Thoughts : 02

5 2 1
                                    



"Paano matatahimik
ang iyong isipan
kung pamilya mo
ang dahilan"

Nakatingin lang ako sa kaibigan ko na nagku-kuwento. Tumabi siya sa'kin kaya hinayaan ko na lang na mag-ingay kahit na nagbabasa ako kanina pero bilang pag-galang ay itinago ko muna ang aking libro. Kaya ko namang magbasa habang nakikinig pero baka sabihin niyang hindi ako interesado sa sinasabi niya, baka ma-offend siya dahil imbis na makinig ay nagbabasa pa ako.

Tango lang ang aking ginagawa. Hindi naman siya tumigil dahil sobrang dami niyang kinukuwento, kulang na nga lang pati mga maliliit na detalye tungkol sa kanya. Hindi naman ako snob sa tuwing kinakausap nila ako, nakikinig din ako sa mga rants niya pero 'di sumasagot o nagtatanong, alam niya naman ang aking ugali. Dalawa ang pinaka close ko sa aming magkakaibigan dahil iyong iba ay kaibigan nila kaya nakak-usap ko sila ngunit hindi lang gan'on ako kalapit sakanila.

"Alam mo Melancholy kung nakita mo 'yung ginawa niya ay matatawa ka," Napailing ako dahil sa sinabi niya para pigilan ang pagtawa. Kahit kailan 'di na talaga nagbago ang aking kaibigan, puro kalokohan ang nasa isipan. Buti na lang ay napagtitiisan niya ako kahit na hindi ako palasalita at palangiti.

"Ikaw ba naman nakuhanan ng video na nagungulangot pagkatapos ay ipinunas mo ito ng palihim sa kaklase mo." Humagalapak siya nang tawa at napahawak sa tiyan kaya halos mahulog siya sa kan'yang kinauupuan. Ipinakita niya pa sa'kin 'yung video na sinasabi niya. May katotohanan ang kan'yang sinabi, hindi naman mapagsinungaling si Jenzelix.

"Dahil diyan, papangalanan ko ito ng ang pinahid na kulangot." Dahil sa sinabi niya ay natawa na ako pero mahina lang. Tumingin siya sa'kin saka ngumiti bago nag thumbs up. Makulit ito kaya minsan ay palagi niya akong napapatawa kasama si Wenger, bakla kong kaibigan.

Minsan ay pinapabalik siya sa kaniyang upuan dahil sa kaingayan, ipinaglalayo kami para hindi na siya makadaldal pa. Malayo kasi ang upuan niya sa nakatalagang upuan sa'kin, ilang upuan pa ang humaharang bago ang kan'ya.

"Sama ka sa Plaza? Kain tayo saka tambay na rin bago umuwi." Nakangiting tanong niya. Makaka-hindi pa ba ako? Tumango na lang ako saka sumunod sa kanya. Kami ang magkakasamang tatlo habang ang iba naman ay nasa harap namin, nakakapag-usap naman kami pero hindi ko lang kayang magsalita at kung ano-ano ang sabihin sa kanila, wala rin naman akong sasabihin kaya sa tingin ko ay dito na lang muna ako sasama kila Jenzelix at Wenger dahil sila ang unang kumakausap sa'kin at nakikipagkuwentuhan.

Pumunta muna kaming palengke para bumili ng tusok-tusok. Hindi ko gusto ang fishball na tinitinda nila kaya ang binili ko na lang ay kikiam at kwek-kwek. Kapag kumakain ako ng kwek-kwek ay parating sumasakit ang aking ulo pero sa ngayon ay gusto ko talagang kumain niyon kahit na makaramdam pa ako mamaya ng pagkahilo. Hindi ko lang alam kung bakit, siguro sa mantika, pati na rin ang lumpiang gulay, ayaw ko rin dahil kagaya nito ay nagpapasakit sa'king ulo.

Bumili sila ng lumpiang gulay, ako lang ang hindi. Naglalakad na kami ngayon papuntang Park, kanina ay nakapagtambay na kami sa Plaza. May upuan kasi dito sa Park na nakapabilog kaya doon na lang napagpasiyahan na kumain, okay lang naman sa'kin kung dito. Nakaupo na kami ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga elementarya na naglalaro doon sa see saw at mga iba pang baitang na high school ang naroroon.

Nag-uusap na silang lahat habang ako ay nakikinig lang at paminsan ay sumusulyap ako sa kanila. Tinanong ko si Jenzelix kung anong oras na saka nagpaalam sa kanila na uuwi na ako, ngumiti sila sa akin at nagsabi ng bye saka kumaway.

PAGKA-UWI ko ay nadatnan ko si mama na naglilinis. Tulad ng parati kong ginagawa ay nagbihis ako, inayos ang aking buhok saka lumabas ng kuwarto. Hindi kami sabay-sabay na umuuwi nila ate at kuya ko sapagkat magkakaiba kami ng paaralan na pinasukan. Tuluyan na kasing pinaalis ng paaralan si kuya pero kahit noong doon parin siya nag-aaral ay hindi talaga kami nagkakasabay, kasama niya pa kasi ang kanyang tropa bago umuwi.

Her ThoughtsWhere stories live. Discover now