Thoughts : 03

5 2 4
                                    




"Hindi ko
iniingatan ang dignidad
ko para rumihan
lang ng tao."

Pagkadating ko sa harapan ng gate ng school ay dumeretso ako kay kamahalan, nawawala na naman kasi 'yung takip ng ballpen ko. Balak kong bumili ng bago dahil hindi ako sanay na walang takip ito saka minsan ay nawawalan ng tinta. Gaya nga ng pangalan nito ay mahal ang mga tinda, kahit ano pa bibilihin mo, lahat ay mahal. Sanay ako sa faber castell na ballpen, 'yun lang ang ginagamit ko kahit na gusto kong gumamit ng g-tec kaso 'di ko sanay dahil mas pumapangit 'yung sulat ko, kaya loyal na talaga ako kay faber.

"Faber Castell nga po." Mahinang sabi ko. Nakalimutan ko pala na matanda ang nagtitinda kaya mahina na 'yung pandimig. Mahina lang ang aking boses, mahina naman talaga pero may isa pang dahilan kung bakit hindi ako nagsasalita palagi at mahina ito, sa tuwing nagsasalita kasi ako ay sumasakit ang aking lalamunan atsaka hindi ko gaanong kaya na magbasa ng tuloy-tuloy pero kung magsalita ay nakakayanan naman.

"Ano iyon?" Nginitian ako saka nagtanong. Hindi ko alam kung namumukhaan niya ba ako, palagi kasi ako dito bumibili ng candy, snowbear o kaya naman ay fres. Kailangan ko ito dahil para hindi sumakit ang aking lalamunan kung kailangan man magsalita pag pasok ko.

"Pabili po ng faber castell at limang snowbear." Pag-uulit kong sabi. Kung hindi niya pa ako naintindihan, hindi na lang ako bibili. Buti naman naintindihan niya ako dahil kung sakali ay lalayo pa ako para lang makabili ng ballpen. Minsan naman ay sa iba lang talaga ako bumibili, kilala na rin ako ng uncle na nagbebenta roon dahil palagi ako pumupunta sa tuwing uwian para bumili ng mga kailangan para sa school, doon rin ako nagpapaxerox kapag ako iyong nautusan.

"25 lahat." Ibinigay ko na 'yung bayad ko saka pumasok. Kahapon lang ako bumili uli ng ballpen, kinse lang ang tinda sa'kin tapos ngayon bente na?

Kailangan pa kasi i-tap 'yung I.D dahil sisitahin ka ng guard kung hindi mo ito ginawa. Buwesit na RFID na 'yan, nale-late ako dahil dito. Sa dinami-dami ng nag-aaral dito sa school ay 'di kinaya ang tatlo dahil tuwing uwian ay kala mo magbabayad ng tuition fee sa haba ng pila. Sumisiksik na nga lang ako pero minsan ay nasisita, sisihin ko talaga 'yan kapag na expell ako dahil andami ko ng late! Nakaka-agrabyado ito para sa mga students na umuuwi at malalayo ang bahay na kagaya ko. Hindi rin naman kasi napapakinabangan dahil ang binigay kong number ay hindi na ginagamit. Sinasabihan din ako ng kaibigan ko na ang brainy ko dahil hindi namo-monitor nila mama ang paglabas pasok ko sa school.

"Asan I.D mo?" Rinig ko pang tanong ni Bao sa isang lalaking student dahil hindi niya ito suot. Bao ang tawag namin dito dahil sa buhok niya, kala mo panglampaso. Niloloko namin ito para lang makabili sa labas, ililibre namin siya ng kahit ano kaya pumapayag naman ito.

Dumiretso na ako sa room para makaupo na. As usual pumunta lang ako sa upuan ko at tahimik silang pinagmamasdan. Wala pa kasi 'yung kaibigan ko kaya walang nandadaldal sa'kin. Pero kung mamamalasin ka nga naman 'yung katabi ko pa ang unang pumasok, wala kasing araw na hindi kami nag-aaway, kulang na lang ay magsapakan kami sa tuwing dinadaldal niya ako o kaya inaasar. Close naman kami lalo na kapag magso-solve ng math, doon kami nagkakasundo kahit na minsan ay ml lang ang inaatupag nito. Maingay siya hindi katulad ko, palatanong siya kung hindi niya naiintindihan 'yung tinuturo pero ako? Hindi nagsasalita kahit hindi ko talaga maintindihan.

"Once." Napairap ako dahil sa sinabi niya. Ang ingay-ingay kasi niya e, noong mali ang nasabi niya ay sinimulan niya na tawagin ako niyan, mali niya tapos tatawagin niya ako ng kamalian niya?

Inasar niya pa ako ng inasar. Dito lang talaga sa taong ito tumatalab 'yung pagsasalita ko ng madami e, dahil sa kan'ya. Nagsusuntukan na kami, bawian lang. Halos hindi kami matapos sa pagsusuntukan sa isa't-isa nang magsalita si Jenzelix.

Her ThoughtsWhere stories live. Discover now