Chapter 6

1.5K 69 13
                                    

ELLA's POV

        Nagulat naman talaga ako nang malaman ko na in a relationship na ang beshies ko. Medo halata ko naman dati na may crush si Aly kay Den pero hindi ko namn akalain na magkakatuluyan sila.

        Si Den kasi yung tipo ng babae na mukhang never liliko. As in super straight. Siya madalas yung nagiging girl crush not the other way around. Hindi ko naman pinapakialaman si Aly tungkol sa napapansin kong paghanga niya kay Den dahil kilala ko si Aly, napaka level headed nun at reasonable. So never kong inakala na magtatapat talaga siya kay Den dahil mukha ngang walang pag-asa. Akala ko simpleng crush lang, hindi ko naman inakala na malalim lalim na pala yung feelings nya para sa libero namin. Buti na lang hindi nakakamatay ang akala kundi tigok na ako.Hehe. But then again, if there's one person who can turn a straight girl, si Aly na yun.

        Iba din kasi ang kamandag nitong si Aly. Napakaeffortless ng pagiging charming. Simpleng mga kilos niya ang lakas na agad ng dating. She was born a charmer. Tinablan na din ata si Besh ng kamandag ni Baldo. hehe. Pasimpleng damoves din kasi itong si Aly, natatawa nga ako dati, ipagbubuhat lang ng gamit si den kung anu-ano pang dahilan. Pero boto naman ako ako sa kanila. Syempre loves ko ang dalawang yan. kung san sila masaya dun din ako. :)

"Jaqueline, mamaya ah. Free ka din di ba?" Narinig ko na sabi ni Aly sa isa naming kaklase. Ano naman kaya yun? Anong padali yan Aly?

"Yup, I'm free. Kita na lang tayo maya sa library." sagot ni Jaqueline.

Nambababae agad?! Patay to sakin.

Tiningnan ko nga sya ng masama. Magaling naman at napansin nya ito kaya napatingin din sya sa akin.

"O, bakit ganyan ka makatingin Besh? Constipated lang?"

"Ano yun?" tanong ko agad.

"Alin?"

"Yung kay Jaq, nagmamaang maangan ka pa dyan."

"Magkikita kami maya, bakit? masama?"

"Hoy! May girlfriend ka na bestfriend ko din tapos makikipagkita ka sa iba. Naku patay ka talaga kay Besh. ke bago-bago nyo nambababae ka agad. Akala ko pa naman mabait ka at ideal partner ka for Den tapos ngayon ganyan- HOY nakikinig ka ba sakin!" Naputol ang panenermon ko sa kanya dahil nagtakip siya ng tenga tapos nakanta pa ng 'LALALALA'. Aba't loko to hindi nakikinig sa akin. Binatukan ko nga.

"Susumbong talaga kita kay Besh." pananakot ko.

"Aray naman. Kasi naman, para kang tindahan. SARI-SARI. Magpapaturo lang ako kay Jaq. Kaya nga sa library. Tsk tsk."

"Sus magpapaturo daw, sa dami nating kaklase dun pa sa may crush sayo." Totoo naman, hindi man kagandahan yang si Aly kapag naglalaro naman at nangiti makapanlaglag panty. Haha.

"Alam ko, cute kasi ako. Hehe." Binatukan ko nga ulit. Lakas kasi.

"Yabang mo, sasabihin ko talaga kay Den, patay ka talaga dun."

"Sumbong mo, samahan pa kita. Sya sige na, maya na lang tayo lunch magkita. Later Alligator." At umalis na nga ang mokong. Kuh Valdez humanda ka.

-----------

Dahil Team Den ako, pinuntahan ko nga si Aly sa library, alam ko ngayon lang ang free time nito kaya malamang ngayon sila magkikita ni Jaqueline.

Ayon nakita ko na sila. nagtago ako sa may shelves. May namana din naman akong ninja moves kay Ate Fille.

"Jaq tama ba ang ginagawa ko?"

"Ganyan nga tapos ganito ang sunod."

NYEK NYEK. Nagpapaturo lang pala ng origami itong si Baldo. Pahiya naman ako. Masyado na atang maraming teleserye ang napapanuod ko. hehe. Ito talagang si Baldo, kalaki-laking tao, ang isip parang pang grade school. PFT, origami lang pala, sari-sari din ang trip nito. Tsk tsk. At least hindi nga sya nambababae. Makaalis na nga, nasayang lang oras ko dito.

-------

Lunchtime

Pumunta na ako sa cafeteria. Nakita ko naman agad si Ly kasama sina Den, Mae at Marge. Buti na lang ang lalaki nilang tao kaya nakita ko agad.

"Kamusta mga alagad." sabi ko at tumbi na ako kay Den.

"Mabuti naman po mahal na reyna." patol naman ni Marge.

"At naghanda na ba kayo ng pagkain ko?"

"Nek nek mo. HAHAHA." Kala ko naman sasakyan ulit ako, sayang, libre food sana. hehe

"Hi besh." Bati sa aking ng lovers. Naalala ko yung kay Jaq kanina. Mapagtripan nga itong dalawa. Hihihi.

"Kamusta ang pagkikita nyo?" baling ko kay Aly.

"Nino?" takang tanong ni Den.

"Yan si Aly, nakipagkita kay Jaq."

"Sinong Jaq?"

"Kaklase namin sa Psych 101 na may Crush kay Aly." Hahaha, inunahan ko talagang sumagot si Aly kaya tiningnan ako nito ng masama.

"Bakit nakipagkita ka? Anong meron?" pinandilatan na ng mata ni Den si Aly.

Selosa talaga tong si Den.

"Nagpaturo lang ako kanina. Tsaka nangiissue lang yang si liit wag mo ng pansinin." paliwanag ni Aly.

"Bakit hindi ka na lang kay Ella nagpaturo, mautak naman yan kahit puro kalokohan." Aba namula pa.

"Hindi marunong nun si Ella."

"Hala Aly! Anong klaseng lesson ba yan?" Wahaha, loko talaga tong si Marge. Nanlaki ang mata, siguradong kaberdehan ang nasa isip nyan. Patay ka Aly ngayon mukhang nagets ni Den yung iniimply ni Marge, lalo tuloy lumaki ang mata. Si Aly naman clueless. HAHAHA. Pigil na pigil na ang tawa ko.

"walang alam dun si Ella. Si Jaq ang magaling dun. Hands on pa nga." Poor choice of words Baldo. Your digging your own grave. HAHAHA. May pagkadouble meaning kasi words nya.

"Baldo! Anong hands on yun? Kakalbuhin ko kayo pareho. Nakipaglandian ka ba? Anung tinuro nya sayo? Loko ka" pinaghahampas na ni Den sa braso si Aly. Haha. Entertaining ito, kulang na lang popcorn.

"Hala, ano ba naman Den. Ano ba iniisip mo? Aray naman... Saglit lang may kukunin lang ako sa bag." May kinuha nga si Aly sa bag niya at iniabot kay Den.

"Oh ayan na. Yan ang pinaturo ko kanina kay Jaq."

OH EM G- napatigil si Den. At kinilig naman ako. Iniabot kasi ni Aly ang tatlong flower origami kay Den.

"Uhm, flowers for you. Medyo mahal kasi ang flowers tsaka ayoko namanng ibigay sayo ay yung basta na lang binibili o pinipitas lang. At least yan may kasamang effort."

Ang cute naman ni Besh Aly, super hiyang-hiya. Si Den naman ang ngiti hindi lang hanggang tenga, hanggang noo pa. Para ding nagblush on sa pula.

"Nakanaman. Idol sa the moves."

"Nagpaulan ka naman ng asukal, Phenom." kantyaw ng dalawang ugok.

"Thank you. Para san naman to? Di ko naman birthday." Sus pa-shy effect naman itong si Den. Halata namang kilig to the pwet.

"No reason. Gusto ko lang." Nakakatwa talaga si Aly halatang first time magkagf, hiyang hiya pa din. Kunwari busy sa pagkain hindi masyado makatingin kay Den. Nagbibinata. HAHAHA

"Nice one Ly. Akala ko naman umandar lang ang pagka childish mo kaya ka nagpaturo ng origami. For Denden pala yun. Ayieee." panloloko ko

"Tingnan mo to, alam naman pala yun ginawan mo pa ng issue. Den o pinagtripan tayo ni Ella. Gantihan mo nga," maktol ni Aly. Tiningnan tuloy ako ng masama ni Den. Patay.

"Ang ganda mo ngayon Besh, kasing ganda ng flowers na yan."

"Tse! Good mood ako ngayon kaya papalampasin ko to. Pero kapag naulit pa to, naku lagot ka na sakin."

"Owkie. Peace. Kain na lang ulit tayo."

Kain lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. In fairness hindi sila puro landian at PDA, more of kulitan at asaran. Siguro nakatulong din sa kanila yung pagiging friends before lovers. Napakacomfortable na nila sa isa't isa. They just fit together. Haaay buti pa sila, kelan kaya ako?

When pieces fall into placeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon