***
Ayan na konti na lang. Puno ng antisipasyon akong nanunuod habang hinihintay silang-
"Charee!" tawag sa akin ni Papa.
Nakaupo ako sa looban ng bahay nang tinawag ako ni papa at nanunuod ako ng paborito kong palabas sa telebisyon.
"Po?" sagot ko saka hininaan ang volume ng TV para marinig sana ang sasabihin ni Papa. Sana lang talaga ay wag niya akong utusan na pagbantayin ng tindahan dahil hindi pwedeng hindi ko panoorin itong palabas at ilang araw ko ng hindi nasusubaybayan dahil sa pagka busy.
Narinig ko ang biglang pag-andar ng elf namin sa labas, hudyat na papaalis na si Papa. Nayayamot akong napatayo at dumiretso sa saksakan para tanggalin iyong TV. Automatic na kasi na kapag tumunog ang sasakyan namin ay ako ang pagbabantayin ni Papa sa tindahan namin.
"Charee, ang tagal!" sigaw niya pa kaya nagmadali ako agad na pumunta ng pintuan para lumabas.
Hindi ko mapigilan ang pagsimangot ko nang pinuntahan ko si Papa na nasa gate at nakasakay na ng sasakyan. Malamang ay may deliver na naman.
Nakakakilig na nga iyong scene e bakit ngayon pa talaga ako inutusan? Nandon na yung moment, magki-kiss na yung mga bida naudlot pa! Kainis naman!
Nangunot ang noo ni Papa nang makita yung itsura ko. Halata ang disgusto sa nakikita sa akin.
"Umayos ka Charee ah," sermon niya.
Alam kong mali yung pagsima-simangot ko dito pero hindi ko lang talaga mapigil dahil sa inis ko.
"Opo," napipilitang sabi ko nalang bago pinaandar ni papa yung sasakyan saka umalis.
Naiinis kong pinagsisipa ang mga batong nakakalat sa dinaraanan ko. Pupuntahan ko yung shop namin. Mag-isa lang kasi kami dito sa lugar namin na nagtitinda ng mga feeds kaya naman hindi pwedeng iwanang walang bantay sa dami ng bumibili. Pati ang mga taga kabilang bayan ay sa amin kumukuha ng supplies.
Kung tutuusin, dito sa lugar namin ay isa kami sa mga itinuturing na may kaya. May kaya lang dahil hindi naman kami mayaman at kaunti lang ang ari-arian. Karamihan kasi dito ay nagtratrabaho sa bukid o kaya naman ay nag-aalaga ng mga hayop para pagkakitaan.
Bibihira ka lang makakita ng mga bahay na may ikalawang palapag ng gaya namin at mga sasakyan.
Sobrang hirap kasi ng buhay dito sa baryo lalo na at konti lang rin ang nagbibigay ng trabaho. Maging sa bayan ay maliliit lamang ang mga establisimiento at inprastraktura. Imbes kasi linangin ng mga opisyal ng bayan ang aming lugar ay ibinibulsa lang nila ang mga pondo kaya ang lagay, ang mahirap ay mas lalong naghihirap at ang mga mayayaman ay mas lalong yumayaman.
Maswerte nga lang kami at mayroon kaming ganitong negosyo kaya kami umasenso. Noong hindi pa naisip ni papa na magtayo ng sarili naming negosyo ay hirap din kami. Dating nagtratrabaho lang ang Papa ko sa isang piggery bilang katulong sa pag-aalaga ng baboy pero may nag-alok daw sa kaniya na isang negosyante na mag business ng feeds dito sa baryo namin dahil na rin sa marami ang nag-aalaga ng baboy at manok.
Naalala kong pinagtatalunan pa nila ni mama noon ang tungkol doon dahil ayaw ni mama na pumayag sa negosyo sa takot na rin sigurong malugi. Hindi ko masisisi si mama sa takot niya noon dahil sapat lang ang pera namin at kung mawala iyon ay hindi namin alam kung saan kami pupulutin.
Mabuti na lang at talagang sinuwerte kami sa negosyo. Wala naman kasi tayong mararating kung matatakot lang tayong sumugal lagi. Nandiyan na yung mga risk pero ang kailangan lang natin ay ang magtiwala.
"Ang tagal mo," sabi ni Choi, nakababatang kapatid ko. Nakanguso siya na tila ba kanina pa inip na inip na naghihintay dito. "May bumibili kanina hindi ko alam yung presyo kaya sabi ko ubos na yung feeds," dagdag niya saka muling nagpipipindot sa tablet.
BINABASA MO ANG
Dominant Series 1: Vigorous
RomanceWhat if the person you love today is the person who you wouldn't want to fall in love with? Sounds confusing but that's what Charee is feeling right now. Aniya, wala ni isa sa lalakeng ito ang katangian na magugustuhan niya dahil kumpara kay Chester...