Chapter 4

1K 41 2
                                    

"Nasan na ang iba?" Ito agad ang bungad ni Alyssa pagkarating nito galing school kay Denden na nanunuod sa sala kasama si Ella.

"Nasa klase yung iba. Yung iba may date at may gala." Sagot naman ni Dennise.

"Kayo lang talagang dalawa dito? Wala kayong pupuntahan?"

"Nakakatamad lumabas ang init init kaya. Tsaka meron ako ngayon kaya team bahay muna ako." Sagot ni Ella na humilata pa talaga sa sofa. "Ikaw may lakad ka pa?"

"Dito na lang din ako. Tipid pa. Haha. Ano ba pinapanuod niyo?"

"Friends with Benefits kaya lang patapos na."

"Nuod ulit tayo ng isa pa. Bihis lang ako. Saglit."

Pagkabihis ni Alyssa bumaba na ulit siya. Nakahiga si Ella sa lap ni Denden kaya wala ng mauupuan sa sofa, so she opted to sit on the floor. Tanging credits na lang ang naabutan niya sa pinapanuod ng dalawa.

"Aly, ilagay mo na yung sunod na movie." utos ni Ella

"Kainaman kakadampi pa lang ng pwet ko dito papatayuin agad ako. Ano ba sunod natin papanuodin?" reklamo niya.

"13 going on 30. Kuha ka na din ng chips at juice sa kitchen tutal nakatayo ka na lang din naman. hehe." pahabol pa ni Denden.

"Akala ko pa naman makakapagrelax ako. Aalilain lang pala ko ng dalawang ito." bulong ni Ly sa sarili habang papuntang kusina para kumuha ng kanilang pagkain.

"May sinasabi ka dyan?" mataray na sa tanong ni ella. Tatawa tawa lang si Denden.

"Wala naman po mahal na reyna." nagbow pa talaga si Alyssa sa harap ng dalawa bago iabot ang pagkain. "Pero seriously? Chick flick na naman. In love ba kayong dalawa?" tanong ulit niya at kumuha ng isang throw pillow nilagay sa likuran nya at pumwesto na sa harapan ni Ella

"Wala nga kaming lovelife kaya nakikilovelife na lang sa fictional characters."

"Matagal na kaming hindi kinikilig. Sa movies na lang ang pag-asa namin kiligin kaya wag kang kumontra."

"OO na lang ako."

Sa kalagitnaan ng movie.

"Bakit na lang ba halos lahat ng movie yan ang theme. Best friends falling in love. Bentang-benta sa masa." comment ni Ella.

"You can't fault people for romanticizing the situation." sagot naman ni Alyssa.

"Romantic? Pano mo naman nasabing romantic yun? Napaka-angsty nga dahil complicated." tanong ni Dennise.

"Your best friend falling in love with you can equate to true love because you'll know that minahal ka nya despite knowing your short comings. Kaya sa mga bata lang mabenta ang fairy tales na lagi na lang shinoshowcase ang love at first sight. Sa mga matatanda na nakaranas na ng heartaches, yung perspective nila ng "LOVE" translates to being accepted for who they really are. Who else knows you best than your best friend? Kaya romantic yun for the majority of people."

"But still, isn't it one of the stupidest idea? To fall in love with your best friend? It can ruin the friendship. It could lead to unrequited love or even if the feeling is mutual, the relationship might not work." sabi ni Ella.

"Yes, it is stupid but kahit anong gawin natin, you can't really help who you fall for. Sa lahat naman ng love situations you risk something, hindi lang naman sa "best friends falling in love" yan applicable."

"So you mean, your not against falling in love with your best friend?"

"If only falling in love is a choice, I woudn't 'choose' to fall for my best friend. But the heart wants what it wants." sagot ni Alyssa

When pieces fall into placeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon