Thoughts : 04

3 1 2
                                    



"Ipikit man ang mga mata,

takpan man ang mga tainga. Magpaparamdam

 siya, kalungkuta'y bibisita"


"Diba si Ethian ang humawak sa ano mo." Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kuya ko. Para pa siyang natutuwa ng sinabi niya iyon, kung paano niya binigkas ang salitang ika-gugulo ng aking isipan. Yumuko ako at pinagpatuloy ang pagpunta sa kusina. Nakakainis lang, sarili mong kapatid pinapaalala 'yong nangyari dati. Kala mo naman mabilis lang makalimutan kung nararamdaman mo na parang nakamarka ang kamay niya sa aking katawan. Hindi maganda ang birong iyon dahil sa tuwing naaalala ko iyon ay nandidiri ako sa aking sarili.


Nagbabasa na lang ako para matanggal ko sa isip ang sinabi sa'kin ng aking kapatid. Pilit na binabasa ang mga salita na nakalagay sa libro, ngunit hindi ito gumana. Napatingala ako sa kalangitan at napangiwi, ano nga ba ang nararamdaman ni Ethian sa tuwing naiisip niya ang kan'yang ginawa? At ni Calsus sa kagaguhan niyang nagawa?


"Siguro, siguro nakalimutan na nila iyon" Napabuntong hininga at nagbasa na lang. Napatawad ko na sila matagal na kahit hindi ako nakaranas nang paghingi nila ng tawad, napatawad ko na sila ngunit 'di pa rin nawawala ang marka, habang buhay na nandidito na. Kahit na punasan man hindi ito mawawala, hanggang ngayon gumagawa parin ang oras para ito'y aking maalala.


Walang may balak na mang-gulo sa'kin, ganito naman palagi sa'min. Hinahayaan kami sa gusto naming gawin. Gumagawa ako ng tula sa tuwing biglang may maiisip ako na salita, isinusulat ko ito sa papel dahil mabilis lang ako makalimot. Sinunog ni mama 'yong iba kong gawa, parang may parte sa'kin ang nawala, doon ko lang kasi naisusulat ang gusto kong sabihin na hindi ko masabi kanino man. Nahihiya rin ako sa tuwing nababasa nila ito, malalaman kasi nila kung ano ang nararamdaman ko. Kilala nila ako bilang tahimik kaya kapag nabasa nila iyon ay alam kong magtataka sila sapagkat puro kalungkutan ang nakasulat sa kwadernong iyon.


"Huwag mong iisipin ang magiging sanhi ng pagkawala ng katahimikan mo. Ilibing mo ang iyong sarili, Melancholy, hindi maari na palagi ka na lang na ganito." Pagkakausap ko sa'king sarili. Nagduyan na lang ako habang tinitignan ang mga puno na sumasayaw, malilim dito kung nasaan ako.


Napatingin ako sa'king sarili. Nag-usap kami rati ng aking pinsan, sinabi niya na ang boring kong tao. Walang kalandian, walang boyfriend. Napatawa na lang ako sakanyang sinabi.


PUMUNTA na ako sa loob ng bahay, anong oras na rin kasi. Mag-gagabi na, iniiwasan ko lang silang lahat, ayaw ko madamay sa kanilang kaguluhan. Umupo ako sa tapat nilang lahat habang si papa ay nakaupo sa sofa na nanonood ng tv, sinusuway ako palagi ni mama na huwag na huwag akong uupo roon sapagkat para lang ito sa lalaking magulang pero mas sanay akong umupo roon kaya pinapabayaan na lang ako.


"Papa, kakain na." Tawag ni ate. Kumuha lang ito ng pagkain at bumalik na ulit sa pag nood. Bati na sila ni mama, nagkaayos sila dahil sa kasinungalingan niya. Hindi ko na lang gaanong tinitignan si papa dahil naaalala ko lang 'yung kasalanan niya.


Pagkatapos kong kumain ay nag half bath na agad ako, makikita ko na naman ang aking sarili. May salamin kasi roon kaya minsan ay napapatulala na lang ako sa tuwing nakikita ko ang aking repleksyon. Binilisan ko na lang ang aking paglinis ng sarili at umupo sa kama para magbasa ulit ng libro, hindi ko pa kasi ito tapos. Tumingin ako sa'king libro at sinukat kung gaano na lang kakapal ang babasahin ko, konti na lang ito. Napangiti ako sa'king sarili ng mabasa ko ang dulo nito, hindi ito 'yung palaging i love you ang sa dulo. Para sa iba ay malungkot ito ngunit para sa'kin ay dapat lang na ito ang mangyari sa kuwento, masaya naman ang mga karakter ngunit hindi lang matanggap ng mga mambabasa sa nangyari sa bida. Tumayo na ako para ilagay ang libro sa aking bookshelf. Nagdasal muna bago tuluyang natulog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her ThoughtsWhere stories live. Discover now