Chapter 9: Stalker

29 14 0
                                    

Hindi mawala sa isipan ko ang imahe ng babae na nasa premonition ko, hindi malinaw kung Heather ba talaga iyon dahil wala naman akong ibang basehan kundi ang hair clip lang na kanina ko pa tinitignan sa kanya.

"Sa'n mo nabili 'yan?" Hindi ko na napigilang tanungin si Heather tungkol doon sa hairclip n'ya na sunflower.

Nakita ko ang pagtatakha sa mukha n'ya kaya naiilang akong kumamot sa sariling batok kahit na wala naming Makati doon.

"'eto ba?... Binili ko lang 'to sa palengke."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Heather, hindi man s'ya nagsasalita ay damang dama ko ang pagka-ilang n'ya sa akin.

Kahit yata ilang beses kong ipaliwanag sa kanya na wala s'yang kasalanan sa pag-atake ng pneumonia ni lola ay hindi s'ya makikinig. Panay parin ang paghingi n'ya ng paumanhin dahil sa nangyari.

Sinama ko si Heather sa malapit na kainan para gumaan ang loob n'ya, iba muna ang pinagbantay ko kay lola ngayon at sa mga susunod pang araw. Ang sabi k okay Heather ay magpahinga muna sya dahil nakita ko ang pagka trauma n'ya sa nakita kanina.

Alam ko na mahirap para kay Heather ang ganoong sitwasyon lalo't minsan na s'yang nalagay sa bingit ng kamatayan.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya ng makita kong ibinaba n'ya na ang hawak na kutsara.

"Order ka pa ng gusto mo..." suhestiyon ko.

"Hindi, busog na ako." Sinuklian n'ya ako ng matamlay n'yang pag ngiti.

"Uuwi ka na? Hatid na kita..." Mabilis ang pagtingin n'ya sa akin, halata na nagaalinlangan sa suhestiyon ko.

"Wala ka ng sasakyan... gabi na."

Walang nagawa si Heather kundi ang pumayag sa sinabi ko.

Kasabay naming sa pagtayo sa kainan ang isang lalaki nan aka cap, hindi ko sana papansinin ang pagsabay nito samin kung hindi lang s'ya umiwas ng tingin sa akin.

Halos patulak kong inaya si Heather na umalis doon, mabilis kong ibinigay sa kanya ang extrang helmet na palagi kong bitbit. Mas lalo akong kinutuban ng hindi maganda ng makita ko na nakabuntot parin sa amin ni Heather ang lalaki.

Delikado man ay unti unti kong hinarurot ang motor, "Heather... Kumapit ka."

"Huh?"

Pinabilis ko ang takbo ng motor at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa sakin ni Heather.

Tinitignan ko sa side mirror kung nakakasunod ba lalaki na nakasakay din sa sarili n'yang motor. Kahit na mabilis ako ay nakakasunod ito. 

Wala akong alam na may motibo para sundan ako kaya malakas ang pakiramdam ko na para kay Heather ang isang 'to.kabi kabila ang pagbusina ng kotse, jeep at iba pang mga sasakyan na sinisingitan ko mailigaw lamang ang sumusunod sa amin ni Heather.

"Ryu..." Rinig ko sa boses n'ya ang takot sa mabilis kong pagmamaneho.

"Baka maaksidente tayo..."

"Yung bata!" Malakas na sigaw ng kunsino, mabilis kong tinagilid ang motor habang nakapreno para makaiwas sa aksidente. Hinanap ng mata ko ang sumusunod sa amin, at dahil  nagsisimula na ang pagkukumpulan ng tao, gusto ko mang huminto para doon sa bata ay hindi ko na ginawa. Kinuha ko na ang oportunidad para makaalis at maharang ng karamihan ng tao ang sumusunod sa amin.

Kumuha ako ang pera sa wallet at saka muling humarurot. Dinig ko ang pagrereklamo ng tao sa paligid pero hindi ko iyon pinansin at nagmaneho lang pauwi sa amin.

Galit si Heather nang bumaba s'ya ng motor, pati ang pag alis n'ya ng helmet ay padabog din.

"Bakit mo tinakbuhan yung bata?" Ayokong mainis sa kanya pero naiirita ako sa pagsigaw n'ya sa akin.

"Pano kung kailangan 'yon dalhin sa ospital? Saka eto..." Tinuro n'ya ang kasalukuyan kong tinitiran na apartment, "hindi ko naman 'to bahay ah?!"

"Heather, kumalma ka muna," napapikit ako sa inis ng muli s'yang magsalita.

"Pano ako kakalma, e, hindi ko nga alam kung nasaan ako."

"Bahay ko yan!" Sigaw ko sa kanya, hindi n'ya siguro akalain na sisigaw ako kaya nagulat at natahimik s'ya.

"Uuwi ako kila Mich," Mabilis ko s'yang hinawakan para pigilan sa pag alis.

"May sumusunod sa atin kanina..." Ang paglingon nya ang nagkumpirma sa akin na s'ya nga ang sinusundan at hindi ako.

"Ilan?"

"Ilan? Ibig sabihin may sumusunod talaga sayo?" Hindi n'ya ako sinagot, sa halip ay yumuko pa s'ya para hindi ko makita ang mukha n'ya.

"Heather... May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nanatili s'yang tahimik.

"Kriminal ka ba? All these time ba kriminal ang nagbabantay sa lola ko? Baka naman sinadya mo 'yong atake n'ya kanina?"

Palad n'ya ang sumagot sa mga paratang ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mga naging tanong ko sa kanya pero iyon ang pumasok sa isip ko. Nang iligtas ko si Heather noon ay isang grupo ng lalaki ang humahabol sa kanya at mga kasama n'ya, hindi ordinaryong grupo iyon lalo't nakita ng sarili kong mata ang getaway vehicle nila at ang mga dala nilang baril. Bakit hahabulin ng ganoon si Heather kung hindi s'ya parte ng isang illegal na bagay, mali ang magparatang pero gusto kong malaman sa kanya ang totoo.

"Ang sabi mo hindi ko 'yon kasalanan tapos ngayon sisihin mo ako?" Agad akong nakunsensya ng makita ko s'ya umiiyak, malibis ang pag akyat ng luha sa mga mata n'ya.

"Hindi ako kriminal..." Diretso ang tingin n'ya sa akin, "pero pinambayad ako sa kriminal."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig mula sa kanya. Naging husto ang impit n'yang pag iyak na pilit n'yang tinatago at pinipigilan. Kahit na hindi n'ya kaya ay pinipilit n'yang ihinto ang pag iyak.

Tinabig n'ya ang kamay ko ng subukan ko s'yang hawakan.

"Pasensya ka na... Hindi ko alam."

"Okay lang, may sakayan ba ng tricycle dito? Uuwi na'ko."

"Dito... dito ka na matulog." 

"Doon ka sa kwarto ako sa sala, cup noodles lang yung pagkain ko sa loob." Umismid s'ya sa akin at saka nagbukas ng bag para kumuha ng pera pamsahe pauwi sa kanila.

"Delikado kung uuwi ka sa inyo, may stalker ka, Siguradong alam no'n kung saan ka tumutuloy."

Bakas sa kanya ang pag aalinlangan pero kahit na anong dahilan n'ya ay hindi ako nagpatalo, sa huli ay pumayag din s'ya na matulog sa apartment habang nasa bakasyon at wala pa si Mich sa kanila.

Hindi kumain si Heather, dumiretso s'ya ng tulog sa sala. Hindi ko alam kung bakit doon n'ya napiling matulog samantalang mas komportable sa loob ng kwarto. Kinuha ko s'ya ng kumot at maingat iyong ibinalot sa kanya.

Tinitigan kong mabuti ang payapa n'yang pagtulog. 

Paanong ang isang katulad mong mukhang anghel ang pinili na subukan ng tadhana?

Huwag kang mag alala Heather, ipinapangako ko, hanggang nabubuhay ako ay po-protektahan kita.

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon