Chapter 4

5 0 0
                                    

Maaliwalas ang pakiramdam ko nang gumising ako kinabukasan. Maaga pa nga ako nagising, na sinabi pa ni Sheena sa akin na isang napakalaking himala raw no'n sa akin.

"Hindi talaga ako maka-get over sa pagkagising mo nang maaga ngayon. Wait, hindi kaya..."

Napatigil na rin ako sa paglalakad nang huminto siya. Tiningnan ko siya nang may pagtataka.

"Oh?"

Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy na rin sa paglalakad. "Wala lang. Naisip ko kase na, hindi kaya crush mo na si Clark. Kase 'di ba hinatid ka pa niya kagabi sa unit natin."

Kukurutin ko na sana siya nang nagsalita ulit siya.

"...pero naisip ko rin na malabo e. Kase maliban sa nangyari sa past mo, talagang malabo. Malabo talaga. Hindi mo naman tipo 'yong gano'ng lalaki hindi ba?" Bumaling siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"'Di ba? 'Yong gentle. Hinahatid pa sa tinutuluyan. Hindi boring kausap. Gwapo. Matangkad. Basketball player. Dancer. Tisoy..." Huminto ulit siya sa pagsasalita at tumingin sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"...at siyempre, casanova! Ayaw na ayaw mo sa ganoon 'di ba? Hindi ba?" Ngumiti siya.

"Alam mo naman, tinatanong mo pa." Kumapit ako sa strap ng bag ko at chill na naglalakad sa mahabang pathway.

"E malay ko naman na biglang nagbago ang ihip ng hangin, 'di ba? Ewan ko sa 'yo! Hindi ka ba masaya na may nagawa kang himala sa buhay mo?"

Tss.

"Hindi."

"Aray. So, ako lang ang masaya. Gano'n? Ako na lang? Sige. Sabi ko nga ako na lang," nakanguso niyang sabi nang mapansin niyang hindi ako interesado.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Mabagal lang ang paglalakad namin dahil request niya. Ngayon lang daw kase kami pumasok nang hindi nahuhuli sa klase at hindi kailangan magmadali kaya sulitin daw namin. Ayon, pinagbigyan ko na rin.

"Wala ka bang napapansin?"

"Ha? Saan?" Nagpalinga-linga siya.

Tss.

"Wala kang ibang naririnig?" Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag pack ko.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Siyempre meron, 'no. Hindi pa naman ako nabibingi. Wait...h-huwag mong s-sabihing m-may nakikita a-at n-naririnig ka nang i-ikaw lang n-nakakasense?"

"Ha?"

Lumapit siya sa akin at bumulong. "M-may multo ba?"

Lumayo ako sa kaniya. "Pinagsasabi mo? Pakinggan mo kase nang mabuti."

"Ang alin kase?!"

Napasimangot ako.

"Mga chismosa."

"Ha? Sino?"

Tiningnan ko ang pwesto ng tatlong mga kababaihan na nakakumpol sa gilid ng daan. Nakatingin ang isa sa akin habang ang dalawa ay nag-uusap. Malayo sila sa amin pero dahil malakas ang boses nila ay naririnig ko mula rito sa pwesto namin ni Sheena.

"Sila? Ano naman pinag-uusapan nila? At bakit parang nakatingin sa iyo 'yong babaeng nasa gitna? Ang talim ng tingin oh," aniya.

Inalis ko ang tingin ko nang bumaling din ang tingin sa akin no'ng dalawa.

"Malay ko."

Nawawala na naman ang magandang mood ko. Ano na naman ba ang nagawa ko? Kumalat ba sa buong campus ang nangyaring kahiya-hiya sa loob ng classroom namin? Nalaman ba nila ang rason ng pagtakbo ko sa field? Pati ang rason ng Dean sa pagtanggal kay Sir Hinondo sa school na ito, nalaman nila?

When an Ultimate Player FallWhere stories live. Discover now