...ang makapiling at mayakap kong muli sila mama at Hannah...
Nagising ako sa liwanag na galing sa bintana, puti ang paligid at nangingibabaw sa paligid ang tahimik na tunog ng mga yabag ng paa ng mga naglalakad sa labas. Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa ospital pala ako. Napatingin ako sa dahan dahang pagbukas ng pinto, pumasok sa loob si Mich.
"Gising ka na pala," binaba n'ya ang hawak na pagkain malapit sa lamesa sa gilid.
"Bakit ako nandito?" Kuryoso kong tanong dahil ang huli kong natatandaan ay nasa ilalim kami ng buwan ni Ryu.
"Inabutan kita sa condo nasa sahig, ayon dinala kita dito kasi akala ko kung anong nangyari sayo... ang sabi naman ni doc okay kalang, Ni hindi ka nga nilagyan ng IV oh."
Napaisip ako sa sinabi n'ya nang bigla kong naalala kung paano ako nakabalik kagabi.
Nakatulala akong nakatingin sa mga bituin. Malinaw ang langit at kitang kita ko silang lahat mula sa kinatatayuan ko, kung may telescope nga ako ay siguradong madali kong makikita ang mga constellations ngayon.
"Totoo kaya kayong mga bituin?" Wala sa sarili kong bulong.
"Kung totoo sila...Anong hihilingin mo Heather?"...
kung totoo man sila at kaya nga nilang tumupad ng mga hiling ay isa lang naman ang hihilingin ko. Iyon ay, "ang makapiling at mayakap kong muli sila mama at Hannah."
"Heather..." napatingin ako sa malambing na pagtawag ni Ryu sa pangalan ko.
"Nasa 1960's era tayo..." mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Nasobrahan yata ng kain si Ryu.
"Kaya ko mag time travel..."
Tumawa ako sa sinabi n'ya pero mabilis 'yong nabawi nang makita kong seryoso ang mukha n'ya. Siraulo yata 'to.
"Nasa condo tayo kanina, nasa 60's tayo ngayon... 'wag kang mag alala, babalik tayo mamaya, gusto lang muna kita makasama ngayon..."
Para n'yang hinaplos ng mga salitang 'yon ang puso ko, hindi ako natakot... hindi din nag iba ang tingin ko sa kanya, sa totoo lang ay mas lalo akong humanga sa kanya.
"Paggising mo bukas, nasa kasalukuyan na ulit tayo...Wala ng hahabol sayo... Pangako 'yan..."
Una kong nilingap sa paligid si Ryu, pero wala na s'ya, pero dahil nandito na si Mich sigurado na nga na nasa kasalakuyan na ako, pero nasaan na kaya si Ryu?
"Sinong hinahanap mo?" Biglang nakuha ni Mich ang atensyon ko sa tanong n'ya, hindi ko napansin na hinanap ko pala si Ryu sa paligid.
"Wala..." Nakita ko ang pagrolyo ng mata n'ya sa akin, halatang hindi naniwala.
"Yung condo mo pala... pasensya ka na..."
"Sus, wala 'yon ano ka ba! Ang mahalaga walang nasaktan sa'tin."
Bumukas muli ang pinto at pumasok ang dalawang pulis na nagdala sa akin ng takot.
"Miss Heather Olivar?"
"Anong kailangan n'yo sa kaibigan ko?" Mabilis na tanong ni Mich habang tumatayo, "Gusto mo ng lawyer?" Baling at tanong n'ya sa akin.
"Kailangan po naming kayong makausap tungkol sa stalker n'yo. Nahuli napo s'ya."
Kitang kita sa mukha ni Mich ang pagkagulat sa sinabi ng pulis bago lumabas ang mga 'yon at hintayin kami. "May stalker ka? Gwapo ba?"
"Gaga, hindi ganong stalker..." Sabi ko habang tumatayo at nag aayos para makapagpalit ng damit at makapunta na sa police station.
"Eh, panong stalker ba?" Talang curious pa si Mich at ayaw pa akong tigilan.
"Gusto akong patayin, gusto mo ba?" Alok ko sa kanya dahil parang gusto n'ya rin ng stalker.
Natawa ako ng makita ko ang pag ismid n'ya sa akin. Napikon 'ata sa biro ko. Sumakay kami ni Mich sa police mobile papuntang prisinto, kailangan daw nila akong tanungin tungkol sa stalker ko dahil nahuli na nila 'to. Nang huminto kami sa prisinto ay hindi ako nakakibo kaagad nang makita ko si Ryu na nakatayo sa labas at parang inaabangan kami ni Mich
"Nahuli na silang lahat..." bulong sa akin ni Ryu ng dumaan ako sa harap nya, mabilis akong pagtingin dahil 'don. Pinaling n'ya ang ulo sa isang kwarto at doon ko nakita sila Mr. Jacinto kasama ang mga alagad n'ya. Nanigas ako sa kintatayuan ko ng makita ko sila, kung nakamamatay lang ang tingin ay patay nako dahil sa talim ng tingin sa akin ni Mr. Jacinto.
Tinanong ako ng mga pulis kung nakikilala ko sila, kahit na balot ako ng takot ay sinuportahan ako nila Mich ay Ryu para magsabi ng totoo. Kung wala sila dito alam kong magsisinungaling ako at sasabihin na wala akong ideya sa kung sila.
Ang sabi ng mga pulis ay may nagiwan daw sa kanila ng mga ebidensya na nagtuturo kay Mr. Jacinto, pati addresses ng mga ilegal na gawain ni Mr. Jacinto ay iniwan rin kaya mabilis silang nakagwa ng warrant at nahuli si Mr. Jacinto. Isa ako sa mga kinuha nila para sa interview dahil kay papa na direktang kakilala ni Mr. Jacinto.
Nang matapos akong kausapin ng mga pulis ay nawala na ang kabang akala ko ay habang buhay ng babalot sa akin. Niyakap ko ng mahigpit si Ryu dahil hindi man n'ya sabihin ay alam kong s'ya ang gumawa ng paraan kalad ng pangako n'ya sa akin.
"Ehem," parinig ni Mich kaya napabitaw ako ng yakap kay Ryu.
"Ryu, si Mich pala best friend ko... Mich si Ryu..." awkward kong pagpapakilala sa kanila. Nagkamay lang silang dalawa at nabalot na kami ng nakakailang na katahimikan.
Aalis na sana kami ni Mich para umuwi pabalik sa condo pero may lumapit ulit sa akin na pulis. "Miss Olivar?" Pagtawag nito sa akin.
"Tatay mo si Eduardo Olivar? 'di ba?" Tumango ako sa tanong bilang pag sang ayon sa sinabi n'ya.
"Kumanta si Jacinto... I'm sorry pero wala na si Eduardo Olivar."
BINABASA MO ANG
An Infinite Masterpiece
FantasyA writer with his spectacular works and an avid fan reader who loves his work. They said that time heals all wounds but what if time itself creates hurtful scenario? Will Heather and Ryu overcome the challenges life throws at them? Will their wishe...