Matagal na kitang kilala sa pangalan
Nakakasabay pag-uwi galing paaralan
Minsan kang tulog minsan nakikipagdaldalan
At hindi inakala na sayo ay tatamaan.Habang tinitingnan mo ang mundo
Nakatingin ako sa kagandahan ng nakatayo sa harap ko
Parang tumigil ang oras ng sandaling yon
Kay sarap mong pagmasdan maligaya at kuntento.Alam kong hindi ka pa naniniwala
Sa lahat ng aking sinasabi
Asahan mong hihintayin kita
Sa huli kahit na anong mangyari.Wag ka sanang tumakbo papalayo
Takbuhan ang lahat at piliin mag-isa
Wag mong iisipin na di kita gusto
Dahil ang totoo ikaw lang ang sinisinta.Sa ngayon, masaya kong pagmasdan ka
Wag kang mag-aalala, hindi ako umaasa
Na masusuklian sa huli ang aking pag-ibig
Alam kong may pagtingin ka na sa iba.Pipigilan na muna ang nararamdaman
Hayaan na lang ang tadhana ang magdikta
Nangangakong hindi na hahanap ng iba
Handang tanggapin anuman ang resulta.