***
Habang naglalakad patungo sa room, nadadaanan ko iyong mga estudyanteng nagwawalis sa kaniya-kaniyang mga area. Kaming mga third year ay naka-assigned na maglinis sa may likod ng school. Mura lang kasi ang tuition dito at sa katunayan nga ay halos wala ka nang babayaran kaya naman hindi na talaga sila kumukuha ng janitor na maglilinis ng paaralan.
Marami namang nag-aaral dito kaya naman kami-kaming mga estudyante nalang yung naglilinis. Mayroon lang kaming maintenance na nag-aayos ng mga patungkol sa mga de kuryenteng bagay gaya ng electric fan o kaya naman ay mga napunding ilaw.
Paakyat ako sa bagong building at nakita ko naman si Penelope na may hawak ng sprinkler, parte din kasi ng trabaho naming mga estudyante ang pagdidilig ng mga halaman.
"Lupe!" tawag ko sa kaniya. Nakatsinelas siya at pawis na pawis.
Agad na nagliwanag ang mukha niya nang makita ako. Kaaga-aga ay ang haggard niyang tignan. Mabuti nalang at nakatoka ako sa may principal's office kaya naman hindi ako masiyadong napapagod.
"Buti nalang dumating ka na." ibinaba niya ang pandilig na hawak saka nahahapong umupo sa may semento kung saan nakahilera iyong mga tanim na sunflower. "Wala pa akong kasama kaya ako yung nautusan imbes yung mga lalake, kainis talaga yung mga yun."
Dali-dali akong kumuha ng tissue sa bag ko at inabot sa kaniya, halos mag-unahan na kasi yung pawis niya sa pagtulo e bagong pasok lang kami, hindi naman pwedeng haggard siyang papasok mamaya.
"Kaaga-aga ang init." Reklamo niya pa habang pinagpupunas iyong tissue na inabot ko.
"Teka lang, akyat muna ako. Tulungan kita magdilig." Paalam ko bago umakyat sa may hagdanan ng building.
Mabuti nalang at sa bagong building na kami nailipat ngayon. Noong mga first year at second year kasi ay doon kami sa luma, puro bakbak na ang pintura at halos hindi na gumagana ang mga electric fan kaya naman mabuti nalang at nakaalis na kami doon.
Habang naglalakad nasasalubong ko rin yung ibang mga third year na nasa kabilang section, iyong iba ay kakilala ko dahil konti lang naman ang mga estudyante dito sa building na 'to.
"Chareenna!" napairap ako at tinanggal agad yung kamay na nakaakbay sa akin.
"Bitaw nga! Ang bigat ng kamay mo!"
Ngumuso si Andy saka inangkla nalang ang kamay niya sa mga braso ko. "Sabi ko hintayin mo ako sa harapan." Pagrereklamo niya.
Hinila-hila niya pa ako saka dumikit ng dumikit, hindi ko alam kung alam niya ba iyong salitang 'personal space' dahil mukha siyang tarsier kung makadikit.
"Himala hindi ka late." Puno ng sarkasmo kong sabi.
Pinalo niya ako sa balikat saka tinulak ng pagkalakas lakas. Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya, nawalan ako ng balanse at nakatama ng isang estudyante.
"Aray!"
"Ano ba?!"
Sabay kaming nagsalita ng nabunggo ko, pinapagpagan ko ang palda ko at nag-angat ng tingin para sana mag sorry sa kung sino ang nabunggo ko. Kunot ang noo ni Katherine na nakatingin ng masama sa akin. Nagkalat ang mga gamit niya sa semento.
"Sorry!" agad kong sabi saka pinulot iyong mga coupon bond habang siya naman ay nakatayo lang sa harapan ko na tila ba naiinis sa nangyari. Agad din namang tumulong si Andy saka nag sorry din sa kaniya. Nakakainis naman kasi itong kasama ko, bakit naman kailangan niya akong iytulak ng ganoon kalakas.
Habang pinupulot ang mga papel, tinignan ko iyon at binasa.
"PEACE PARTYLIST." Basa ko nang mahina sa nakabold na letters na nakaprint sa taas ng papel na nasa pinakagitna.
BINABASA MO ANG
Dominant Series 1: Vigorous
RomanceWhat if the person you love today is the person who you wouldn't want to fall in love with? Sounds confusing but that's what Charee is feeling right now. Aniya, wala ni isa sa lalakeng ito ang katangian na magugustuhan niya dahil kumpara kay Chester...