Ikalawang Kabanata

77 3 2
                                    

Kinaumagahan nagising ako sa
hindi kilalang silid. Pinaradahan
ko ito ng tingin at para bang kwarto ito ng isang prinsesa sa laki. Mantakin mo ba namang limang beses ang laki nito kesa sa apartment namin. Ilang sandali ay biglang sumakit ang aking sintido dahil marahil sa aking weird na panaginip. Marahil ay kulang lang ako sa tulog. Tumayo ako at naglakadlakad ng biglang pumasok ang dalawang babaeng may kakaibang sout. Parang sa panaginip ko kahapon. Sinampal ko ang sarili para mahimasmasan pero di parin nawawala ang ang mga ito sa aking harapan. Sinampal ko ng paulit-ulit ang sarili ngunit tila totoo na ang lahat.

"Ahhhhhhh" sigaw ko na para bang binabangungot .

"Mahal na Binibini, pakiusap. Wag ninyong saktan ang inyong sarili". Sabi ng babae at saka dalidaling lumapit sa akin na dahilan kaya't ako ay napaatras.

"wait, wag kayong lalapit. Diyan lang kayo." ngunit patuloy ang mga ito sa paglapit. " Sabing diyan lang kayo. Pag di kayo tumigil sisigaw ako ng malakas"

"Mahal na binibini, pakiusap hayaan ninyo kaming tulungan kayo sa inyong mga pangangailangan"

"Hindi, hindi ito totoo at wala akong naririnig. Wala. Wala" parang baliwng kausap ko sa sarili at agad tumakbo sa kama at nagtalukbong.

"Mahal na binibini, pakiusap iniimbitahan kayo ng mahal na Hari at Reyna sa isang almusal. Hayaan ninyong tulungan namin kayo sa inyong pag-aayos."

"Lubayan niyo na ako please. Kotang-kota na ako kahapon. May part 2 pa pala." mangiyak-iyak na sigaw ko.

"Mahal na binibini, ipagpaumanhin ninyo ngunit mapipilitan kaming gawin ang lahat dahil kung hindi kami ang malalagot." sabi ng mga ito saka pilit hinahablot ang kumot ko. Pinagsisipa at nagsisisigaw narin ako dahil sa inis na nararamdaman. Di nagtagal ay may biglang pumasok sa loob ng silid.

"Iwan ninyo muna kami."

"Ngunit mahal na Prinsipe, ang utos sa amin ay--"

"Iwan niyo muna kami. Nais kong makausap ang ating panauhin" Mariin na sabi ng bagong dating. Agad namang tumalima ang dalawa. Doon ko na ibinaba ang kumot saka naupo.

"Kumusta ang tulog mo?" nakangiting tanong nito.

"Malamang hindi maganda, lalo na't iyon ang gumising sa akin. " pamimilosopa ko "Please tell me that this is only a dream, a nightmare. And please wake me up. Hindi ko na kaya ang ganitong sitwasyon"

"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit hindi ito panagip. At talagang narito ka sa aming mundo" mahinang sabi nito. Ngunit tila isang bagyo ang dating ng sinabi nito.

"No, you are joking" Sabi ko na hindi makapaniwala.

"Alam kong hindi ito magiging madali para sa iyo ngunit hindi mo rin maitatanging unti-unti ka ng naniniwala na gising ka sa mga oras na ito at talagang nangyayari ito." mahinahon na sabi nito saka lumapit sa akin at tinapiktapik ang aking balikat. "Wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sa iyo habang naririto ako." nagtataka man ay bigla akong napanatag sa mga sinabi nito.

"Ano ba talaga ang nangyayari? at nasaan ba tayo? paano ako nakapunta rito? sino ang mga taong iyon?" sabay-sabay na tanong ko.

"Hinay-hinay lang sa pagtatanong." sabi nito saka ngumiti. "Narito ka sa mundo naming mga Gin at nakatakdang ipakasal sa akin-"

"Ipakasal? sa iyo? bakit? at paano ba ako nakariting rito." naguguluhang tanong ko.

"Ikaw ang pinili ng kwentas na sout mo at marahil ay iyan rin ang nagdala sa iyo papunta rito sa aming mundo"

"Kwentas?" sambit ko saka napatingin sa leeg ko. Nagulat ako nang makita ang kwentas na sout ko. "Eh, hindi naman ito sa akin, sa iyo ito dba?. Naihulog mo ito noong huli tayong nagkita at paano ko ba ito naisuot? eh sa naaalala ko ay nakalagay ito sa bag ko" sabi ko saka pilit tinatanggal ang kwentas sa leeg."ano bang klaseng kwentas to at di matangal-tangal. Naiinis na ako ha."

"Haa" paghinga nito. " Hindi talaga matatanggal ang kwentas na iyan dahil nahanap na nito ang susunod na reyna ng emperyo at ikaw iyon. At ito ang pangalawang beses na nakarating ka rito sa aming mundo. Mapalad ka noong nauna dahil ako ang nakakita sa iyo at naituro ko ang daan paalis ngunit tila tinawag kang muli ng kwentas upang bumalik rito."

"At sino namang may sabi na gusto kong maging reyna at bumalik rito? tulungan mo nga akong tanggalin ito at pakiusap, ihatid mo na rin ako sa mundo namin. " pagtataray ko.

"walang makakatanggal sa kwentas na iyan kung hindi iyan mismo ang kusang tumanggal sa iyong leeg. At ipagpaumanhin mo ngunit sa susunod pang 30 taon muling bubukas ang parede kung saan ka dumaan."

"anong sabi mo? 30 taon? dito na ako tatanda? gawan mo to ng paraan, ibalik mo na ako sa mundo namin"

" ang 1 araw sa inyo ay katumbas ng 1 taon sa amin. At tuwing kabilugan lamang ng buwang bumubukas ang parede. Mas makabubuti sa iyong huwag ipahalata sa mga Gin rito na isa kang tao sapagkat hindi kayo lubusang tinatangap sa mundo namin. Nangangamba akong baka may mangyaring masama sa iyo kung malaman nilang hindi ka katulad namin." sabi nito na nagbigay ng pangamba sa akin sa mga darating pang mga araw.

"anong gagawin ko? hindi ko alam kung paano ako mabubuhay rito o kung makakalabas pa ba ako ng buhay." sabi ko saka tumulo na ang mga luha sa aking mga mata. Lumapit ito sa akin saka ako niyakap na para bang sinasabing naririto lamang ito para sa akin.

"Magiging maayos ang lahat. Kailangan lang nating hintayin ang kabilugan ng buwan. Ipagpatawad mo't hindi kaya ng kapangyarihan kong dalhin ka sa mundo ninyo."

" Ipangako mong hindi ako iiwan at baka mapaano ako rito." sabi ko saka mahigpit na yumakap rito.

"Pangako." saka matamis itong ngumiti.

-----------------

Pagkatapos kumain ng almusal ay napagpasiyahan kong tumambay muna sa hardin na nakita kanina dahil talaga namang napakaganda nito at maraming iba't ibang klaseng bulaklak at halaman. Sa pagpasok ko roon ay nakita ko ang mahal na Reyna na nagdidilig gamit lamang ang mga kamay. Talagang kamangha-mangha ang ginagawa nito.

"Gusto mo bang tulungan akong magdilig ng mga halaman? " nakangiting tanong nito.

"Naku wag na po. Hindi kaya ng power kong magdilig ng halaman. Syaka kering-keri niyo na po iyan" magalang na tanggi ko.

"power? kering-keri? ano bang sinasabi mo binibini." takang tanong nito.

"huh? ah, wala po. Wag niyo nalang akong pansinin. Medyo kulang lang ako sa tulog at pahinga. Sige po, mauna na a--" hindi ko natapos ang sinasabi ng magsalita ito.

"halika at tuturuan kita paano magdilig ng halaman. Lumapit ka" nag-aalinlangan man ay lumapit parin ako. "Isipin mo lamang na may tubig na dumadaloy sa iyong mga kamay na kailangan ng mga halaman at bulaklak. Subukan mo ". palakaibigang sabi nito.

"ahm, w-wag na po, m-medyo masakit pa mga ang kamay ko sa pagkakagapos kahapon" magalang na tangi ko. "next time nalang. Thank you." saka tabingi akong ngumiti. Nagtaka ako ng bigla itong tumitig sa akin. "m-may sasabihin po ba kayo?"

"wala naman. Natutuwa lang ako sa iyo. Hindi ko mawari ang ibig sabihin ng iyong ibang salita. Nararamdaman kong may kakaiba sa iyo." sabi nito na nagpalakas ng kaba sa dibdib ko

"k-kakaiba? Manghuhula po ba kayo?" kinakabahang tanong ko. Paano nalang kapag nalaman nilang tao ako? Talagang lagot ako. Bigla itong tumawa.

"Nakakatuwa ka talagang bata ka. Hindi ako manghuhula ngunit magaan talaga ang loob ko sa iyo." Sabi nito nang nakangiti." Maitanong ko lang, ano ba ang iyong mga kakayahan? ano ang iyong kapangyarihan? "

Bigla akong natahimik sa tanong nito. Paano ko ba sasagutin ito. Mamamatay na ata ako. Lord help me. Paano ba to?. Nginitian ko muna ang Reyna habang nag-iisip ng sunod na isasagot.











One Magical MomentWhere stories live. Discover now