PROLOGUE

9 2 3
                                    

I woke up early in the morning. I did my morning routine then go downstairs.

"Good morning, My," I greeted as I saw her in the kitchen, preparing my breakfast.

"Good morning, son," she greeted back as she kissed my cheek.

"It's your first day. Goodluck," she said as I headed to the main door after I ate my breakfast.

"Thank you, My. Bye."

"Take care. Bye!"

"I love you!" I shouted back as I ran towards my audi.

I am automatically pissed as I walk towards to the main gate---where the guard's house is---when I heard the screams.

"Waaah! Si Clark!"

"Oo nga! Waaah!"

"Ayan na siya!"

"Akin ka na lang, Clark!"

"Yiee. I love you, Clark!"

Tss. Hindi ba sila nagsasawa na magtitili kapag napapadaan ako? Aren't they tired of screaming my name? At saka bakit tumitili pa sila nang ganoon e malapit lang naman ako sa kanila? Hindi ba sila namamaos?!

I know they have a crush on me but huwag naman sana ganoon. Alam kong gwapo ako pero huwag naman masyadong ipangalandakan. Kung gusto talaga nila ako bakit hindi na lang nila ako lapitan? Hindi yung nagtitilian pa sila. Psh. Kakarindi lang kase. Pakiramdam ko, mabibingi ako dahil sa ka-gwapuhan kong 'to. Bakit ba kase pinanganak pa akong ubod ng gwapo?

"Oh, aga ah," wika ni Art-bestfriend ko slash cousin-nang makita akong pumasok ng room.

Nakaupo na siya sa upuan niya which is nasa tabi ng upuan ko. Umupo na muna ako at nilapag ang bag sa likod ko bago nakipag-usap sa kaniya.

Napa-tsk ako. "Gano'n talaga, brad, 'pag gwapo," sabay wink.

"Yak! Kadiri ka! Huwag ka ngang kumindat diyan. Para kang sinasaniban," aniya na nag sign of the krus pa.

"Bwahaha," tunog evil kong tawa.

Napailing-iling na lang siya. "Nga pala, nabalitaan mo na ba?"

"Na ano? Na 'lagi ka raw tulala'?" tanong ko. Kinanta ko pa 'yong part na 'yon sa kantang "Nanghihinayang".

"Baliw."

"Ang alin ba?"

"May transferee, brad. Dalawa pa! Chix 'yon, brad. Panigurado!"

"Haha. Aba, edi mabuti." Saka nag evil smile ako.

Hmm...smells like magiging hunter kami ngayong taon ni Art ng mga chix ah.

Dumating na ang prof namin sa major.

"Good morning, Ma'am!" sabay naming sabi habang tumatayo.

"Good morning, class. You may now take your seats," ma-awtoridad na sabi ni Ma'am Fuentes, the bipolar teacher.

Hindi pa nagtatagal ang klase nang may kumatok sa pintuan ng classroom namin dahilan para makuha ang atensiyon naming lahat. Siyempre, nakikinig naman ako sa klase kahit na nagta-target kami ni Art ng chix.

"Ah, excuse me," paalam ni Ma'am Fuentes.

Pumunta si Ma'am Fuentes sa pintuan at unti-unti itong binuksan.

"G-good morning po, Ma'am," nahihiyang sabi ng dalawang babae kay Ma'am.

'Teka, sino 'yon?' sabi ko sa isip ko.

Nag-uusap sina Ma'am Fuentes at ang dalawang babae ngunit hindi ko na marinig. Mukhang nasa good mood ngayon si Ma'am Fuentes ah. Baka nakakain na naman 'to ng chocolate.

"Brad, sa tingin mo sino kaya 'yong mga 'yon?" kuryusong sabi ni Art.

"Tss," sabi ko naman.

Chismoso talaga 'tong lalaking 'to. Minsan talaga napapaisip ako kung paano ko siya naging bestfriend at pinsan kung marami kaming pagkakaiba? Hindi kaya, ampon siya? Hahaha. Joke lang. Paano naman siya magiging ampon e magkamukhang-magkamukha sila ni Tito Arthur.

Makalipas ang ilang minuto nilang pag-uusap, pumasok na si Ma'am Fuentes.

"Ahm, class you have a new classmates," anunsiyo niya na hindi na namin ikinagulat.

"Girls, come here," malumanay na sabi ni Ma'am Fuentes habang nakangiti.

Nakatungo naman naglalakad papunta sa tabi ni Ma'am ang isang babaeng blonded ang buhok habang ang isa naman na naka-bun ang buhok ay diretso lang ang tingin na parang wala kami rito sa harapan nila.

"Kindly introduce yourselves."

Nagtaas naman ng tingin ang babaeng blonded ang buhok. "Hi! I'm Sheena Mae Cyrus. 19 years old. Nice to meet you all!" masiglang pagkakasabi niya.

Awtomatiko akong napabaling sa babaeng kasama niya. Nakatingin na pala iyon sa amin. Wait, sa akin. Sa akin siya mismo nakatingin. Iniwas niya ang paningin niya nang siya na ang magpapakilala.

"I'm Kyne Angelic Vid. Nice to meet you all," cold nitong pagkakasabi.

May Angelic sa pangalan pero mukhang suplada naman. Tss.

"Okay, girls. Take your seats," saad naman ni Ma'am.

"Thank you, Ma'am," sabi no'ng blonded ang buhok.

Umupo naman sila sa bakanteng upuan kung saan sa harap naming dalawa ni Art.

"Tss."

Bakit ba kase sa harap pa namin may bakanteng upuan? Kapag minamalas ka nga naman, oh. Bakit sa harap ko pa? Bakit naman kase hindi sa harap ko umupo 'yong isang kaklase namin na babae? Argh. Tapos sa tapat ko pa umupo 'yong naka-bun ang buhok.

Natapos na ang dalawa naming subject at recess na.

Umorder na si Art ng makakain namin pagkarating namin sa Cafeteria. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang orders namin.

"Parang nakita ko na sila," aniya habang nakatingin doon sa dalawang transferees na nakaupo malapit lang sa glasswall.

"Tss. Oo nga eh. Pero 'di ko alam kung saan. Lalo na 'yong- ano nga ulit pangalan no'n? Kane?! Can?! Argh. Whatever," inis kong sabi.

"Ahh, si Kyne?"

"Ang cold niya 'no?" dagdag na sabi pa niya.

Hindi ko alam pero kanina pa ako naiinis.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang magsalita itong si Art.

"Brad, nakita ko 'yon kanina ah. Pero bakit mukhang badtrip ka pa rin?" aniya na naka-grin.

Kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo?"

"Asus! Huwag kang magsisinungaling sa akin dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano kayo magtitigan," aniya saka sinuntok pa nang bahagya ang braso ko.

Anak ng! Inaano ko ba 'to?

"Pinagsasabi mo nga? Ayusin mo kase sinasabi mo riyan," naiinis na wika ko. Hindi ko talaga siya ma-gets.

"Sira. Siyempre 'yong titigan niyo ni Kyne. Ano? Bibingwitin mo na ba?"

"Ahh. 'Yon ba? Napatingin lang ako no'n sa kaniya noong natapos na 'yong kasama niya na magpakilala. I just found out na nakatingin pala siya sa akin kaya tinitigan ko siya. And then- boom! Umiwas ng tingin." I smirked.

"Iba ka talaga tumitig, brad. Hahaha."

"Well," kibit-balikat kong sabi.

Matapos no'n ay bumalik na rin kami agad sa classroom. Mabilis lang natapos ang klase sa araw na iyon dahil nagpa-quiz lang for pre-test sa amin halos lahat ng guro. Ang iba ay nagbalik-aral lang sa dati naming inaral noong nakaraang taon.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon kahit na pinipilit ko. Hindi nga lang ako dinalaw ng antok.

"Tss. Sino ka ba?" usal ko.

I messed up my hair in frustration. Argh. Alas onse na ng gabi. Male-late ako nito bukas. Sana naman hindi. Aish. Makatulog na nga!

When an Ultimate Player FallWhere stories live. Discover now