Her fight

6 1 0
                                    

Alas dose ng gabi na halos at hindi ko pa rin mapikit ang mata para matulog. Halos gabi-gabi na lang simula nang mag umpisa ang taong ito. Taong hindi inaasahan ng lahat. Taong binago ang buhay ko.

Bumangon ako sa higaan 'di para lumabas kun'di para tumulala. Hindi ko alam pero ang daming iniisip ko. Halos di ko rin alam kung ano. Paulit-ulit bubuga ng hinga na para bang sa pamamagitan no'n akoy kakalma. Pero hindi iyon nangyari. Sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Ang sakit ng puso ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako.

Sa ilang sandali pa tuluyan na ngang tumulo ang mga luha. Nanginig na rin ang aking balikat habang ang mga kamay ay tinatakip sa bibig para di makagawa ng tunog. Humangol-ngol mg walang tunog na lumalabas sa bibig. Anong aasahan mo sa tagal ko na 'tong ginagawa hasang-hasa na ko.

Ganito ako parati gabi-gabi. Iniiyak ang lahat ng sama ng loob, bigat sa dibdib, at mga problemang halos patong-patong na na 'di ko na magawang solusyonan.

Iiyak ako para guminhawa ang pakiramdam at kapag ayos na ang hihiga na ulit para matulog. Gigising sa umaga para lumaban ulit. Gigising na parang walang nangyari.

Alas otso na kaya kailangan ko nang bumangon. May klase ako at hindi pwedeng magpaliban sa online class. Kahit pagod dahil wala halos akong tulog, tumayo parin ako kasi kailangan. Para sa pamilya. Para sa kinabukasan.

Madali kong kinuha ang cellphone na kanina pa tumutunog dahil sa alarm. Kailangan kong mag-alarm kasi halos nakakalimutan kong may klase pala sa dami ng iniisip.

"Good morning everyone!! Ito ang lesson na'tin ngayon........"

"Shareia Dizon nandiyan kaba?"

"Present ma'am" sagot ko.

Dalawang subject na ang natapos ko habang wala pa rin laman ang aking tiyan. Pag-refresh ko andami na naman mag quizzes at assessment na kailangan sagotan. Parehong malapit na ang deadline halos anim din iyon sa dalawang subject palang. May tatlo pa kong subject para sa araw nato. At kung madadagdagan pa ewan baka mabaliw ako.

Alas tres na at patapos na rin ang paghuling subject ko ngayong araw. Nakakapagod at wala akong halos naintindihan kasi kung saan-saan lumalakbay ang utak ko. Hindi pa rin nakakaramdam ng gutom pagod lang.

"Thank you for attending my class today students. Wala akong ipapagawa na performance task at activities ngayon kasi alam kong  pagod na kayo. I just want you to rest and do what you want. Thank you. You can now end the call. Class dismissed." Si sir Loige.

Isang ngite ang pinakawalan ko matapos marinig iyon kay sir. Sana lahat. Pero kahit wala siyang ipagagawa kailangan ko pa rin sagotan ang natitira. Hindi ko rin magagawa ang gusto kong gawin. Nakakapagod na po.

Pag-refresh ko ulit halos manlumo ako. 16 assessments pts at quizzes sa araw na'to. Alam kong ang iba matagal pa ang deadline pero hindi ako nakakapagpahinga kapag naiisip kong may dapat pa kong sagotan.

Dalawang oras ang ginugol ko para magsagot. Tapos na 'ko sa anim at tataposin ko na 'tong pangpito kasi kailangan ko nang lumabas sa kuwatro kanina pa ko sinisigawan ni mama.

Done.

"SHAREIA!! ANO KA BANG BATA KA?!! 'DI KA NA BA LALABAS SA KWARTO NA IYAN!!? ABAT MALILINTIKAN KA SA'KIN HINDI KAPA TUMULONG SA GAWAING BAHAY ANG ATE MO NA LAHAT ANG GUMAWA. NAPAKATAMAD MO TALAGA. BATUGAN TALAGA LAHIT KAILAN!!"

Ito ang buhay ko araw-araw. Pagod sa online class, sasagot sa 'di matapos-tapos na quizzes pts at assessments, pagagalitan ni mama.
This is my fucking bullshot life nakakatawa.

Pinatay ko na ang computer at nag charge ng cellphone. Lalabas na rin pag katapos kong tupiin ang higaan. Susulyap sa salamin. Titingnan kung mukha pa ba akong tao.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon