Kabanata 2

13 1 0
                                    


Isabella's  P.O.V

Nasa silid aklatan kami ngayon. Nasa isang mahabang sofa ako nakaupo, katabi ko si Mila. Sa harap ko ay si Van at nasa likod niya nakatayo sina Ash at Damian. Ash is his beta while Damian is his gamhma.

"You can start asking now" --ilang beses ako napalunok sa sinabi ni Van.

Kanina pa tapos ang pagkain namin ng breakfast at umalis lang sila saglit bago makipag-usap sa akin. Maari akong magtanong ng kahit anong gusto ko pero alam ko na kailangan ko paring mag-ingat sa mga salitang sasabihin ko.

"What's with the portal? anong sinasabi ni Mila na isang beses sa isang taon lang ito bumubukas?" ---despirado akong malaman ang tungkol don. Kung totoo man ang sinasabi ni Mila, wala talaga akong pag-asang makauwi sa amin.

Mataman lang nakatingin sa akin si Van.
"Ang mundo naming mga lobo ay hiwalay sa ibang mundo. Moon Empire is a werewolf realm, and yes. Isang beses sa isang taon lang bumubukas ang portal."

Sinabi ko sa sarili kong matatanggap ko kung totoo man ito ngunit hindi maiwasang magdamdam. Napahawak ako sa dibdib sa naramdamang kirot. Tila na-alarma sila sa naging kilos ko.

"A-Ayos lang ako. Wala bang ibang paraan upang mabuksan ang portal? wala bang ibang nilalang na may kakayahang bumukas nito? witch? mayroon bang witch dito?" ---sunod sunod kong tanong na sinuklian lang ng iling ni Van. Ganon din ang ginawa nila Ash ng mapatingin ako sa kanila.

"Kailangan mong maghintay sa muling pagbubukas nito. Isang taon ang hihintayin mo" ---wala paring emosyong ani ni Van.

Natahimik sila samantalang kung ano ano ng gumugulo sa isip ko. Paano na sila Ama? Higit kong ikinababahala ang ritwal na dapat ay gagawin ko sa pagdating ng kabilugan ng buwan at sa tatlong buwan mula ngayon ang pagdating ng kabilugan ng buwan.

"G-Gusto ko ng magpahinga" ---mahinang turan ko sapat pang para marinig nila.

"Ihahatid na kita Luna Queen. Mauuna na po kami Alpha King" ---nanatili akong nakayuko habang inaalalayan ni Mila pabalik sa kuwarto ko.

"Huwag ka ng mag-alala, Isabella. Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako upang makinig sayo" ---nginitian ko si Mila bago ko isinara ang pinto.

Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagtulo ng luha'ng kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Naghahalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko.

Inis

Galit

sakit

panghihinayang

at higit sa lahat pag-aalala sa aking mga magulang at sa aking nasasakupan.Hindi ako maaring mawala sa aming imperyo.

Moon Goddess, tulungan niyo po akong malampasa ang pagsubok na ito.


Naalimpungatan ako ng marinig ang pagbukas ng pituan ng kuwarto ko. Nanatili akong nakatagilid ng higa paharap sa malaking bintana. Isang bagong umaga na naman ang kahaharapin ko. Isang umagang puno na sakit at pagdadalamhati.

"Isabella, bumangon kana at kumain. Hinihintay ka ni Alpha King" ---nanatili parin akong nakahiga at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Sabihin mong masama ang pakiramdam ko Mila" ---isang linggo ko ng sinasabi yun sa tuwing aayain ako ni Van na lumabas. Ngunit tila wala akong ganang gawin ang bagay nayun.

"Isang linggo ka nang nagkukulong sa kuwarto mo Isabella. Hindi ka rin kumakain ng maayos. Hindi na rin nasisiyahan ang Alpha King" ---alam ko naman yun ngunit wala talaga akong ganang kumilos.

The Alpha King's BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon