Agosto 24, 1991. Bagong araw nanaman ang sisimulan ng pamilyang Santos. Wala namang okasyon na magaganap ngunit maraming ginagawa ang mga tao sa loob ng bahay.
Alyana: Ate! Tignan mo to oh.
Maria: Tsk. Ano nanaman yan Alyana? Kung ano-ano nanaman yang kinakalikot mo.
Alyana: Pasenysa na ate. Pero, kay lola ba ito? O kaya, kay mama?
Maria: Ang alin? Patingin nga.
~ Tinignan ni Maria ang tinutukoy na bagay na nakita ni Alyana sa kanilang bodega sa pinakataas ng bahay. Isang locket na may litrato ng kanilang Lola at isang lalaki na di kapamilyar-milyar sa mga mata ng 2 bata. ~
Laura: Maria! Alyana! Baba na, mag merienda muna kayo. Nagluto ang inyong lola.
"Opo mama!" Sagot ng dalawang bata.
*Habang kumakain, napatanong si Alyana sa nahanap nilang locket sa kanilang bodega.*
Alyana: Mama, sa inyo po ba yung locket sa taas? Kamuka niyo po kasi yung babae na nasa litrato. Napakaganda niya po.
~ Tumawa ng mahinhin si Laura. Saka naman sumabat bigla ang kanilang lola. ~
Teresa: Ay naku iha! naghahalungkat ka nanaman ba sa ating bodega?
Alyana: Opo lola, pasensya na po. Ang gaganda lang po kasi ng mga nakikita ko doon at saka, intresado po ako sa mga lumang gamit.
Laura: Kayo talaga, araw araw na lang kayo nanggugulo sa bodega. Pero hindi sa akin ang locket na iyon.
Maria: Huh? Edi kanino po?
Teresa: Saakin.
"ANO PO?" Sabay na pagsabi nila Maria at Alyana.
BINABASA MO ANG
Marso ng 1944
RomanceSa isang magardong tahanan, naging intresadong usapan ang buhay ng lola nila Maria at Alyana. Dito, nalaman nila ang naging buhay ng kanilang lola na si Teresa simula noong Marso, 1944.