Valentine Horoscope

1.9K 6 0
                                    

VALENTINE HOROSCOPE 

by : Madam Virgie 

( Para sa mga miyembro  ng S.A.D o Self Awareness Day)

ARIES ( March 21- April 20 )  - Wag kang mawawalan ng pag asa kung mukha kang kalyo dahil sa Araw ng mga Puso magkakaroon ka ng ka-date. Good news  may free FB nanaman ang Globe at Smart at maglalabasan nanaman ang mga mukhang paa at doon mo makikita ang ka-match mo.

TAURUS ( April 21 –May 20 ) – Tigilan mo na pag gamit ng Camera 360 at Retrica na naka labas ang cleavage mo at baka magulat siya kapag nagkita kayo ng personal, taliwas sa inaasahan niya, isa ka palang kurimao sa totoong buhay. Maraming astringent sa gluta sa Mercury drug kapag hindi ka pa tinalaban, punta ka sa Divisoria, bili ka ng mascara kapag nakipag blind date ka. 

GEMINI ( May 21 – June 20 ) – May magyaya sa iyo manoud ng sine sa February 14.  Ang pangalan niya ay Mando. Habang concentrate kayo sa panonoud ng Fifty Shades of Grey hindi mo inaasahang gumagapang ang kamay niya… sa bag mo. Isa pala siyang Mandorukot.

CANCER ( June 21- July 20 ) Tigilan mo na ang pag se-selfie na naka duckface dahil hindi bagay sa iyo. Nag mumukha kang rhinoceros. Ma tu-turn off ang crush mo kapag nakita ka sa social netwok na ganito ang itsura mo akala niya may deformity ka.

LEO ( July 21- August 20 ) Napaka suerte mo dahil may mag ka ka-crush sa iyo. Nasa paligid mo lang siya. Nakikita mo siya kada umaga pagka gising mo. Ang itsura niya maputi, tigasin, makinis at laging inuupuan ng mga babae dahil isa siyang inidoro. 

VIRGO  ( August 21 – September 22 ) May tatalong ipis mula sa loob ng bag mo at pupunta ito sa lalaking gwapo na katabi mo. Kikindatan ka niya na walang humpay at kikiligan ka ng husto, pero wag kang  assuming dahil may sakit siyang beri-beri 

LIBRA ( September 23 – October 22 ) Mag dadala ng alkansiya ang ka-date mo dahil naka pek-pek shorts ka, halata kasi ang mga coins mo sa hita at binti. Kaya habang maaga mag impok sa bangko.

SCORPIO ( October 23 – November 22 ) May magbibigay sa iyo ng chocate at bouquet of flowers sa February 14 abot gilagid ang ngiti mo with matching beautiful eyes, pero hindi para sa iyo. Ipinahawak niya lang ito sa iyo para ibuhol ang sintas ng sapatos niya. In short,  nga nga!

SAGITTARIUS ( November 23 – December 20 ) May mag te- text sa iyo ng “ Hi, you are very pretty. Pwede ba tayo mag date” mapapatalon ka sa tuwa dahil sa wakas may nagyaya na sa iyo lumabas, pero wag pasisiguro dahil i-invite ka lang niya sa net working 

CAPRICORN ( December 21 – January 19 )  Sa monthsarry niyo ng jowa mong may halitosis at palamunin, yayain ka niya sa five star hotel mag dine in at mag check in , mag ready ka ng cash dahil butas ang bulsa niya kasing laki ng butas ng bulok niyang ngipin. This time mag isip ka na!

AQUARIUOS ( January 20 – February 19 ) Maalala mo ang EX mo kapag titignan mo ang mga butiki sa kisame. Kalimutan mo na siya dahil may makikilala kang lalaki. He is dark, not so tall at malaki ang mga mata. Isa siyang lalaking kwago. Habulin ka ng mga lalaking mukhang animal.

PISCES ( February 20 – March 20 ) – Type ka niya sobra… type ka niya gawing tulay para ereto mo siya  kaibigan mong laging basa ang kili kili. Isipin mo na lang para sila sa isat isa ng crush mong kalbo, na parang roll on kapag nag sout ng turtle neck.       

Pinoy Jokes CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon