Kabanata 1

20 2 0
                                    


Isabella's P.O.V

Unti-unti kong minulat ang mata ko.Bumungad sakin ang tatlong pares na mga mata. Sa una ay nagtataka pa ako kung bakit sila nasa loob ng kuwarto ko, hanggang sa maalala ko ang nangyari.

Napatili ako at marahas na napaupo sa pagkakahiga. Nakaramdam din ang ng sakit sa likod ngunit hindi ko yun pinagtuunan ng pansin. Mas lalo akong nagulat ng makita ang paligid. Hindi ito familiar para sa akin.

"N-Nasan ako?, Sino kayo?"--natataranta kong tanong habang bumababa sa kama.

Inalalayan agad ako ng babae.
"Ako si Mila, isa akong doctor. Magpahinga ka muna at huwag magkikilos"--ani nito ngunit hindi ako nagpapigil.

"I need to go home. Nasan ako?"--napatingin sila sa akin sa naging tanong ko. Sa itsura nila ay parang nalilito sila sa pinagsasabi ko.

"Nasa Crescent Moon Pack ka ngayon, at ito ay nasasakupan ng Moon Empire sa pamumuno ni Alpha King Van Walker"--nanghina ako sa sinabi ng lalaki.

Moon Empire?

"H-Hindi ko alam ang lugar n-nato, kailangan kong makauwi tiyak na nag-aalala na sa akin sina Ama at Ina"--dali-dali akong bumaba sa kama at lalanas na sana sa pintuan ng harangin ako ng isang lalaki.

isang lobo

"Hindi ka makaka-alis sa Moon Empire, sarado na ang portal. Isa pa'y ibinilin ka sa amin ni Alpha King Van"--natigilan ako sa unang sinambit niya.

Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"A-Ang portal ang sinasabi mo? Umalis ka sa dadaanan ko nilalang. Kailangan kong makauwi sa Valor Empire!"--inis kong sigaw na ikinatigil nila.

"Valor Empire? Napakalayo ng Imperyong yun mula dito"--gulat na sambit ng babaeng nag-ngangalang Mila.

"At isa pa, hindi ka basta-basta makaka-alis dito. Kabubukas palang ng portal kahapon at sarado na yun ngayon. Kung gusto mong makaalis sa Moon Empire, kailangan mong maghinatay ng muling pagbubuoas ng portal at aabutin yun ng isang taon"--tila nabingi ako sa sinabi ni Mila.

Hindi

H-Hindi yan totoo!

Napailing-iling ako sa narinig. Kailangan kong makabalik sa amin. Kailangan ako ni Ama't Ina at higit sa lahat, kailangan ako ng aking nasasakupan.

Buong lakas kong tinulak ang lalaking humaharang sa daanan ko. Tumilapon siya sa dingding na gumawa ng ingay at bitak sa dingding. Pari-pariho silang natigilan pero hindi na ako nag-sayang ng oras at mabilis na lumabas ng kuwarto.

Mahabang pasilyo ang bumungad sa akin. Kahit na nahihilo ay pinilit ko ang sariling tumakbo sa kung saan. Isang magara at mahabang hagdan ang nakita ko. Mabilis akong tumakbo pababa. Nagulat pa ang ilang nilalang na naka-upo sa sala.

lahat sila ay isang lobo.

Napapaligiran ako ng mga werewolf

"T-Teka, Miss saan ka pupunta!?"--rinig kong sigaw ng isang lalaki pero hindi ko siya pinansin.

Mabilis akong tumakbo papalabas at bumungad sa akin ang malawak na ground field. Napahinto pa sa pag-sasanay ang ilang kalalakihan na walang saplot sa pang-itaas na bahagi ng katawan. Maging ang ilang dumadaan ay napatingin sa akin.

Ilang beses pa akong lakad takbo habang nililibot ang paningin sa paligid. Sa aking kinatatayuan ang malawak na ground field sa hindi kalayuan ay ang malawak na kagubatan. Nagtata-asang puno.

The Alpha King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon