February 5
Hell calling...
Me: H-hello?
Hell: Hi Demi!
Me: Uhh— H-hell. W-why did you call?
It is Hell. He's my one of a hell crush. At marami na akong ka-baliw-ang nagawa para lang sa kanya. He's devilishly handsome and appealing.
Pero isang bagay ang nagpagulo at nagpaguho ng lahat...
Hell: Say that you love me. So damn much.
Me: W-what?
Hell: Say it.
Sa una ay nawirduhan ako ngunit ginawa ko rin ang ipinag-uutos niya. See? He's that evil to get my whole self and senses.
Me: I love you, Hell... so damn much.
Hell: FLIRT! Who is this?
Ibang boses na ang nasa kabilang linya. Isang tinig ng babae. Hindi ako umimik bagkus ay unti-unting bumagtas ang luha sa pisngi ko. And now I've realized, it is Santina— the rumored girlfriend of Hell.
Loving Hell is a true hell. Nakipagsapalaran ako sa mga fan girls at admirers niya, nakipag-harang-taga sa mga tarantado niyang kaibigan at kung anu-ano pang kabaliwan na ang nagawa ko para sa kanya.
Pero bakit ko ba 'to ginagawa? E gayong hindi niya naman ako napapansin. O kung napapansin man, lagi namang tinatalikuran. At ano ito? Kaya siya tumawag para ipamukha sa akin ang totoo? Na wala akong ni kapiranggot na pag-asa sa kanya?
Hell: Heard that? She's Santina, my girl. Now, will you stop stalking me? You're a creeper, lady. Are you a bitch? Akala ko ba anghel ka?
His second to the last statement made the fire within me burn further.
Calling me flirt and bitch is nonsense. But degrading my real self is unacceptable.
Me: Hell, damn you.
Hell: Yeah, damn me.
Me: Do you really think na gusto kita at mahal na mahal?
I asked. Yes, I love you. But if this is the game you want, then be it.
Hell: Well, you've said it a while ago at my girlfriend's ears.
Tumawa ako ng pagak sabay punas ng luha ko kahit 'di niya nakikita.
Me: Well, I'm sorry to say this but game over. I am not a bitch nor a flirt. Angel? Uh-uh. I did not fall into you. I am just testing you. Nabigo ako kasi gago ka pa rin. Poor you.
Hell: What do you mean, missy?
Me: I'm just saying that you're stupid enough to fall for my feelings-trick.
Hell: Did I? Or you did?
Me: I didn't because I do have a boyfriend and you don't matter at all.
Hell: Oh yeah?
Me: Yes.
Hell: Then show me.
Me: Show you what, Hell?
Hell: The guy you're talking.
Me: And why is that so? Baka mamatay ka lang sa inis dahil naisahan kita at maiumpog mo ang sariling ulo mo sa pader. Isa kang uto-uto!
Masakit para sa 'kin pero 'eto ang kailangan ko ngayon. Bakit ka ba ganyan?
Hell: Na-uh, lady. Show me. This doesn't give an either fuck to my ego.
And then there it all started.
February 6
Nasa simbahan ako ngayon at nagtitirik ng kandila.
"Ineng, k-kandila? Bente lang," pagsulpot ng isang matandang naka-bandana sa akin na may tangang isang tali ng kandila.
Sa awa ko ay binili ko ito. Para na ring tulong dahil naaalala ko dito ang yumao kong lolo't lola.
Sisindihan ko na sana ang mga kandila nang muling magsalita ang matandang 'di pa pala umaalis.
"May problema ka, ineng." Hindi patanong ang sabi nito at animo'y siguradong-sigurado sa sinabi.
"O-opo. Pero wala lang ho iyon."
"Kunin mo 'to. Maaari 'yang makatulong sa iyo." Isang calling card ang inabot nito sa akin.
Sa totoo lang ay hindi mukhang pulubi ang matandang ito, pero bakit siya nagtitinda ng kandila? Kaya hindi na rin ako masyadong nagtaka sa pag-aabot niya ng isang calling card.
Kinilatis ko ito at iniisip kung para saan ba iyon at paano ako matutulungan.
Nang bumaling ang tingin ko sa matanda ay umalis na ito. Nakita ko siya sa bandang pintuan ng simbahan ngunit kahit gusto kong habulin ay 'di ko magawa sapagkat animo'y nadikit ang aking mata sa card na ibinigay niya.
Ano ba ito?
Kinabukasan ay nalaman ko kung para saan iyon...
At 'yon ang nagbigay-daan upang makilala ko ang 143 Hotline na hindi lang tulong sa tawag ang ibininigay kundi lahat ng maaari kong kailanganin.
Habang nakahiga ay inaaalala ko lahat ng pangyayari sa buhay ko sa mga nakaraang araw. Sa isang-isang araw ay Valentines na at may sakit pa rin ako. Wala akong magawa kundi tumanga dahil hindi ko kakayaning makipag-date sa lagay na 'to.
Buntung-hiniga na lang ang kaya kong gawin.
Dialing 143...
Me: I'm sorry, hindi ko pa rin kayang makipag-date ngayong araw—
Operator: Okay ka lang ba?
Me; H-huh— oh my! KO!
Mas nagulat ako sa muling pagsulpot ni kuyang operator kesa sa tanong niya na walang bahid ng propesyunalismo at kaswal lang na animo'y kaibigang nag-aalala.
Operator: Uhh— y-yes, ma'am. I mean, your call?
Me: Kuyang operator! Oh my, bumalik ka na! By the way, kaya ako tumawag ay 'yun na nga. I can't still date for the mean time.
Okay lang naman siguro 'yun, dalawa ang absent ko sa dating trial chuchu na 'yan. So ibig sabihin, may dalawa pa akong natitira. Pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko do'n.
Operator: Uhm, do you need any assistance, ma'am?
Me: No, thanks, KO. Kaya ko pa naman.
Sagot ko sabay 'di sinasadyang naubo.
Operator: You don't sound okay.
Me: Okay lang ako. Medyo okay na kesa kahapon. Don't worry—
Operator: Don't worry? Kahapon pa 'yan e. Why don't you go on a check up? Any assistance?
Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni KO. He's serious.
Operator: S-sorry, m-ma'am.
Me: Ay, hindi. O-okay lang po. Uhh, o-okay na po talaga ako. I'll go to the date t-tomorrow.
Operator: Will you please forget about that and know your health state, first?
Gano'n pa rin ang tono niya. Animo'y isang kaibigang matagal ko nang kakilala.
Me: No, really. I can handle. T-that's it. 'Yun lang naman ang sasabihin ko. G-goodbye.
Saka madali kong ibinaba ang linya.
Nakaka-miss si KO! Kaya lang, why is he acting weird all of a sudden?
BINABASA MO ANG
Dialing 143
Short StoryDialing 143... "I need a boyfriend." (A Valentine Special) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved