Paubaya

0 1 0
                                    

"Naalala mo pa 'yong promise mo sakin?" nasabi ko 'yon nang tumagal ang limang minutong walang imikan.

Ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko ay mas lalong humigpit habang tinatanaw ang naglalawakang mga bituin sa kalangitan. Mag-aalas nyebe na ng gabi pero heto kami hindi inaalintana ang lamig at lalim ng gabi makasama lang ang isa't isa.

"Wala akong pangako sa'yo na hindi nakatatak sa puso't isip ko, taba" sinasabi niya 'yon habang pinipilit akong humarap sa kanya. Isang kalabit nalang papatak na ang luha ko. This is it. Kailangan na naming harapin ang mga kapalit ng kasiyahan naranasan naming sa loob ng tatlong taon pagsasama. Ayoko man pero hindi ko maatim na piliin maging masaya kasama siya kung meron akong masasaktan at masisirang iba.

Yumakap siya sa'kin. Hinayaan kong gawin niya yun. Wala na'kong lakas ipagtulakan siya lalo na't alam kong maaring maging ito nalang ang huling araw na maramdaman ko ang higpit ng hawak niya.

Kumawala ang hikbi sa'kin. 'Di na napigilan ang sakit na nararamdaman. Parang pinipino sa sakit ang puso ko. Ang hirap huminga. Ang sakit sa pakiramdam.

Mas lalong humigpit ang yakap niya. Alam kong alam niya na maaring alam ko na. at katulad ko ayaw niya. Ayaw niya 'kong bitawan. Gaya ko na ayaw tapusin ang relasyong meron kami. Sa totoo lang nasasaktan ako, sobrang nasasaktan. Gusto kong maging makasirili na piliin at ipagdamot nalang siya pero...hindi pwede.

Hindi pwede...

"P-piliin mo s-sila...please" pinipilit kong kumawala pero mahigpit ang yakap niya sa'kin. Parang gripo ang pag-agos ng luha ko. Ayaw paawat gusting-gustong lumabas.

"M-mahal Kita...Ayoko... 'wag ikaw...hindi 'to." Hindi ko man kita ang mukha niya ay alam kong labis ang sakit at pagsisising makikita mo ro'n.

Hindi ko mapigilan ang pagpait ng mukha nang maalala lahat ng Kasiyahan kulitan at mga tuksuhan naming dalawa. kung paano kami umabot sa tatlong taon. Kung paano naming pinakisamahan ang isa't isa sa kabila ng lahat. Hindi ko inaakalang darating sa puntong kailangan kong bumitaw, kasi sa totoo lang ay sobra na 'kong sigurado na siya nag magiging end game ko, but something happened. And that's the only reason why I need to let him go right now kasi alam ko na kapag pinatagal ko pa baka umayaw nako't 'di na siya bitawan.

Huling yakap... huling yakap nalang 'to. Pagbibigyan ko na ang sarili kong yakapin ang nag iisang taong tinanggap at minahal ako. Pagkatapos nito wala na .Aalis akong 'di lumulingon kasi pag lumingon ako baka tumakbo ako palapit sa kanya, baka 'di ko na magawa ang tama.

Kumalas ako sa yakap. Hinayaan ko siyang punasang ang luha ko habang kinakalma ang sarili. Hinid na'ko makatingin sa kanya pero alam kong hindi natanggal ang tigin niya sa'kin. Kailangan naming pag-usapan 'to. Kailangan niyang tapusin ang pagbayaran ang kasalanan niya.

"Let's break up." Nagpapasalamat akong hindi ako nautal sa pagsabi no'n.

Hindi siya makapagsalita sa gulat. I know I promised him that no matter what happen, I will always chose him na pipilitin ko siya ang paniwalaan. I promised him that we'll end up in church, hindi sa ganito.

Sa pagkakataon na'to hinarap ko siya. Wala na'kong pakialam sa kung anong itsura ko ngayon. I want this to end now.

"Sa ayaw at sa gusto mo papayag ka. Gagawin mo kung anong tama at alam kong alam mo 'yon. Now, alam mo na rin na alam ko na ang nangyari. 'di kita kukunsintihin gawin ang mali at piliin ako at alam kong alam mong hindi ako gano'n klaseng tao." Seryosong ani ko.

"Bigyan mo ng kompletong pamilya 'yong bata. Matutunan mo ring mahalin si Ria." Hindi paman tapos ay iling ang sagot niya sa lahat ng sinabi ko. Nakita ko mismo sa mata niya ang pag-agos ng luha pero hindi ko na makuhang maawa.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon