Chap. 2: "Agosto 15, 1949"

13 1 0
                                    

"ANO PO? Kayo po yung babae?! Bakit hindi po si lolo yung lalaking nasa litrato? Diba kapag mayroon kang locket, Ang isang larawan ay dapat ang iyong iniibig?"

Teresa: Naku! Mahabang istorya apo. Sa susunod ko na lang i-kwekwento sa inyo. Sige, bilisan niyo na kumain para maligpit na natin ito.

"Opo Lola." Sagot ng dalawa.

______________________________________________

Agosto 15, 1949

Aking minamahal na Teresa,

Kamusta ka na, aking sinta? Sana'y maayos naman ang kalagayan mo diyan. Patawad mahal ko, sapagkat tatlo pang araw bago ka pa makita ng aking mga mata. Mahirap ngayon ang sitwasyon ko rito pero nagsisikap ako para lang mayakap kitang muli.

- Francisco

______________________________________________

Teresa: Kailan ba kita makikita mula, Francisco?

*susunod na araw*

~ Maagang bumangon si Teresa at sinimulan ang kaniyang araw sa pag-hahalungkat ng kaniyang lumang gamit sa bodega hanggat sa biglang nakisama na sila Maria at Alyana ~

Maria: Lola! Magandang umaga po! ayos lang po ba kung makisama kami sa inyo?

Teresa: Aba'y syempre! Tulungan nyo nga ako dito.

Maria at Alyana: YEHEY!

~ ilang oras na ang nakalipas sa kanilang pag hahalungkot ng gamit ng kanilang lola, may naitanong bigla ang mag dalawang kapatid ~

Maria: Lola, bakit ang dami niyo pong nakatagong lumang sulat pero hindi naman po si lolo yung nagbigay?

Alyana: Lola, sino po si Francisco?

Marso ng 1944Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon