Prologue

95 17 2
                                    

Ang sabi nila, sa tuwing bumabagsak daw ang mga bituin sa kalangitan ay humahaplos sila sa ating mga tao...

Malinaw parin sa isipan ko ang kwento ng mga bituin na palaging kinu-kwento sa amin ni mama noong bata palang kami ni Hannah. Matagal na panahon na ang nakalipas pero tandang tanda ko parin kung paanong kapag humaplos daw ang mga butuin sa tao ay maaari silang maging katulad natin, ang tanging pagkakaiba lang ay kaya nilang tumupad ng kahilingan ng mga tao na s'yang misyon nila kung bakit sila napunta dito.

Nakatulala akong nakatingin sa mga bituin. Malinaw ang langit at kitang kita ko silang lahat mula sa kinatatayuan ko, kung may telescope nga ako ay siguradong madali kong makikita ang mga constellations ngayon.

"Totoo kaya kayong mga bituin?" Wala sa sarili kong bulong, kung totoo man sila at kaya nilang tumupad ng mga hiling ay isa lang naman ang hihilingin ko. Iyon ang makapiling at mayakap kong muli sila mama at Hannah.

An Infinite MasterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon