Her Thoughts

20 2 9
                                    



WARNING: This book contains violence and mature contents.
READ AT YOUR OWN RISK

Her Thoughts
written by Supreme_Deity

P R O L O G U E

"Melancholy!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin, tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang papalapit saakin.

"Bukas ha, sa bahay tayo gagawa." Tumango lang ako sa kanya at nagsimula na uling maglakad. Akala niya hindi ko narinig kanina, palagi na lang nila inuulit sakin sa tuwing may mga announcement, hindi naman kasi ako pala salita kaya lahat sila ay ganon sa'kin, akala nila hindi ko naririnig, may sariling tainga naman ako.

Hindi kami mayaman at hindi rin mahirap, sakto lang. Nakakapag-aral pa ako sa private school dahil sa Lola ko na tumutulong kila Mama. Hindi ako pala salita, hindi magsasalita kung walang sasabihin, hindi umiimik kahit na minsan ay kinakausap, tanging tango lang ang ginagawa. Kalimitang tumawa at ngumiti higit sa lahat boring na tao.

Mga libro lang ang nakakapagkalma at kaibigan ko, meron naman akong kaibigan pero hindi ko lang talaga gustong lumalabas ng bahay, gusto ko ng katahimikan sa buhay. Pero paano tatahimik ang buhay ko kung ang ingay at magulo sa bahay?

Napatingin ako sa kalangitan ng biglang bumuhos ang ulan. May payong naman ako pero tinatamad akong kunin. Parati akong maagang umuuwi kahit na niyayaya ako ng mga kaibigan ko, madami sila pero minsan ko lang sila kinakausap at kasama, ayaw ko ng maingay.

Tinignan ko ang langit, sobrang dilim na nito. Gusto-gusto ko pa man din nababasa ako ng ulan kaya 'di maiwasang ngumiti pero tipid lang ito.

Pagkadating ko sa bahay ay naligo na agad ako. Hindi naman ako papagalitan kahit basa ako dahil pinapabayaan nila ako sa gusto kong gawin.

Pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana, masaya pero nakakalungkot tuwing tinitignan ko ito, kasabay nang pagkabagabag ng iniisip ko, masakit. Sobrang lakas nila sa utak ko, 'di ko mapigilang umiyak. Hindi ko ito mapigilan, para akong mababaliw sa sakit.

Humiga na lang at doon umiyak, walang akong lakas para tumayo. Naawa ako sa aking sarili. Napatingin ako sa aking kamay, agad na hinawakan at may parang binubura, pero hindi naman 'to sulat o chalk para mawala agad.

Sobrang sakit ng ulo ko at damdamin kahit kanina okay pa naman ako. Palagi naman kaya hinayaan ko na lang ang aking sarili na maging ganito, hindi ko alam kung paano ba matutulungan ang aking sarili. Inilagay ko ang dalawa kong kamay at tinakpan ang aking tainga, masyadong malakas at maingay para akong pinapatay.

Sobrang sakit ng mata ko pero hindi naman tumitigil ito sa pagluha. Sanay na ako parating gan'to pero hindi ko pa rin maiwasan ng makaramdam ng sakit. Ito rin ang dahilan kung bakit ako nakakatulog kahit na nahihirapan ako, pinunasan ko ang aking luha gamit ang yakap kong kumot. Dapat itong kumot para 'di lamigin pero nagiging pamunas dahil sa gabi-gabing pag-iyak.

PAG GISIG ko umayos na agad ako, gusto ko na lang matulog para hindi na naman ako makaisip at makarinig ng kung ano-ano pero hindi naman puwede. Nag-ayos na ako para makapasok na, kumuha rin ako ng libro para babasahin ko mamaya, hindi rin naman ako nag-iingay.

——

Copyright ©️ 2021 by Supreme_Deity

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

PLIAGRARISM IS A CRIME

I wrote this story with my own mind, my own ideas, my own invention, and with my own imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

These are all fiction.

A/N: Matagal akong mag update kaya pagbinasa mo 'to sana ay maunawaan mo ako, maraming salamat sa pagbabasa pero bago mo pa mabasa ang susunod na update ko winarningan na kita (feel ko ang sungit ko dito, mabait po ako HAHAHAHA), salamat. Lovelots! Thank you!

Enjoy Reading:)

Her ThoughtsWhere stories live. Discover now