Ilan lang 'to sa araw araw na gumigising ako na walang nararamdaman. Hindi malungkot, hindi masaya. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may kulang. Kung hindi ang umiiyak hindi ko alam paano ilalabas ang nararamdaman, mayroon man o wala.Naging masalimuot ang mundong ginagalawan ko, sa mga taong nasa paligid ko at ang kanilang ginagawa sa'kin. Hindi ko na mawari ang mga dahilan ko noon sa pagpapanatili ng magandang pananaw sa masalimuot na buhay na meron ako. Gusto kong kalkalin ang laman ng utak ko noon para mapatuloy ko ang laban ngayon.
Malalim na hininga ulit ang pinakalawan ko. Paulit-ulit lang naman na yan ang ginagawa ko mapagaan lang ang nararamdaman pero sa sakit na naririnig ko alas otso palang ng umaga nakakawala na ng ganang mabuhay.
Maaga pa lang rap na ni Mama ang narinig ko dahilan kung bakit kailangan ko nang bumangon. Sabunot sa ulo ang munting nagawa ko, kasi kapag nakarinig 'yan ng reklamo sa'kin katapusan na ng buhay ko.
Bakit?
Simple lang. Hahaligapin niyan lahat ng kasalanan ko buong buhay ko na alam niya. Isusumbat lahat ng naisip niya. Paulit-ulit na naman na sasabihin kung gaano ako kawalang kuwentang anak.
Ano gusto mo bang marinig?
Ako sanay na d'yan. Sa loob ba naman ng labing pitong pamumuhay ko kasama ang pamilyang 'to, baliw ka na kung 'di ka pa sanay.
Isang sabunot pa sa sarili ang ginawa ko bago niligpit ang higaan. Pagod ako dahil alas tres na 'kong natapos sa research namin kagabi. Kailangan kong maipasa 'yon para 'di naman parating nagpaparinig yung nga kagrupo ko sa Gc na wala akong ambag.
Sa buhay na meron ako, mapapasabi ka na lang talaga na ang sayang magpakamatay.
Pero hindi ko naman nagagawa sa kadahilanan gusto kong makagawa pa ng magpapaginhawa ng aking pakiramdam. Mapapatawa ka na lang talaga na ewan ni Batman.
Pitong kaming magkakapatid limang babae at dalawang lalaki. Ako ang pangalawa at hindi 'yon nakakatuwa.
Sa paggising kailangan may gawin ka para hindi mapagalitan ni Mama. Kahit naman ata linisin mo buong baryo pagagalitan ka pa rin. Kaya kung gusto mong hindi sa 'yo mabuntong ang galit niya sa mundo ipakita mong may maitutulong ka rin kahit na hindi niya rin naman maaapriciate.
Ako pa sus indzai alam ko na 'yan. Ikaw ba naman maging itim na tupa sa pamilya mo, hindi mo malalaman mga 'yan.
Hindi lang malalaman mararamdaman mo pa kaya kahit papaano'y naging immune na ako sa sakit o wala na talagang pakialam haha.Tulad nitong nangyayari ngayon, galit si Mama kasi katatapos niya lang maglaba tapos tulog pa kaming lahat. Sino ba naman kasing matinong tao ang maglalaba ng dalawang basket tapos magrereklamo sa'min dahil pagod siya?! E 'di walang iba kun'di si Mama.
Abnormal.
Puwede naman kasing 'di na niya labhan mga 'yon. Ang dali naman kasing maghintay na gawin ko 'yon matapos kung gawin lahat ng activities at exam ko eh.
Pinaka-ayoko sa lahat, 'yong isusumbat sa'kin ang mga bagay na hindi ko naman sinabing gawin niya. Gagawa na nga lang ng gano'n parang kasalanan ko pang napagod siya.
Eh hindi lang naman ako ang tao rito pero Palagi kong kasalanan lahat.
Wala eh, may favoritism at sa pito ako lang ang hindi paborito.
Kapag nasunog ang kanin kasalanan ko kasi bakit ko raw inutusan ang kapatid ko eh ako naman daw matanda sa'min kaya ako raw dapat magsaing.
Kapag nakitang walang improvement sa paglilinis ko, na para tinitigan ko lang yung lugar dahil wala naman pinagbago, nagsayang lang daw ako ng oras at wala pang kuwenta ni paglinis 'di magawa ng tama.