Ikatatlong Kabanata

44 2 1
                                    

"S-sa ngayon, wala pa po. Inaalam ko pa po ang mga kakayahan ko" Tipid na sagot ko nalang.

"Masasabi kong hindi ka pangkaraniwang Gin. Nararamdaman ko ang init na bumabalot sa iyo. Wala ka mang kakayahan sa ngayon na gumawa ng mahika ay alam ko na may ginintuan kang puso at kaylanman ay hindi nagkamali ang kwentas sa pagpili sa iyo." sabi nito na may ngiti sa labi saka nagpatuloy sa pagdidilig. Hindi ko alam paano tutugunin ang Reyna kaya't kumuha nalang ako ng tubig at tinulungan ang Reyna sa pagdidilig.

"Mahal na Reyna, pwede po ba akong magtanong sa inyo?" magalang na tanong ko. Lumingon ito sa akin.

"Oo naman. Ano ba ang iyong itatanong?" Magiliwng tanong nito. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ba ang tanong o hindi. Baka mamaya magalit ito at akalaing chismosa pa ako. Pero nanaig ang kuryusidad ko kaya't itinanong ko narin.

"P-paano po ba kayo naging Reyna? Kilala niyo po ba dati ang Hari?" Ilang sandaling natahimik ang Reyna habang nakangiti. Bigla tuloy akong nahiya. "W-wag niyo nalamang pong sagutin. Sadyang matabil lang po talaga ang dila ko. Pasensya na po." Sabi ko sa Reyna bago yumuko ng bahagya. Ilang sandali ay sumagot na rin ito.

"Paano ba ako naging Reyna? at kung magkakilala ba kami ng Hari?. Mmm, katulad mo, isang araw nagising nalang akong sout ko ang kwentas na iyan. Noong una ay natakot pa ako dahil alam kong pagmamay-ari ito ng nakaraang Reyna at baka patawan nila ako ng parusa dahil sa pagnanakaw. Noong mapansin ng Reyna na wala na sa kanya ang kwintas ay agad niyang ipinahanap kung sino ang nakasuot sa mahiwagang kwentas. At kahit pilit kong itago ay talagang kumikinang ang kwentas. Iyon ang pahiwatig na mayroon nang bagong nagmamay-ari rito at dahil doon ay kinailangan kong tumira sa palasyo upang gampanan ang aking tungkulin."

"So, wala po talagang nakaaalam kung sino po ang susunod na magiging Reyna."

"Ni ang mga magagaling na mahikero at salamangkero ay hindi malaman kung sino ang mga susunod na magiging Reyna."

"So, magkakilala na po pala kayo ng Hari dati pa? Sa nakikita ko po kasi ay talagang mahal na mahal kayo ng hari." Mahinhing tumawa ang reyna sa tanong ko.

"Tanyag ang Hari sa panahon namin noon. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang matikas at sadyang maginoo na lalaki. Isa lamang akong hamak na tagasilbi noon at tinatanaw ko lamang ang Hari mula sa malayo. Napakabait ng hari sa lahat kahit na ito ay tagasilbi lamang. May lihim akong pagsinta sa Hari ngunit hindi ko pinangarap na mapansin nito dahil sa agwat ng aming pamumuhay ngunit sadyang kapalaran na sa akin mapunta ang kwentas na iyan at maging Reyna ng Kaharian." Habang nagkukwento ang Reyna ay talaga namang kinikilig ako. Ang ganda ng love story nila, para bang sa pelikula lamang nakikita.

"Naging madali po ba ang buhay niyo bilang Reyna noon?" Bigla itong napabaling sa akin.

"Hindi. Kailanman ay hindi naging madali. Marami  ang nangamba kung bakit isang dukha ang napili ng kwentas. Pinatunayan ko ang aking sarili sa mga Gin rito sa palasyo bago ko nakuha ang kanilang tiwala at pagmamahal." Sagot nito saka ngumiti ng matamis. "Huwag kang mangamba  naniniwala akong karapat-dapat kang maging reyna". Tabingi lamang akong ngumit dahil hindi ko alam ang isasagot rito. "Mauuna na ako sa iyo binibini at may mga gagawin pa ako." Paalam nito saka umalis. Naiwan lang akong nakatingin sa mga bulaklak sa hardin.

----------------

Dahil bagot na bagot sa boung maghapon sa loob ng palasyo, naisipan ko nalang magpalit ng damit at pasikretong lumabas para hindi nanaman makabuntot ang dalawang babae. Hindi kasi ako nilulubayan at sunod lang sila ng sunod. Nakakairita na may sumusunod at nagmamasid sa lahat ng ginagawa ko. Dahil nagugutom narin  naman ako, naisipan kong pumunta sa kusina para maghanap ng makakain.

"Hoy, ikaw babae, saan ka pupunta? alam mo bang malapit na ang  hapunan?. At bakit ganyan ang iyong bihis. Akala mo ba ay may piging kang  pupuntahan?.. Magmadali ka at magbihis. Tumulong ka sa kusina. Bilis, bilis." Nagpalinga-linga muna ako.

"A-ako po ba ang kinakausap niyo?" Nagtatakang tanong ko. Nagpalingalinga rin ang matandang babae.

"May nakikita ka bang ibang gin rito maliban sa atin?"

"Ahmm, wala po. Pasensya na po." Pagpapaumanhin ko nalang. Nagulat ako ng sa pagpitik ng kamay nito ay biglang may lumabas na damit.

"Heto, magbihis ka at tumulong sa kusina."

"Sige po. Teka lang, saan po ba ang CR?"

"CR? Ano iyon? Ano ang iyong sinasabi?" Takang tanong nito sa akin.

"W-wala po. Palikuran, gusto ko pong gumamit sa palikuran para makapagbihis"

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka, hindi mo ba kayang makapagbihis." Ipinitik ulit nito ang kamay at bigla kong naisuot ang hawak na damit. Nahiya nalang akong magtanong kung nasaan ang damit ko kanina.

"S-salamat po. Mauna na po ako."

"Magmadali ka at kulang ang mga tagapagluto. Marunong ka naman sigurong magluto."

"Opo, opo. Sige po." Paalam ko saka pumasok na sa kusina.

-----------

Nalula ako pagpasok sa kusina sapagkat napakalaki at napakaraming gin na nadoon at lahat ay busy sa kanilang gawain.

"Naku, pasensya na po" paumanhin ng babaeng nakabangga sa akin.

"Okay lang." Nagtataka itong tumitig sa akin. "Ibig kong sabihin, ayos lang." Saka ako ngumiti.

"Kayo po ba ang ipinadala ni Ka' Cielo upang pumalit kay Andeng?"

"Ahmm, ahh oo. Ako nga. Ano nga pala ang gagawin ko rito?" Nagtaka ito sa tanong ko pero pinabayaan ko nalang.

"Doon ka po binibini, kayo po ang pupuwesto sa pagluluto. Ako po ang magiging alalay niyo sa pagluluto."

"Ahh, sige, sige. Halika na." Mabuti nalang at magaling magluto ang lola ni Mandy at naturuan akong magluto.

------------

"Anong nangyayari sa labas? Nagakakagulo ba sila?" Tanong ko kay Raya na siyang tumulong sa akin sa pagluluto.

"Tila po yata nawawala ang mahal na binibini. Nagkakagulo sila sapagkat hindi nila mahanap ito. Malalagot ang kanyang mga bantay kapag hindi siya mahanap"

"Talaga? Ganoon ba kahalaga ang binibini para magkagulo sila?"

"Opo. Kailangan pangalagaan ang mahal na binibini hanggang sa mahirang siya bilang bagong reyna. Marami po kasing pagsubok na pagdadaanan ang binibini bago maging reyna."

"Anong mangyayari sa kanyang mga bantay kapag hindi siya mahanap?"

"Huwag naman po sana. Pero," nagpalingalinga muna ito bago bumulong. "Maaari po silang mapatawan ng kamatayan kapag hindi mahanap ang mahal na binibini at kung may mangyari ritong masama." Bigla akong naawa sa mga bantay ko ng mga oras na iyon kaya dali dali akong nagpaalam.

"Tapos na pala akong magluto, maaari mo ba itong maibigay sa mga tagasilbi para matikman at maihain na nila?"

"Sige po. Wala na po ba kayong ibang ipag-uutos sa akin?"

"Wala na. Magpapahangin lang din ako sa labas. Masyadong mainit dito sa loob. Mauna na ako." Mabilis akong lumabas at halos liparin ko na ang pagpunta sa loob ng kwarto ko parang makarating kaagad. Patago akong pumuslit sa bintana at mabilis na pumunta sa walk-in closet. Nagulat ako ng makitang naroon lang pala ang sout ko kanina. Agad akong nagpalit at itinago ang damit pangkusina. Hindi pa ako tapos magbihis ng dumating ang dalawang tagabantay.

"Mahal na binibini, kanina pa namin kayo hinahanap. Akala namin napaano na kayo." Mangiyak-iyak na sabi ng isa.

"Akala namin katapusan na namin. Salamat po at maayos ang inyong lagay. Saan po ba kayo galing at tila amoy pagkain kayo." Tanong naman ng isa.

"Amoy pagkain? Parang nagugutom lang kayo. Wala naman akong naaamoy. Sige na, bumaba na tayo, maghahapunan na diba? Halina kayo." Sabi ko nalang para mapagtakpan ang ginawa ko at ng hindi na sila magtanong pa.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Magical MomentWhere stories live. Discover now