PROLOGUE

20 3 0
                                    


Nakabusangot ako habang nakatingin sa repleksiyon ko sa malaking full size mirror.Nakataas pa ang dalawa kong kamay dahil inaayusan ito ng dalawang katulong.

"Aray ko"--bigla kong daing ng mamali sa paglagay ng palamuti sa buhok ko.Nakita ko pa ang pag-kakataranta nila.

Sinusuri kung nag-kasugat ba at dumugo,ng makitang wala ay sabay sabay pa silang napabuga ng hininga.Napangiti naman ako sa inakto nila.

"Paumanhin po mahal na prinsesa"--yumuko pa ang dalawang katulong na nag-aayos sa akin.

"Ayos lang ako,huwag niyo akong intindihin.Mag-patuloy na kayo at baka hinihintay na ako ni Ama"--tumango sila at muling nag-patuloy sa pag-aayos.

Tonight is the celebration of My father's birthday.Naimbitahan lahat ng kaharian na nasa ilalim ng pamamalakad at pamumuno ni Ama.My father is a King of an Empire.More like an Emperor of Valor Empire.

Nang matapos sila sa pag-aayos sa akin ay ibinaba ko na ang kamay ko at napabuga ng hininga,nangangalay na kasi sa tagal ng pag-kakataas.

"Napakaganda niyo po mahal na prinsesa"--puri sa akin ng isang katulong na sinuklian ko ng ngiti.

I'm wearing a half long dress.Kulay lupa at ginto ito at fitted pagdating sa bewang kaya kita ang hubog na aking katawan,labas din ang aking dibdib, braso at maging ang likod ko.

"Salamat, Silvia?"--ibinaling ko ang tingin kay Silvia na nakaupo sa isang single sofa tumango siya sa akin at tumayo sa pag-kakaupo,siya na mismo ang nag-bukas ng pintuan ng aking silid.

"Princess,the King and Queen is at the stairs already"--yumuko pa si Leon na ikinatango ko.

Nanguna ako sa pag-lalakad habang nasa likod ko sina Silvia at Leon,nasa likod naman nila ang dalawang katulong.Nang makarating sa hagdan ay nakita ko sina Ama at Ina.Ngumiti sila ng makita ako.

"My darling,your beautiful"--malambing na ani ni Ina at niyakap pa ako.Napapikit ako ng halikan ako sa noo ni Ama.

"Just like her Mother"--nakangiting usal ng Ama na ikinangiti ko.

Nag-iisa lamang akong anak kaya labis na labis ang pag-mamahal sa akin ng aking magulang.

"Salamat Ama,Ina at maligayang kaarawan aking Ama,wala po akong maibibigay sayo dahil sa palagay ko nasayo na ang lahat"--ngumiti ako ng malapad ng kurutin niya ang pisngi ko.

"Cou'z I have you,your Mother and my people"--muli akong napangiti sa sinambit niya.

Tumingin siya kay Leon at nag-tanguan sila.Lumapit  si Leon sa mga taong nasa baba,tumindig ako ng maayos habang nasa harap ko sina Ama at Ina.

"Ladies and Gentlement.Let's all welcome and give our respect to Emperor Thomas and Empress Luciana together with her Grand Imperial Princess Tanisha!"--anunsiyo ni Leon.

Natahimik ang kaninang maingay na paligid,tanging palakpakan nalang ang naririnig ko.Nang makababa na sina Ama at Ina ay sumunod ako.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Masasayang mukha at malalawak ang ngiti ang ipinupukol nila sa akin.Mga matang nagsusumigaw sa panghanga at pag-galang.

Nang tuluyan na akong makababa ay maharan kong hinawakan ang aking saya gamit ang kaliwang kamay habang inilagay ko naman ang aking kanang kamay sa dibdib.Buong puso akong yumukod sa harap nila.

"Maligayang pag-dating sa Valor Palace aming mga panauhin.Ikinagagalak kong makita kayong makisaya sa kaarawan ni Ama"--ngumiti ako sa kanila.

Batid kong ang ibang bisita ay mula sa bayan,mga mamamayan ng Valor Empire.Sa pagdiring na ito ay napag-desisyunan ni Ama'ng buksan ang buong kaharian para sa pagdiriwang ito.Lahat ay maaaring makapasok at makisaya,walang magbabawal sa kanila.

The Alpha King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon