Pagkatapos ng unang date ko ay nilagnat ako. Oo, as in lagnat.
Napaka-weirdo pero wala akong magagawa. Ignorante ata sa pakikipag-date ang katawan ko,though hindi ito ang unang beses na makipag-date ako. Hindi ko alam kung bakit. Maaaring nahamugan lang ako o kung ano. Pero bago kasi ako umalis kahapon ay nahihilo na ako ng kaunti. Pero dahil excited nga ako ay ipinag-walang bahala ko na lang.
Kaya pala kusang nagluluha ang mata ko. At least, nakatulong 'yon para makatakas ako kay Mr. Greek-Geek.
At syempre ay natulungan din ako ni KO. Speaking of kuyang operator— 'di ko pa siya nakaka-usap ngayong araw!
Mag-aalas-sais na ng hapon at nakahilata pa rin ako sa kama. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Ayokong bumangon.
Usapan namin ay same place, same time. At 'yun ay sa Plaza 143 Restaurante, alas-otso ng gabi. Pero dahil nga hindi ako makakapunta ngayon ay magpapaalam ako.
Hay, sayang ang isang date!
Dialing 143...
Me: Hello?
KO: Your call, please?
Me: It's me, Demi. KO—
KO: Demi? KO?
Napa-igtad ako sa pagkakahiga nang mapagtantong hindi si KO ang kausap ko. Biglang tumibok-tibok sa sakit ang ulo ko. Arggh! Ang sakit!
Me: Aww. S-sorry. Akala ko kasi ikaw 'yung dating operator— wait, ano na nga pangalan no'n?
Operator: To know his name is against the company's—
Me: Tss. Oo na, alam ko 'yun. Whatever. Anyway, I'm your customer and I availed your special service— and uhm, about the 5-day dating trial... Please notify to whom it may concern that I cannot attend today. I'm freaking sick, okay?
Operator: Okay, ma'am. Do you want me to call a clinic or hospital for you?
Me: No, thanks. I can handle. Bye.
Agad ko namang ibinaba ang linya.
Ang sakit na talaga. 'di ko na ata keri. Pero sabi ko sa operator na hindi si KO—asan kaya siya?— I can handle.
Doorbell rings...
Mapapapikit na sana ang mata ko dahil sa hapong nararamdaman ngunit nagising ang diwa ko sa nag-doorbell. May package na naman ba? Pero sabi ko, hindi ako makakapunta ngayon.
Pagdating ko sa pintuan, kahit iika-ika ay nakita ko na naman ang pamilyar na box galing sa 143 na may kasamang rosas. Pagkabukas ko rito ay hindi dress o papeles ang laman kundi...
Gamot?
Drink this. It'll help you and your health.
'Yon ang sabi sa note. Aba, bongga! May health insurance pa ata ang 143.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may nag-text sa akin...
One message received from Hell: GWS
GWS means Get well soon, 'di ba? Ano ang nakain ng Hell na 'to? At alam niya bang may sakit ako?
Paglingon ko sa paligid ay nakakita ako ng lalaking agad namang nagtago nang mapansin nakatingin ako. Hindi ko siya gaanong natitigan dahil umalis siya kaagad. Sino 'yun? Siya ba ang nagdala ng package?
Ngayon ay hindi na ako sigurado kung galing nga ba ito sa 143.
Matapos basaahin ang prescription ng gamot ay ininom ko na rin kahit 'di ko alam kung saan galing.
Hayy, I'm beat. Kailangan kong magpagaling. ASAP.
BINABASA MO ANG
Dialing 143
Short StoryDialing 143... "I need a boyfriend." (A Valentine Special) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved