CHAPTER 1

2 0 0
                                    


Alora's POV

Kinuha ko ang idinikit na cotton sa akin kanina ng doctor pagkatapos niyang kumuha ng blood test. Itinapon ko ito sa pinakamalapit na trash bin.

Lumapit ako sa may bintana at napatingin sa labas. Mula dito ay tanaw ko ang siyudad, pero dahil sa sobrang layo ko, imbis na matataaas na building ang makita ko ay nagmistulang laruan ang mga ito sa liit.

Araw-araw, gamit ang aking drone, nakikita ko ang mga masasayang kaganapan sa abalang siyudad. Ang mga taong nag-uusap,nagtatawanan at nagkukulitan kasama kani-kanilang mga kaibigan, katrabaho kaklase at maging mga taong hindi nila kakilala. 

Ang saya siguro nila noh? Nagagawa nila lahat ng gusto nila ng hindi nag-aalalang biglang hindi makahinga at mahimatay bigla. Nakakakiliti siguro nnung mga buhangin sa paa. Nakakamangha din siguro  yung paglubog ng araw, sana makita at maramdaman ko rin yun lahat balang araw. 

Bago pa man akong maiyak sa pagdadrama ko ay tumalikod na ako.

"AHHHHHHHH" parang lalabas ang mata ko sa gulat.

"AHHHHHHHH!!!!!!!! sigaw din niya habang palinga-linga

" SINO KAAAAAAAA????? " Tarantang tanong ko.

" Ang isang cute na tulad ko sinuka? " tanong niya rin habang tinuturo ang sarili niya

Nagawa pa talagang magpatawa ng kumag  

" BALIW KA BA?" sigaw ko kahit sobrang kabog na ng dibdib ko sa kaba.

" Kanina sinuka, ngayon naman baliw?". Pagmamaktol niya

Mabilis akong pumunta sa may desk at kinuha ang baseball bat. Hinawakan ko 'to ng mahigpit at tinutok sa mukha kanya.

Napaatras siya.

" Huwag mo nga sagutin ng tanong ang tanong ko "  Seryoso kong sabi

Parang tanga 'tong isang 'to

ANG SABI KO SINO KA? PAANO KA NAKAPASOK DITO? BAKIT KA NANDITO? ANONG KAILANGAN MO SA'KIN? Sunod-sunod kong tanong.

" GUARDS TULOOONG MAY NAKAPASOK NA BALIW DITOOO"

Nahihirapan na akong huminga. Kanina pa ako sigaw nang sigaw pero walang dumadating.

" woah woah woah, Chill..." sabi niya habang papalapit sa akin at sinusubukang pakalmahin ako.

" C-Chill mong mukha mo" hinihingal kong sabi. May umiitim-itim na sa gilid ng paningin ko at nagsisimula na akong makarinig ng napakatinis na tunog.

Nabitiwan ko ang baseball bat at napahawak sa desk

" oops careful" lumapit siya at inalalayan ako

" Huwag mo 'kong hawakan--" Itutulak ko na sana siya nang mapaubo ako.

Pagtingin ko ay may dugo na sa kamay ko.

Nanlabo ang paningin ko at tuluyan nang umitim ang paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SerendipityWhere stories live. Discover now