Nag marinig namin ang tunog ng bell, hudyat na tapos na ang klase at pwede na kaming mag recess, tumayo agad kami ng mga kaibigan ko para makapunta kami sa canteen. Habang naglalakad, pinagmamasdan namin ang mga naglalakihang building ng aming campus. Manghang mangha kami dahil hindi naman ganito kalaki ang campus namin noong elementary. Ibang iba pala talaga ang buhay kapag high school ka na!
Malapit na kami sa canteen ng maalala ko kung saan ba kami uupo pagkatapos bumili.
"Mga sis, saan tayo tatamabay para mag recess?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
"Maghanap na lang kayo ni Prim tapos kami na lang ni Jane ang bibili ng pagkain naten." sagot naman ni Rosie.
Nagkasundo kaming apat sa idea ni Rosie kaya nagsimula na kaming maglakad ni Prim para maghanap ng mauupoan habang sina Jane at Rosie naman ay pumasok sa canteen para bumili ng pagkain.
Nang makahanap kami ng mauupuan, nag kwentuhan kami habang hinihintay na dumating ang dalawa pa naming kaibigan.
Sa malayo ay nakita ko si Ashton kasama ang iba pa naming kaklase na lalaki na mukhang naging kaibigan na niya kahit baguhan pa lang siya dito sa lugar namen.
Nag tatawanan sila habang naglalakad nang biglang nagtama ang aming mga mata. Umaliwas lalo ang kanyang mukha na animoy may masamang binabalak. Napansin kong naglalakad sila patungo sa dereksiyon namin kaya umiwas ako ng tingin at patay malisyang nakipag usap kay Prim.
"Hi Ashton!" bati ni Prim sa kung sinomang nasa likod ko.
"Hi Prim" bati nito sa aking kaibigan bago bumaling sa akin "Hi Jenea" anito na tila ba nang aasar ang tingin.
Hindi ko siya pinansin at bumaling na lang sa kung saan para hindi na niya ako kausapin.
"Ang suplada naman ng kaibigan mo" anito kay Prim.
Napairap ako nang marinig ko ang sinabi niya sa aking kaibigan.
"Aynako, hayaan mo na yang si Nea, nahihiya lang yan sayo kaya ganyan kung umasta!" pag chika naman nitong si Prim na akala mo ay totoo ang pinag sasabi!
"Anong sinasabi mo jan?" pag kontra ko sa sinsabi ni Prim na wala namang katotohanan. " Bakit ako mahihiya jan? Di lang talaga kami close kaya di ko siya pinapansin no!" bumaling ako kay Ashton atsaka umirap.
" Osige, sabi mo e. Mag papanggap na lang ako na hindi ko napansin yung pagtitig mo sakin kanina sa classroom."
" Hoy mister! Ang kapal naman ata ng mukha mo! Hindi kita tinititigan no! Napadaanlang mata ko sa banda mo! Feeling nito!" hilong hilo na ako kakairap dahil sa kahanginan nitong pinsan ni Jane.
And speaking of Jane, nasan na ba yun? Bakif parang ang tagal naman ata nilang bumili ng pagkain sa canteen? Natabunan na ba sila ng pizza at burger don?
Parang narining ng langit ang aking iniisip dahil biglang lumitaw si Jane at Rosie sa aking harapan dala dala ang mga pagkain namin.
"Anong ginagawa mo dito?" paunang tanong ni Jane sa pinsan.
"Nakikipag usap lang! Akala ko kase nandito ka kanina e." sagot naman ni Ashton.
" Naku, yang mga galawan mo! Alam ko na yan no! May pinopormahan ka lang sa mga kaibigan ko e!" pang aasar ni Jane.
"Wala no! Nakikipag usap lang e! Ano bang masama don!?" pagdedepensa niya.
"Halika nga dito!" hinigit ni Jane ang kaniyang pinsan sa isang sulok at doon sila nag usap ngasinsinan.
Nang bumalik sila sa aming upuan, nakita ko ang mapanuyang tingin sa akin ni Jane na animoy may nais iparating.
Kunot noo akong bumaling sa kanya tila na wiwierduhan sa mga kilos niya.
YOU ARE READING
WHEN WE WERE YOUNG
RomanceArille Jenea Mendoza is a simple Province girl who choose to study and explore new things in a big city. She choose to leave Mindoro to study in Manila and to have better opportunity in a bigger city. Meanwhile, Ashton Travis Montes is a playful boy...