Chapter 1: Book Signing

80 16 0
                                    

Amoy sa paligid ng shop ang bango ng samot-saring bulaklak na itinitinda namin dito sa flower shop. Rinig ko rin ang pagdaan ng mga sasakyan mula sa kinauupuan ko.

...Parang hinahaplos ng mga mata n'ya ang puso ko...

"Heather!" Aaminin kong nagulat ako sa biglaang pag tawag sa akin Jane, isa sa mga kasama ko dito sa flower shop, "Hoy, tama na yan!" Sabi n'ya sa akin habang lilinga linga sa librong hawak ko.

"Tsk, hindi ka naman excited n'yan?" Pareho kaming natawa sa sinabi n'ya. Isinara ko ang hawak na libro at saka nag ayos, kailangan ko nang tulungan si Jane dahil marami na kaming customer.

Iba't ibang bulaklak ang hawak ko para doon sa custom arrangement ng isa naming customer, mahilig raw kasi sa roses at tulips ang asawa n'ya pero kailangan ay pink at white lang kaya kailangan naming gumawa ng bagong bouquet para lang sa kanya.

"Uy, Jane!" Pabulong kong tawag kay Jane.

"Mm?" Busy s'ya sa pag-aayos ng custom bouquet kaya iyon lang ang naisagot n'ya sa akin.

"Cover mo yung shift ko ah? Aalis ako ng alas dos..." Sinubukan kong mag paawa at magpacute sa kanya pero tinaasan nya ako ng sulok ng labi n'ya.

"Tss, sige ako ng bahala... Pumunta ka na don kay author."

"Yes!" Impit kong hiyaw sa sinabi n'ya, buti nalang talaga at mabait 'tong si Jane, kun'di mawawalan nanaman ako ng pagkakataon na makita at makapagpa-sign sa paborito kong author.

Tinulungan ko si Jane buong umaga para kahit na mawala ako mamayang hapon ay natulungan at nabawasan parin ang gawain n'ya. Masipag naman ako sa trabaho pero ibang iba ang sipag ko ngayon.

Hinubad ko lang ang apron na suot ko, Isinukbit ko din sa balikat ko ang cross body bag na bitbit ko sa trabaho at nag paalam na sa mga katrabaho. Hindi na ako nag abala pa na mag paganda dahil maayos naman ang itsura at suot ko. Hindi ko narin naisipang maglagay ng pabango dahil amoy bulaklak na ako, mabuti nalang talaga at sa flower shop ako nagtatrabaho!

Saglit lang ang byahe mula sa shop at sa mall, isang jeep lang sinakyan ko kaya mabilis akong nakarating sa venue. Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko ngayon. Halo halo ang saya at kaba ko dahil sa wakas ay makikita ko na ang paborito kong author! Pakiramdam ko nga ay maiiyak pa ako sa tuwa, kung pwede lang akong sumingit o kung kaya ko lang sanang pabilisin ang oras para ma-meet and greet ko na ang pinaka super gwapo at magaling na author sa buong universe ay gagawin ko na, kaya lang hindi ako pwedeng sumingit at mas lalong kalokohan naman ang pabilisin ang oras.

Kanina pa ako nakatayo sa paghihintay, pakiramdam ko nga ay tutubuan na ako ng ugat dito. Napakahaba ng pila! Kung inagahan ko lang sana ay nasa unahan na ako ngayon, pero hindi naman ako pwedeng um-absent sa trabaho, kahit na maliit lang ang sahod ko doon ay importante sa akin ang kumita ng pera sa aming lahat. Ako sa breadwinner sa amin kaya kailangan kong mag doble kayod para sa aming lahat.

Hanggang labas ng hallway ang pila. Ginala ko sa paligid ang mata ko para malibang naman ako habang pagod na pagod nang nakatayo, naaninag ko ang sariling repleksyon sa glass door at ganon nalang kabilis ang pag ngiwi ng mukha ko.

Ang haggard ko na!

Hindi ko maiwasang mainis sa itsura ko, ang fresh kong umalis pero ngayon ay para akong atletang tumakbo ng marathon! Napabuntong hininga ako pero naalala ko na pinaghandaan ko ito at kailangan ay hindi masayang ang effort ko!

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon