Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng aking kwarto pagka gising ko. Walang pinag bago ang aking kwarto. Ang mga mwebles at mga bagay na nandoon dati ay nandoon parin hanggang ngayon. Wala silang ginalaw sa aking kwarto ngunit malinis naman ito.
I was looking at the things inside my room when I saw a letter from Ashton.
Unti unti kong na aalala ang mga bagay na ginawa namin 10 years ago
************************************
Past (2010)*First day of school*
Maaga akong pumasok sa school dahil ito ang unang araw ko sa pagiging high school.
Nakita ko sila Prim at Rosie sa isang bench na nag mamasid sa mga tao sa paligid.
"Jenea!" Tawag sakin ni Rosie nang makita niya ako.
Lumapit ako sa kanila para may kasama ako habang nag hihintay ng magiging section ko.
"Hi!" Bati nila sa akin
"Hello. Kanina pa kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Mukahang kanina pa sila rito naghihintay.
"Oo. Excited kami sa first day ng pagiging high school e. Sa wakas mararanasan na natin maging high school. Balita ko ito daw ang pinakang masayang year ng pag aaral. Ang high school year!" Pag daldal ni Rosie.
"Ganun ba?" Sagot ko dahil wala along masabi. "Asan nga pala si Jane?"tanong ko nang mapansin na kulang kami.
"Hay nako. Malamang late nanaman yun! Di ka na nasanay don. Alam mo namang napaka bagal kumilos nun!" Pairap na sinabi ni Prim.
Ilang sandali pa kaming nag kwentuhan nang biglang dumating si Jane. Nagulat kaming lahat dahil hindi siya nag iisa. May kasama siyang isang matangkad na lalaki na mukhang seryoso at suplado.
"Sorry girls na late ako. Hinintay ko pa kase itong pinsan ko e." Pag papaliwanag ni Jane.
"Don't worry girl, sanay na kami sayo. Lagi ka namang late e. Di na kami mag tataka!" Sagot ni Rosie.
"Grabe naman kayo sa lagi, minsan lang naman ako late e." Pag dedepensa ni Jane. "Oo nga pala girls, ito si Ashton pinsan ko galing Bulacan. Dito na sya mag aaral since dito na nag decide sila tito na tumira." Pagpapakilala ni Jane sa kanyang kasama.
"Hi I'm Rosie and this is Prim and Jenea. Friends kami ni Jane." Pag papakilala ni Rosie sa pinsan ni Jane.
He only nod and smile a little.
"Ang suplado naman nito" bulong ko na dapat para sa sarili ko lamang pero mukang narinig niya.
Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago umiwas ng tingin at luminga linga sa paligid.
Ilang sandali pa ay naka rinig na kami ng announcement tungkol sa pag babahagi ng mga sections.
Ang mga freshman ay sa gym naka assign kaya pumunta kami sa gym upang malaman ang aming section.
Kabadong kabado kami dahil natatakot kami na baka mag hiwa hiwalay kami ng section.
"Magboo Mary Rosie, Mendoza Arille Jenea, Mercado Prim Grace, Montes Rubby Jane" pag anunsyo ng guro sa aming pangalan.
Tuwang tuwa kami dahil mag kakasama kaming apat sa iisang section.
Pumunta na kami sa classroom na naka laan para sa section namin. Laking gulat ko ng makitang nasa loob ng classroom na iyon ang pinsan ni Jane na si Ashton.
"OMG!!! Hi Ashton! Classmates pala tayo!" Tuwang tuwa si Rosie ng makita ang pinsan ni Jane na naka upo sa isang sulok at nag iisa dahil walang kakilala.
YOU ARE READING
WHEN WE WERE YOUNG
RomanceArille Jenea Mendoza is a simple Province girl who choose to study and explore new things in a big city. She choose to leave Mindoro to study in Manila and to have better opportunity in a bigger city. Meanwhile, Ashton Travis Montes is a playful boy...