2

5 1 0
                                    

WHG   2

(Araw ng lunes)

At walang pasok kaya nagpapasalamat na naman si jaeya na makaka pag part time ulit siya sa Wings&Beer pamilya nila kiv ang may ari nito kaya naka pasok siya ng trabaho dito simula ng 11 years old sya ay palagi na syang tumutulong dito at binabayaran din siya ng mga ito para na kasing pamilya ang turing ng mga magulang ni kiv kay jaeya nagtatrabaho din siya pa minsan minsan sa carinderya na malapit sa kanyang apartment.

Magandang umaga po pagbibigay galang ni jaeya sa tita ni kiv na siyang kusinera or taga pagluto ng pagkain.

Magandang umaga din iha, salamat naman at nandito ka makakapag pahinga ako pa minsan-minsan man lang.

Kamusta po kayo? Paumanhin at hindi ako nakatulong dito sa inyo kahapon nagkaroon kasi ako ng part time malapit sa apartment ko kaya hindi na ako naka punta dito sinabi ko kay gelo na tulungan kayo dito, pagsisigaw ko na sagot kasi nag hahanda na ako sa susuutin kung uniform.

Ganon nga nandito ang bibong lalaki kahapon gabi na nga kami umuwi kasi marami ang naging costumer namin at marami ang umorder online si gelo ang naghatid ng mga yon, wala naman kasi si kiv at quizo kahapon kaya nahirapan talaga si gelo kaya sinabi ko sa kanya na wag na lang muna siya pumasok ngayon upang maka pag pahinga siya.

Pasensya na po talaga kayo yung nasa kabilang apartment ko po kasi ay nagkaroon siya ng urgent na meeting kaya walang makaka bantay ng anak niya kaya po nag presenta na lang ako na magbabantay ng anak niya kawawa naman po kasi na mag isa lang yon sa bahay nila, kaya babawi po ako ngayon.

Sinimulan ko muna ang paglilinis dito sa ground floor at inayos ang mga lamesa at upu-an pati ang ang sliding door ay nilinis ko na rin, pagkatapos ay umakyat na ako sa rooftop binuksan ko ang mga parasol nilinis ko rin ang mesa at inayos ang mga ito nakapag mop na rin ako sa baba kaya kinuha ko na ang pang spray sa mga bulaklak .

Pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kusina nakita kung mayroon ng naluto si tita Delia na chicken wings sinabi niya sa akin na kakain na muna kami bago magbukas kaya hinanda ko na ang mga plato nagagamitin namin bigla namang dumating si gelo kasunod ay si kuya warren kaya sumabay na rin sila sa pagkain.

Kanya-kanyang trabaho na kami nasa cashier ako while si gelo at kuya warren ay mga waitress pag wala ako isa sa kanila ang nandito sa cashier pero minsan nandito si tita levy ang mama ni kiv pag ganon nasa kusina lang ako nag huhugas ng mga plato minsan si kuya warren ang naghuhugas.

Si kuya warren nga pala ay pinsan ni zira nasa grade12 na ito at ilang taon na din siya nag tatrabaho dito.

Pag si kiv at jin nandito minsan sila ang nag dedeliver ng mga order na pagkain.

Palagi kaming nagtutulungan dito yung papa ni kiv ay nandoon sa ibang bansa isa kasi itong bussiness man at palaging umaalis.

Ngayong umalis si jin ay si quizo ang nag pepresenta na tutulong sa pag dedeliver ng mga order.

Pinsan ni kiv si jin nasa ibang bansa ang mga magulang ni jin pero umuwi dito ng pilipinas kamakailan lang at pinapunta si jin sa laguna dahil doon raw ito pag aaralin ng mga magulang niya ayaw sana ni jin na mahiwalay dito sa amin pero bigla na lang nag bago ang desisyon niya sa araw ng flight niya medyo malungkot kasi nga bata pa lang nasanay na kami na magkakasama minsan ay doon ako natutulog sa bahay nila kiv noon at palagi kaming nag lalaro mag damag.

Gusto rin sana ni tita na pigilan si jin pero wala siyang magagawa dahil mga magulang iyon ni jin.

Ang alam ko naka enroll na sya sa bago niyang paaralan international school raw, yon ang sinabi niya sa amin ni kiv noong nag ka video call kami.

Marami kaming naging costumer, naging busy kaming lahat buong mag hapon kaya pag dating ng 10 pm ay nag sara na din kami, nag luto ng pagkain si tita delia at doon na kami nag haponan oo 10 pm na pero ngayon lang kami kumain nag meryenda naman kami kanina kaya okay lang na past 10 na kami kumain.

Umuwi ako kaagad at nag ayos pagkadating sa apartment may pasok na naman kasi bukas.

WHG (White hair Guy)Where stories live. Discover now