Lalalalala!
Good day parin si Demi! Wee! Rainbows and unicorns and flowe—
Phone rings...
Me: Hello?
I flatly answered. Ano ba 'yan? Panira ng mood.
Actually, kahapon pa maganda ang aura ko bukod sa pagiging likas na maganda akong tunay. Walang sisira dahil ito ang unang araw ng 5-day dating trial ko. Wuhoo!
Caller: Hello, Demi!
Nag-init at nasunog lahat ng magagandang bagay na nakikita ko. Napukaw ang rainbow at napalitan ng kulimlim. Nagsi-takbuhan ang mga unicorns. Nagsi-lanta ang mga flowers. The hell it is Hell!
Me: The Hell.
Hell: I guess, kinikilig ka na.
Saka siya tumawa. Hell talaga.
Me: Ano na naman kailangan mo?
Hell: I just want to check you and your boyfriend.
Me: Oh, 'eto... Staying strong. Eh kayo naman ni Santina?
Akala niya, hindi ako gaganti? Kung bwisit siya, kaya kong maging mas bwisit sa kanya.
Hell: 'Eto rin, kasama ko ngayon. Actually, tulog pa nga siya e. Napagod ata kagabi sa—
I shook my head. Eww! Greeny-mindy, Demi!
Me: Kailangan pa bang i-kwento 'yan?
Napapangiwi ako sa narinig. Totoo nga kaya—wala, wala.
Hell: Baka gusto mo lang naman kasi malaman ang party namin kagabi na ikinapagod niya. Alam ko namang obsessed ka sa 'kin kaya—
Me: Oh c'mon, Hell. 'Wag ka nang mangarap. Nakaraan na 'yon. Nag-sisisi na ako. Huli na talagang pagkakataon na makikita kita sa Valentines. Simulan mo nang tigil-tigilan ako.
Hell: Sino ba ang nagsimula ng lahat?
Napatahimik ako. Hindi ako umimik. Alam ko naman na... ako e. Ako ang nagsimula ng lahat.
I sighed but I didn't let Hell hears it.
Doorbell rings...
Walang pasubali kong pinatay ang tawag ni Hell.
Wala na. Sira na ang araw ko.
Pagdating ko sa pintuan ay nakakita na naman ako ng package. Sa loob ng bahay ay binuklat ko ito.
Isang navy blue lace dress?
May sulat sa loob nito kaya binasa ko.
Wear this. -143
Malamang ay galing ito sa kumpanya o organisasyon o kulto o kung ano-pa-man ng 143. Aba, sosyal! Araw-araw ba ay may outfit silang ibibigay sa akin? Oh, well. Sulit na sulit ang bayad ko!
Dumaan ang maghapon at hapon na nga. Teka, 'di ko man lang nakausap si kuyang operator about dun sa package! Dali-dali kong inabot ang phone ko.
Dialing 143...
Me: Kuyang operator!
Operator: Goodness!
Me: H-huh?
Operator: I-I mean— your call, please?
Me: Ayy, sorry po kuyang operator. Nagulat ba kita?
Operator: N-no. Your call, please?
Me: Nagmamadali ka ba?
He sighed. Eh? Makulit na ba 'ko?
Operator: No. We're just... uhh, waiting for your call t-to ask if you received the package from our company.
Me: 'Yun na nga po— Ayy, teka. Did you just stutter, kuyang operator? Okay ka lang?
Operator: Yes, ma'am. Now, about the package—
Me: Yes, KO! Natanggap ko na, kanina pa. Pasensya na at ngayon lang ako nakatawag.
Masayang sinagot ko siya. Sabi ko na e, walang makakasira ng araw ko kahit si Hell pa.
Operator: Good, now— wait, what did you just call me, ma'am?
Me: KO... as in "key-ow".
Operator: K-O? Knock-out?
Me: Hahaha. Hindi! K-O as in "kuyang operator". Ang haba e, kaya 'yan na lang. Ayaw mo rin naman sabihin pangalan mo dahil sa policy niyo.
Operator: Uhh, w-well... fine.
Waaah! Pumayag siya sa K-O ko! Teka, paano ko nga ba naisip 'yon?
Me: So, uhh— 'yun lang po, KO. Magbibihis na ako para sa first date ko. Bye!
Saka ko ibinaba ang telepono.
Aaah! Excited na 'ko.
Pero teka— ang weird ni kuyang operator ngayon. Sabagay, at least, nababawasan ang pagiging casual niya 'pag kausap niya ako.
Ayy, bahala na nga si kuyang sexy-voiced a.k.a. KO. Ako ay magbibihis muna sa pers deyt ko para sa 5-day dating trial na ito.
Go, Demi!
BINABASA MO ANG
Dialing 143
Short StoryDialing 143... "I need a boyfriend." (A Valentine Special) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved