Chapter 8

3 0 0
                                    

Mabilis dumaan ang oras at linggo na. Parang kagabi lang, iniisip ko pa kung paano niya nalaman ang size ng paa ko. Pero ngayon, iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa tuition fee na kailangan kong mabayaran nang libre. Sana matapos agad ang 'date'. Sana mabilis lang dahil wala naman namamagitan sa aming dalawa.

Wait.

Kinilabutan ako roon, ah. Geez.

Halata kay Sheena na excited siya sa magiging date kuno namin ngayon ni Clark kaya umaga pa lang ay inayusan niya na ako. Marunong naman sa pagpapaganda si Sheena kaya hindi na mahirap para sa kaniya itong ginagawa niya sa akin. Yung buhok ko na palagi kong tinatali ay kinulot niya at hinayaan lang na malaya. May ini-spray pa siya roon na hindi ko alam kung ano pero sinunod ko na lang siya nang pinapikit niya ako. Inayusan niya na rin ang mukha ko. May kung ano anong pampaganda ang nilagay niya rito.

“Huwag mo kakapalan, please lang. Ayoko magmukhang clown,” wika ko habang nilalagyan niya ng foundation yata ang mukha ko.

“Shut up ka na lang, Kyne. Ako ang bahala sa ‘yo,” aniya habang may nilalagay naman sa may talukap ng mata ko.

“Kung hindi lang ‘yan kailangan tulad ng sabi mo e hindi ako magpapalagay niyan sa ‘yo.” Iminulat ko ang aking mata.

“Aba, siyempre naman. Dapat lalo kang gumanda ngayon, ano. Hindi pwedeng magmukha kang tomboy sa harap ng ka-date mo.”

“Alam mo, Sheena, kung hindi lang kita kaibigan ay kanina pa kita nasapak. Walang palya ‘yang bunganga mo kakasabi sa salita na iyon.”

“Say ah,” aniya na sinunod ko naman. “Aba e kung ako sa ‘yo, kagabi pa ako hindi mapakali dahil sa kilig. Ikaw ba naman maka-date si fafa Clark. Oha? Bongga!” aniya nang matapos ang paglalagay niya ng lipstick at sinipat ako.

“Wala ka pa nga sa sitwasyon ko, kinikilig ka na.”

“Siyempre naman. Ayan, tapos ka na. Tingnan mo ang sarili mo, Kyne. Gosh, why so ganda?”

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin tulad ng sabi niya.

“A-ako ba ‘to?”

“Yes! Ikaw na ikaw,” aniya saka humagikhik na naman.

“Kinikilig talaga ako para sa ‘yo, Kyne. Ngayon pa lang, thankful na ako kay fafa Clark na napapayag ka niya. Bet ko na talaga siya for you. Kase alam mo, mahigit dalawang taon na noo’ng walang nag-aaya sa ‘yo ng date e. After no’ng...”

“Kahit hindi nangyari ‘yon, mangyayari pa rin ‘yong nangyayari sa akin ngayon.”

Tinudyo niya ako. “Ibig bang sabihin niyan e tinatanggap mo na sa sarili mo ang nangyayari ngayon including fafa Clark?”

Tumamlay ang tingin ko sa kaniya. “Huwag kang assuming.”

“Aray naman. Nagtatanong lang.”

Umalis na ako sa pagkakaupo saka tiningnan ang sapatos na iyon. Hays. Hindi ko alam kung paano ako maglalakad nang maayos gamit ‘yon.

“Hindi ba pwedeng magflat shoes na lang ako? O kaya e sneakers?”

“Alam mo, Kyne, kung hindi ka lang nakaayos ngayon, nagulo ko na ‘yang buhok mo. Ano ka ba? Hindi pwede ‘yang suggestions mo. Magmumukha ka talagang tomboy. Isipin mo, ka-date mo si fafa Clark na pogi at nakasuot ng magarang damit tapos ikaw, maayos sa itaas pero naka-sneakers? Hay naku, ewan ko sa ‘yo. Mahiya ka na lang kay fafa Clark. Binilhan ka pa ng ganyan kagandang heels.”

“Bakit mo ba siya tinatawag na fafa? At saka, hindi ko naman hiniling sa kaniya na bilhan niya ako ng ganyan kagandang sapatos, ano.”

“Bakit? Selos ka? Alam mo kase, Kyne, pwede ka rin naman maki-fafa e. Para twinnie tayo, hihi.”

When an Ultimate Player FallWhere stories live. Discover now