Unang Kabanata

209 3 2
                                    

"Ano Lara, sasama ka ba?? Sa
makalawa na ang alis ko". tanong ng kaibigan kong si Mandy habang inaayos ang mga damit nito na dadalhin sa probinsya para sa bakasyon.

" Oo naman, on leave na kaya ako ng four weeks. Sayang naman kung di pa'ko sasama" sagot ko rito saka tumayo narin para ayusin ang mga gamit na dadalhin. Si Mandy ay matalik kong kaibigan mula pa ng highschool. Sa ngayon ay magkasama kami sa iisang apartment.

------

Kinabukasan, maaga kaming umalis ng apartment para hindi maabutan ng gabi sa daan. Medyo malayo ang probinsya ng mga ito kaya natulog nalang ako sa biyahe.

"Lara gising,, bababa na tayo" pukaw sa akin ni Mandy

"Mmm.. dito na ba ang bahay
niyo?" tanong ko saka kinusot-kusot ang mata at iginala ang paningin.

"Hindi pa, tara, sasakay pa tayo
ng tricycle, saka tayo makakarating sa amin"

"TALAGA? nagrereklamo na ata tong pwet ko." Reklamo ko rito.

"Ang pwet mo ba talaga? o yang
bunganga mo?., e kung gusto mo, pwede naman tayong maglakad" saka ito ngumiti ng nakakaloko.

"Ano ka?! wag na nga, matatagalan pa tayo, siguraduhin mo lang na may pagkain sa bahay niyo, dahil kung wala lagot ka sa akin" sikmat ko sa kanya na tinawanan lamang nito.

"oo na,,," sabi nito saka pumara ng tricycle. "o sakay na,, manong
sa Sanilao po" sabi ng kaibigan ko sa driver saka pinaharurut ang tricycle.

----------

Pagdating sa kanila, naabutan namin ang lola nitong abala sa paghahanda sa hapagkainan. Inanyayahan niya kaming kumain. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na ako sa sala dahil napagod talaga ako sa biyahe samantalang ipinanhik naman ni Mandy ang mga gamit namin. Lumipas ang ilang sandali bago muling bumaba si Mandy at talagang nagulat ako sa sout nitong lumang palda at blusa. Di ko napigilang tumawa "Lara tara, sama ka, may fiesta ngayon sa bayan. Masaya to" pang-iimbita nito.

" wow! at kakaladkarin mo pa talaga ako. Ikaw nalang magpapahinga nalang ako dito dahil napagod talaga ako sa biyahe." Tangi ko sa kanya. Nilapitan niya ako saka hinila sa kamay patayo.

"Sige na, halika ka na,, hindi tayo magtatagal promise!" Pangungulit nito.

"Spare me please,,, isa pa hindi naman ako tagarito kaya ikaw nalang okay?"

"Sige na, sige na.. please. Minsan lang to,, I promise, you would never regret coming" pangungumbinsi nito saka ngumiti ng matamis.

"Hay naku, mapilit ka talaga, sige na nga. pero mabilis lang tayo ha."

"Oo, tara na." Hinila agad ako nito palabas ng bahay. Dahil magaalas-sais na ng gabi at malapit ng magsimula ang kasiyahan, naisipan ni Mandy na sa shortcut nalang kami dumaan para mabilis makarating sa plaza.

------------

"Mandy tara na, uwi na tayo" sabi ko sa kaibigang masaya paring
humahataw sa dancefloor.

"Mamaya na, hindi pa tayo nakakailang oras rito"

"Pero alas-dyes na ng gabi!" Naiiritang sabi ko dahil narin siguro sa pagod.

"Mauna ka nalang umuwi please,..." paki-usap nito.

"Pero hindi ko alam ang daan
pauwi! sa shortcut kaya tayo dumaan kanina, baka maligaw ako" naiinis nang sabi ko.

"keri mo na yan! sige na please"

"Ewan ko sayo!" naiinis na sabi
ko saka ito iniwan. Nag-aalinlangan mang dumaan sa shortcut ay wala akong magagawa kundi suungin ang masukal na gubat. Binilisan ko na lang ang paglalakad dahil natatakot rin ako sa kadiliman. Sa pagmamadali ko, hindi ko na napansin na mali na pala ang daang tinatahak. Nagpaikot-ikot na ako nang 30 minuto ngunit hindi ko parin mahanap ang daan. Wala rin akong mapag-tanungan dahil wala ring kabahayan sa lugar na iyon. Napaigtad ako ng biglang may magsalita sa likod ko.

One Magical MomentWhere stories live. Discover now