Thoughts : 01

8 2 10
                                    



"Kung ang magulang
mo ay nagkasala,
matatanggap mo ba
ang kanyang ginawa?"

Gabi na, kakauwi ko lang ng bahay. Palagi akong nasa YouTube, meron man akong facebook app pero kalimitan ko lang itong ginagamit. Adik ako sa panonood saka pagbabasa ng libro, dito lang umiikot 'yung mundo ko. Hindi naman boring dahil nakasanayan ko na ito pero para sa iba ang boring ng buhay ko.

Minsa'y pinapagalitan ako ng magulang ko dahil anong oras na ako natutulog para lang magbasa ng libro, ako lang ang gising ng gan'ong oras.

"Matulog na kayo, maaga pa pasok niyo bukas." Sabi ni Mama at pumasok na sa kuwarto nila Papa. Pinatay na ni Mama lahat ng ilaw kaya pumunta na ako sa kuwarto naming magkapatid, tatlo kami, ako ang bunso at ang pangalawa naman ay si Kuya ko saka si Ate kong panganay. Kaming dalawa lang ni Ate sa kuwarto dahil may sarili naman si Kuya ko.

"Melancholy, halika," Tawag sakin ni Kuya na ngayon ay nasa kuwarto namin kaya kunot noo ko itong tinignan. Katabi niya ngayon si Ate na natutulog na, palagi ito ang nauunang matulog saming tatlo. Sanay ako sa puyatan kaya tiyak na hindi agad ako makakatulog dahil 9 pa lang ng gabi.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Minsan lang kami magsalita ng may Kuya dahil hindi kami sanay na kada sasabihin namin ay may Kuya o kaya naman ay Ate sa salita.

"Tignan mo ito, nakita ko sa Messenger mo." Tinignan ko naman ang sinasabi niya, hindi kasi ako nago-online kaya hindi ko alam ang nangyayari sa account ko. Atsaka naka online lang palagi sa selpon nila, pinapabayaan ko lang na makita nila 'yung mga messages doon, kung meron man.

Kunot noo ko itong binasa, sabay naming binabasa ni Kuya kahit alam ko namang binasa niya na ito kanina. Gusto kong umiyak sa nakita ko dahil hindi ko man lang nakita 'to, pero pinigilan ko dahil makikita ni Kuya. Wala siyang imik at pinabayaan na ako, umalis na siya sa kuwarto habang ako ay naiwan na naguguluhan at hindi makapaniwala na nagawa 'to ng Papa ko.

Naka archive na 'yung messages nila, basang-basa ko pa 'yung sinabi ni Papa sa babae. Kala ko nawala na lahat ng sa'kin. Gano'n niya ba kamahal ito kesa saamin? Nang hindi na niya mahanap at wala na silang contact ay nawala na sa kanya ang lahat? Naiiyak ako, naguguluhan ako sa sinabi ng Papa ko sa babae.

May anak sila, may kapatid ako na mas bata pa sakin. 'Di ko maiwasan na magmura sa aking isipan dahil sa galit at pagkalungkot. Humiga na sana ako para matulog kaso kusang tumulo ang luha ko, 'di ko mapigilang maiyak. Sa account ko pa talaga nag-usap! Sa account ko pa talaga, sa account ko sila uli nag-usap, bakit doon pa? Bakit sa makikita ko pa? Ewan ko ba kung ano ang gusto ko, ang malaman ang totoo o hindi? Nakakalungkot lang dahil matagal na kaming niloloko.

Napangiti ako ng mapait, Papa ko ang unang lalaking nanakit saakin. Tuloy-tuloy lang ang luha kong bumabagsak, 'di ko mapigilan dahil sasakit lang ang aking lalamunan kung gagawin ko iyon.

NAGISING ako ng parang walang nangyari, parang walang nalaman sila Ate. Kaya hindi ko na lang inungkat pa ito. Alam kaya ni Papa na alam na ng anak niya? Nakakainis ako sa galaw niya, kala niya walang ginawa.

Sunod na akong naligo dahil kung 'di ko binilisan ay magsasalita na naman si Mama at hindi siya titigil hanggang sa 'di kami makapasok sa school. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako, plinantsa ito ni Mama kagabi. Minsan kami ang nagpaplantsa pero kadalasan naman ay si Mama dahil late na kami, habang naliligo kami ay plinaplantsa na ito.

Tapos na akong mag-ayos at nasa likod ko na ang aking bag. Nakita ko pa si Papa na nakatayo paharap sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin, sa tuwing nakikita ko siya, naiinis ako sa kanya, naiinis ako sa galaw niya kaya todo iwas 'yung mga mata ko kapag malapit o papunta siya sa direksiyon ko, hindi ko maatim.

Her ThoughtsWhere stories live. Discover now