I LOST HIM

5 1 0
                                    

Life is something you can never define. Minsan Masaya, Minsan malungkot. Ngunit marami pa rin tayong rason para Kahit papaano'y magpatuloy. Minsan Parang ang sarap sumuko, Ang sarap maglaho nalang. Kasi wala kang ibang nagagawa Kung Hindi ang lumaban kahit Alam mong wala ng saysay. Masakit makitang unti-unting nawawala ang mga taong nakasanayan mo. 

Masakit pagmasdan na ang sobrang kulay mong mundo noon, isang walang kulay at malungkot nalang ngayon. Pero wala kang magagawa. Unti-unting nakikita mo ang mga Hindi kaaya-ayang pangyayaring akala mo sa iba lang nakatadhanang mangyari, nagising ka sa pag aakalang ang buhay na tinatamasa mo na isang sobrang ganda at liwanag.

And then reality hits you. Napagtanto mong sobrang sakit at lungkot mabuhay. Umabot sa puntong hindi mo na gustong magpatuloy. Ang mga ngiting palagi nakakurba sa iyong labi ay mapalitan ng hikbi. Ang ningning sa iyong mga mata ay napalitan ng lungkot. Napagtanto ko lang ang mga ito habang akoy tumatanda. At hanggang ngayon 'di ko parin lubusang matanggap na ganito pala. Ganito pala kasakit mabuhay.

Hindi matapos ang luha sa pag-agos galing sa aking mga mata. Hindi ko parin lubusang matanggap na ang isang importanteng tao sa buhay ko ay nakahiga ngayon sa hospital bed. Nakapikit ang mga mata at maputla. Hindi na humihinga. Ang sakit ay nanunuot sa aking kaloob-looban. Hindi man humihikbi pero sa isang sulyap mo ay mararamdaman mo ang sakit.

January 22,2016
1:49 pm time of death

Unti-unti kong naalala lahat ng panahon na kasama ko siya. Lahat ng mga ngite. Lahat ng tawa. Lahat ng kabaliwan. Noong panahon na iniiwan ako ni mama sa kanya. Mga iyak ko tuwing hindi niya nabili ang paborito kong candy. Mga halik niya sa noo ko. Mga yakap niya sa tuwing pinapagalitan ako. Haplos niya sa buhok ko habang pinapaintindi sa akin kung gaano ka mali ang nagawa ko.

Mga ngite niya na nagpapaalala kung gaano kasarap mabuhay kasama siya. Mga gabing kayakap ko siya habang natutulog sa dibdib niya. Mga gabing lasing siya at nangungupit ako ng peso sa pitaka niya. Mga pasekretong bigay niya ng baon sa akin habang nakakatalikod si mama.
Mga aral na paulit-ulit niyang binabanggit sa akin hanggang sa matuto ako.

Hulyo na ngayon sa taong 2020, halos apat na beses na kaming nag celebrate ng death anniversary niya, pero hanggang ngayon hindi ko parin tanggap. Nawala ang lolo ko sa panahong hindi pako sanay sa sakit. Naiwan niya kong hindi man lang natupad ang pangarap niyang makasabit ng medalya sa leeg ko. Hindi ko man lang nasabi kung gaano ako ka swerte na isa ako sa mga naging apo niya.

Hanggang ngayon masakit pa rin. Marami akong mga napagsisihan. Mga bagay na sana nagawa ko habang nasa tabi ko pa siya. Mga salitang sana nabanggit ko sa harap niya. Mga yakap na sana pinahigpit ko pa lalo. Mga halik sa noo na sana ninamnam ko. Mga matang sana tinuonan ko ng pansin. Mga mukhang sana tinitigan ko pa para makabisado.

Hanggang ngayon tumutulo parin ang mga luha sa mata ko sa tuwing naaalala siya. Hanggang ngayon 'di ko parin matanggap na hindi ako naging mabuting apo sa kanya. Sana noong mga panahon na unti-unting nagbago ang ugali niya ay mas nagtimpi pako. Sana mas inintinde ko, sana mas naging mapagpasensya pako.

Maraming sana Pero wala na rin saysay lahat. Hindi ko na magagawa sa kanya iyon. Walang saysay para humingi ng tawad dahil wala na siya. Walang saysay ang pag-iyak ko dahil hindi ko na rin naman mararamdaman ang yakap niya. Walang saysay ang pagiging mabuting anak at pagiging mabuting kaibigan ko dahil una't sapol hindi ako naging mabuting apo sa napakabuting lolo sa lahat.

Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa parteng 'yon. Hindi ko magawang mapatawad kahit na maging libong taon pa ang makalipas. May isang malaking parte sa puso ko ang durog habang buhay. Hindi 'yon maghihilom. Hindi mawawala. Hindi na mabubuo. Magiging parte 'yon ng pagkatao ko habang buhay.

Ang sayang mararamdaman ko ngayon ay hindi makakapantay sa sayang dulot niya. Ang mga pagmamahal
Na natatangap ko ngayon ay hindi mapapantayan kung Gaano niya ko minahal.

When I lost him, I lost myself.
And I'm hoping that one day I will able to accept things that have been done. And still hoping that I can find myself and be whole again.









Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon