukan kong nagtanong at sinabi sakin yung direksyon.
Madaming hagdanan muna ang inakyat ko bago ko nakita ang classroom ko. Kumatok ako sa pinto sabay bukas.
Pagbukas ko ng pinto. Halos lahat ng mata sa classroom ay nakatingin sakin. Pumasok ako at binigay yung card sa Intructor.
"Ok class, this is Febe Bryle Benjamin, your new classmate. He's a transferee from Laguna. Ok Mr. Benjamin, you can take your seat anywhere you want" sabi ng Instructor at tumungo ako sa bakanteng upuan sa may likuran.
Diko mapigilang magblush sa hiya.Yung iba kong classmate nakangiti at at yung iba naman ay nakatitig lang. Kung makatitig parang alam lahat ng kasalanan ko eh. Creepy.
"Uuuhhh, hello po" bati ng isang magandang babae sa may bandang kanan ko. "Im Angel, pero just call me Anj" sabay abot ng kamay niya.
"Febe po pala" abot ko naman sa kamay ko.
Wala naman mashadong pinapagawa yung instructor kaya nagkwentuhan lang kami ni Anj, yung seatmate ko.
"Febe alam mo ang pogi mo. Ibang iba yung dating mo" biglang sabi ni Anj. Ay grabe tong babaeng to. Deretchahan.
"Ha? Haha. Naku salamat, ikaw ang ganda mo" tugon ko naman.
"Pero parang may iba eh, parang may naamoy ako sayong kakaiba" nakangiti niyang sinabi sabay tapik sa braso ko. Inamoy amoy ko naman yung shirt ko pero mabango naman.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?mabango naman ako ah" Nagtataka kong tanong.
"Dika tunay na lalake, wag ka nang magdeny haha" nanlaki ang mga mata ko. Pano? Pano nya nalaman?
"Alam ko dahil pagpasok mo palang may pagkamalambot kana haha! Pero dont worry beh, you can trust me" ang galing naman ng babaeng ito. Napatango lang ako, ang galing.
*rrrriiiiiiiiinnnnnnnngggggggg*
Nagring na yung bell at bigla nalang lumabas yung teacher na wala manlang sinabi. Nagsilabasan narin yung mga students. Yung iba nakatingin parin sakin.
"Makatingin naman tong mga to" bulong ko sa sarili ko.
"Pogi ka kasi," biglang sabi ni Anj. Anlakas naman ng pandinig nito.
"May kasama ka ba? Sama ka nalang samin, snacks tayo sa canteen""Sige sure mamayang 11 pa pasok
ko eh" sagot ko.Nagtungo kami sa canteen at pinakilala nya ako sa mga ibang kaibigan niya. Masaya naman ako dahil nagkaron na agad ako ng mga kaibigan.
Habang kumakain kami, biglang tinapik ni Anj yung balikat ko.
"Febe, tignan mo yung poging lalake sa may center table, kanina pa nakatitig sayo."Tinignan ko yung lalakeng sinasabi niya, gosh, pogi nga. Pero di parin niya tinatanggal ang titig niya sakin kahit nakatingin na ako sakanya.
"Si kuya Mark yan beh, 4rth year na, Tourism din ang course, Varsity yan ng Basketball at heartthrob dito yan"
Sabi ni Anj at napatango nalang ako. Biglang nagring yung bell at agad silang tumayo kasama ng ibang kasamahan niyang mga pogi din."Ang popogi nila" sabi ko kay Anj sabay tawa.
Kinurot lang ako ni Anj sa may tyan at tinapos na namin magsnacks**********
Naglalakad ako sa may hallway ng biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.
"Oh kamusta ang First Day?" Tanong ni nikko.
"Ayos naman, mamayang 11 pa ang next class ko" sagot ko.
"Nagsnacks kana?"
"Oo, kasama ko yung mga bagong nakilala ko kanina pero may ibang schedule ako kaya nauna na ako"tugon ko.
"Teka bakit parang napaaga ka? Diba 10:30 class mo eh 9:20 palang.""Sinadya ko tlaga para makita ka dito, nag alala ako baka wala kang kasama. Kanina pa nga kita hinahanap eh" sagot niya. Nakikilig na naman ako. Pakshet dis haha. Sweet naman.
"Ahh, ok lang naman ako dimo naman kailangan mag abala eh" tugon ko.
"Ayoko lang kasi nag mag isa ka. At kung pwede lang sana lagi nalang tayong mag kasama eh" naramdaman ko na mas humigpit ang hawak niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa mukha niya. Ang pogi niya tlaga. Parang ang sarap halikan ang labi niya. Pero bakit kaya niya ginagawa to.? May nararamdaman kaya sya para sakin?. Ayokong mag assume. Ayokong masaktan.
"Aahh,! Oo nga pala! May kukunin pa ako sa OFFICE. Yung papers. magkita nalang tayo mamaya" tinanggal ko ang kamay nya sa pagkahawak at tumakbo na ako palayo sakanya.
"Uyy teka samahan na kita" sabi niya.
"Wag na saglit lang ako mamaya nalang tayo magkita" tumakbo ako palayo sakanya. Nagrason nalang ako para makaiwas muna ako sakanya. Diko na kasi tlaga mapigilan eh. Nahuhulog na ako sakanya at ayokong mangyari yun kasi lalake siya. Imposibleng magkagusto siya sakin. Baka lumayo pa siya kung malaman niya to.
Habang patakbo ako papuntang CR. May nakabangga ako na matigas na katawan at nauntog ang ulo ko sa may pader sanhi ng pagkaupo ko sa sahig. Mejo nahihilo na ako.
"Uiiii, sorry sorry. Ok ka lang?" Sabi ng lalakeng nakabangga ko.
Tigas naman ng matawan nito.Laking gulat ko nung makita ko ang mukha niya. "Aah-aah, ikaw si kuya Mark diba?? Yung sa Canteen kanina?"
"Yep, ok ka lang ba Febe?" Napakatamis ng ngiti nya. At alam niya yung pangalan ko? OMG
--------------->
Hey mofos!!! So i'm gonna continue this story. Please read <3
![](https://img.wattpad.com/cover/32328544-288-k439834.jpg)
BINABASA MO ANG
My Neighborhood (boyxboy)
Roman d'amourLove is what you do. Be good at it. Competence is a rare commodity at this age and days. Sabi nga nila, kahit gano tayo kagaling mag mahal, pero kung yung taong mahal natin eh di naman tayo mahal. Bigti na teh! Ay djoke! Haha. Sometimes, the more we...