Kabanata 3

14 2 2
                                    

Isabella's  P.O.V

Dalawang linggo at tatlong araw na akong nandito at isang linggo na rin ang nakalilipas na hindi nagpapakita sa akin si Van. Hindi rin siya umuwi. Wala akong ginawa sa nakalipas na isang linggo kundi ang kumain sa umaga, magbasa ng libro, kakain na naman sa tanghalian at matutulog. Pagdating ng hapon makikipag-laro sa mga pup at kakain ng haponan.

Nasa harden ako ngayon kasama ang ilang pup, tinutulungan nila akong mag-ayos ng mga tanim, isa ito sa mga hilig ko tuwing wala akong ginagawa.

"Ang galing niyo po Queen Luna" ---napapalakpak pa si Carlo, siya ang pup na inaya akong makipaglaro noong isang linggo.

"I love flowers Queen Luna" ---nakangiti pang ani ni Sam.

"Of course, magaganda at mahahalimuyak ang mga bulaklak, katulad niyo" ---sabay-sabay silang napangiti sa sinabi ko.

Naputol lang ang pag-uusap namin ng humahangos na dumating si Mila.
"Bakit? anong nangyari sayo?" ---kunot noo kong tanong na inilingan lang niya.

"Nandito na ang Alpha King, gusto mo siyang makausap diba?" ---nabitawan ko ang hawak kong bulaklak sa sinabi niya.

Yung inis na nararamdaman ko kay Van nitong nakaraang isang linggo ay tila parang bulang nawala at napalitan ng pananabik at saya.

"T-Talaga? Nandiyan na siya?" ---dahil sa sinabi ko'y napangisi si Mila, maging ang mga kasama kong pup at mapanuksong tumingin sa akin.

"Ayiee~~namumula ang Queen Luna" ---tila para silang mga sira sa mga pinag-gagawa nila.

ang babata pa pero alam ng lumandi

"Nasan siya ngayon? nais ko siyang makausap" ---malawak na ang ngiti ko dahil sa saya. Isang linggo din siyang nawala.

"Halika, kausap niya ngayon si Manang Gloria" ---sabay-sabay kaming naglakad papasok ng Pack Mansion. Nasa likod kasi kami dahil nandito ang harden.

Napakunot ang noo ko ng wala kaming maabutan sa sala. Magtatanong na sana ako kay Mila ng pumasok si Manag Gloria sa main door.

"Oh Hija, si Alpha King ba ang hinahanap mo?..." ---napatango ako sa tanong ni Manang Gloria "...nasa labas na siya, mukhang babalik na sa palasyo" ---nanlaki ang mata ko sa gulat.

Agad kaming lumabas ng Pack Mansion at tanging ang papalayong kalesa nalang ang aming naabutan. Lahat ng saya at pagkasabik na naramdaman ko ay napalitan ng inis at lungkot.

Hindi niya ba ako gustong makita? bakit umalis siya agad?

"Dumaan lang daw  siya para kamustahin ka, ng malaman niyang nasa harden ka at may ginagawa hindi ka na niya ginambala" ---pilit na ngiti ang ibinigay ko kay Manang Gloria.

Bakas kasi sa mukha niya na nalulunkot siya dahil hindi kami nagkaabutan.

"A-Ayos lang po. Magpapahinga muna ako sa kuwarto. N-Napagud po kasi ako sa harden" ---hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at mabilis na naglakad papuntang kuwarto.

Napasandal nalang ako sa pintuan ng kuwarto ko at tahimik na napaiyak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa sinabi na ituon ko ang buong atensiyon ko sa kanya samantalang siya itong laging wala at tila iniiwasan ako.

"It's ok Tanisha, malay mo busy lang talaga siyang ginagawa" ---Lala comforted me through her words.

"Busy? kahit busy siya Lala, kung gusto niya talaga akong makita at makasama gagawa siya ng paraan." ---hinanakit ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Alpha King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon