"Jenea anak may nag hahanap sayo." I got back to my senses when I heard a loud knock on my room.
Kanina pa pala ako tulala sa kisame at inaalala kung paano kami unang nag kita ni Aston.
"Sino ma?" Agad akong bumangon upang buksan ang pinto at itanong kay mana kung sino iyon.
Pagka bukas ko ng pinto, nakita ko si Rosie na excited na excited ang hitsura. Agad siyang yumakap sa akin pagka pasok niya sa aking kwarto. Tumangkad siya at mas lalong naging maganda. Ngunit ang kaniyang ugali ay walang pinag bago. Maingay at masiyahin parin siya.
"Nea!!! Andito ka na pala! Hindi mo manlang kami sinabihan. Kung di ko pa nakasalubong si tita sa grocery store kanina di ko pa malalaman!" ayan nanaman ang napaka lakas na bunganga ng kaibigan ko. Humiwalay ako sa yakap niya at himarap ako sa kanya upang makausap ko siya ng maayos.
" Pasensya na Rosie. Kadarating ko lang din kaninang tanghali kaya di ko agad nasabi sa inyo. Napagod kase ako sa byahe kaya mas inuna ko ang pag papahinga muna bago lumabas ng bahay. Balak ko sana kayong kitain bukas e." pag papaliwanag ko sa kaniya.
" Ay ganun ba? Hala. Baka naistorbo ko ang pag papahinga mo. Mag pahinga ka na lang ulet muna. Malayo din ang byinahe mo ha." concern na tugon niya sa akin
" Okay nako ano ka ba! Kaninang tanghali pa naman ako dumating kaya nakapag pahinga nako ng maayos. Asan nga pala sina Jane at Prim." tanong ko sa kaniya.
"Si Jane nasa Bulacan pa. Mamayang gabi pa daw sya babyahe pauwi kase may insaikaso pa sya don. Si Prim naman busy sa pag aalaga ng mag ama nya. Alam mo na naman yun, dakilang ina. Ako lang talaga ang nag effort na puntahan ka kase ako lang ang tunay na nag mamahal sayo! CHOS!" natawa ako bigla sa sinabi niya. Ang dami talagang alam nitong babaeng to!
"E pano yan, balak ko sanang lumabas kasama kayo bukas." tanong ko sa kaniya
" Mag chat ka na lang sa GC. Andito naman na si Jane bukas ng umaga tapos pwede naman gumala si Prim. Di naman strikto ang napangasawa non. Mabait si Jerome kaya ppayagan non na gumala si Prim." sagot niya sa akin.
Nawala ang pangangamba ko sa sagot niya. Nag patuloy amg aming pag kukumustahan hanggng sa di namin namamalayan na gabi na pala. Tinawag lang kami ni mama upang mag hapunan kaya namin nalaman na gabi na pala.
Matapos mag hapunan, nag paalam na si Rosie na uuwi na muna at mag kikita na lang kami kinabukasan kasama ang dalawa pa naming kaibigan.
Matapos ihatid si Rosie sa labas ng aming bahay, pumasok na ako sa loob upang makapag ligo at makapag pahinga n muli.
Matapos maligo, nag chat ako sa aming group chat upang sabihin sa kanila ang plano ko bukas.
Jenea:
Hello girls! Free ba kayo tom? Andito nako sa Mindoro e. Kaka uwi ko lang kanina. Labas naman tayo para makapag catch up tayo!Jane:
Go lang ako girl! Nag babyahe na rin ako pauwi e. For sure anjan na ako bukas ng umaga.Rosie:
G na G ako girl! Ako pa ba ang papa huli?Prim:
Di ko sure kung pwede ako ha. Try kong mag paalam sa asawa ko kung ppayagan ako.Rosie:
Haynako girl. Huwag ka nang mag paalam. For sure naman papayagan ka nyan. Mabait naman asawa mo e.Jane:
Oo nga Prim. Mabait naman si Jerome. Siguradong papayagan ka non!Prim:
I'm just making sure na okay lang. Alam nyo naman na hands on kami sa anak namin diba?Jenea:
Sumama ka na samin bukas Prim. Minsan na nga lang akong umuwi tapos pag kakaitan mo pa ako ng oras? Nakakapag tampo ka ha!Prim:
Haaaay. Sige na nga. Pasalamat ka Nea malakas ka saken kung hindi, hindi ko alam kung aalis ba ako ng bahay o hindi.
YOU ARE READING
WHEN WE WERE YOUNG
Storie d'amoreArille Jenea Mendoza is a simple Province girl who choose to study and explore new things in a big city. She choose to leave Mindoro to study in Manila and to have better opportunity in a bigger city. Meanwhile, Ashton Travis Montes is a playful boy...