CATHLEYAKAKATAPOS ko lang palitan ang gulong ng tricycle na ginagamit ko sa pamamasada. Ilang araw na din akong hindi nakakabyahe dahil sa flat na gulong at palyadong makina. Sinusubukan kong kalikutin yun baka sakaling maayos ko pa. Pero hindi naman kasi ako eksperto pagdating sa makina kaya ayun kulelat talaga. Ang masaklap pa, wala akong pera pambayad sa mekaniko.
Sobrang tirik na tirik ang araw ngayon kaya naman pawis na pawis ako. Nanlalagkit na din ako dahil sa pawis at uhaw na uhaw pa.
"Mag boyfriend ka na kasi Muning para naman may tiga ayos na niyang tricycle mo," suhestiyon ni mang Aryong isa sa mga kapitbahay namin.
"Paano naman yan magkakaroon ng boyfriend? Eh, tinalo pa ang taong grasa sa itsura," sabat naman ni Banoy, ang pinakalaetero sa buong compound. Nagtawanan pa ang ibang mga tambay doon dahil sa sinabi niya.
Inis akong tinignan ang sarili ko sa sideview mirror ng tricycle ko. Puno nga ng grasa ang buong mukha ko. Pati sando at pantalon, puro grasa. Nanggigitata at nanlilimahid ako sa dumi at pawis.
"Hindi niyo naman kailangan ipagsigawan na pangit ako at walang may magkakagusto sa akin, mga gunggong!" singhal ko sa kanila.
"Hindi ka naman kasi pangit, Muning, sadyang hindi ka lang talaga marunong mag ayos. Subukan mo kayang mag ayos."
"Paano naman ako magkakaroon ng oras na ayusin yung sarili ko, kung masyado akong abala dahil sa paghahanap buhay di ba? Common sense naman mga bobo!" sigaw ko at sinipa si Banoy sa lulod niya.
Kahit ganito kami mag asaran parang kapamilya na din naman ang turingan namin dahil nasa iisang building at compound lang kami nakatira.
"Asar talo! Magpaganda ka kasi para naman magmukha kang babae."
Narinig ko pa ang tawanan nila pero hindi na ako nag abala na pansinin sila. Bagkus pinakyuhan ko na lang silang lahat.
********************
Pumasok ako sa maliit na kwartong inuupahan namin. Kwarto lang ito, magkasama na ang kusina, at higaan, ni wala ngang matatawag na sala dahil ang liit masyado ng space pero ang mahal naman ng renta. Pero dahil kasama ko ang pamilya ko kaya masaya kaming nakatira dito at magkakatabi kaming natutulog sa iisang higaan kaya masaya.
Matapos ko uminom ng halos isang galong tubig.
Ibinuhos ko ang lahat ng laman ng wallet ko sa ibabaw ng magaspang na mesa, purong barya na lang ang mga yun. Binilang ko lahat, di man lang umabot sa halaga ng pambili ng gatas para sa pamangkin kong anim na buwan. Naihampas ko sa ibabaw ng mesa ang isa kong kamao at marahang napamura dahil sa kawalan ng idea kung anong paraan ba ang gagawin para madagdagan ang panggatas ng pamangkin ko.Nasa mental institution kasi ang nakakatanda kong kapatid na si Cally. Ina ni Zach. Kaya kaming dalawa ni mama ang napag iwanan sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal ng ate ko sa isang lalaki, nabuntis siya, iniwan ng nakabuntis sa kanya tapos ang ending, ayun nabaliw. Literal na nabaliw.
Kaya ako, wala pa talaga sa isip ko ang magkaroon ng nobyo dahil studios ako sa pag aaral. Gusto kong makatapos ng kolehiyo at maiahon sa hirap ang pamilya ko. Gusto ko din kung magmamahal man ako, hindi katulad nung naging boyfriend ni ate Cally.
Kung magmamahal ako, doon sa tamang tao, sa lalaki na kaya akong panindigan. Pero sa kabutihang palad hindi ko pa natatagpuan ang taong yun. Bukod sa hindi ako palaayos, mas lalaki pa ako umasta sa tunay na lalaki. Kaya alam kung walang may magkakagustong lalaki sa akin. Mas okay na din yun kesa naman masaktan ako at mabaliw.
YOU ARE READING
Forbidden Desire | 🔞
Romance[WARNING: RATED SPG] |R-18| Kailangan ko nang pera. Malaking halaga. Kailangan nila ng anak at handa silang magbayad ng malaking halaga. *********** Ano ang gagawin mo kung sakaling na-inlove ka...