Binibini sa Buwan

24 1 1
                                    

Sa ilalim ng liwanag buwan
Isip ay naglalakbay ng malayo
Himig ng kanta'y dinadamdam
Bawat paghikbi ay pilit na tinatago.

Pagkatapos ng kanta
Tinanggal ang bakas ng pagluha
Sobrang sarap mapag-isa
Libo-libong bituin lang ang kasama.

Humiga sa damuhan
Dama ang lamig ng paligid
Wala na akong ibang maramdaman
Sa kalagitnaan ng gabi lungkot ang naghahari.

Sa hindi kalayuan ay muli kitang nakita
Lumapit ka sa'kin at sinabi
"Ginoo sing dilim mo ang gabi
Wala kong makitang reaksyon sa iyong mga labi."

"Binibini, bakit ka nandito?"
Kasabay ng muling pagtibok ng puso
Habang sa iyo'y nakatitig
Nabuhay muli ang namatay na paro paro.

"Taon ang lumipas ng huli kang nakatabi
Damdamin ko sayo'y hindi maitatanggi
Ipagpaumanhin mo binibini
Kung iniwan kita noon sa dilim ng gabi."

"Ginoo, hindi kita malilimutan"
Tanging sambit mo sa aking tanong
Agad akong tumayo at pilit kang hinabol
Sa hindi inaasahan, liham ng pag-unlak sa iyong kasal ang naiwan.

Gumising ako at bumangon
Nilakasan ang loob na dumako
Sinambit ng malakas ang pangalan mo
Kaharap mo ang lalaki na sana ako.

Sa hindi kalayuan mula sa pinto ng simbahan
Lumapit ako sa iyo at sinabi
"Binibini, sing liwanag mo ang buwan sa gabi
Bakas ang kaligayahan sa iyong mga labi."

"Ginoo, bakit ka nandito?"
Hindi na nakatibok muli ang puso
Habang sa iyo'y nakatitig
Namatay ng tuluyan ang mga paro paro.

"Binibini, hindi kita malilimutan"
Tanging sambit ko sa iyong tanong
Kasabay ng palakpakan ng mga tao
Ang aking pagtakbo papalayo sa'yo.

Sa ilalim ng liwanag buwan
Isip ay naglalakbay ng malayo
Himig ng kanta'y dinadamdam
Bawat paghikbi ay pilit na tinatago.

Pagkatapos ng kanta
Tinanggal ang bakas ng pagluha
Sobrang sarap mapag-isa
Libo-libong bituin lang ang kasama.

Humiga sa damuhan
Dama ang lamig ng paligid
Wala na akong ibang maramdaman
Sa kalagitnaan ng gabi lungkot ang naghahari.

Our TimesWhere stories live. Discover now