Chapter 3.

2 1 0
                                    

    Those eyes, his playful smile, his voice, he got a good voice and oh it's so relaxing as hell, so smooth and soothing. His face, I can still see his face all over the corner of the stage, iyong mga kilay nyang makakapal, mga mata nyang mapupungay, the way he wink at me at ang mga mapupulang labi nya na tila mabagal na gumagalaw tuwing bumabanggit siya ng liriko o mga salita. I still can't move on where I am after the band left. Niyugyog ako ni Jannah dahilan upang mabalik ako sa katinuan.
    “Ano girl?tulala ka, ang guwapo nila no? Oh my God at nakita mo ba kung paano ka tignan ni Hans? Ikaw lang ata ang tinignan nya ng ganoon! Oh my God, the way he stares at you! Girl ganda mo!” Paghihisterikal nya, kinurot pa nya ako sa tagiliran dahilan para mapagitla ako.
    I looked away, feeling embarrassed on what she said  “A-ano ka ba hindi ako yung tinignan non no, Tara na nga!” aya ko sa kanya upang makatamas na sa mga susunod nyang sasabihin na Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba.
    “Sa iyo talaga nakatingin iyon girl bakit di ka ba naniniwala sakin?!”
Hindi ko na maintindihan mga pinagmamaktol ni Jannah dahil naisipan ko ng umuwi upang makapaghanda na sa trabaho, it's already 12 and wala namang klase so I would rather lie down on my bed before I go to work.
    “Jannah, mauuna na ako, inaantok kasi ako e” Pagpapaalam ko, hindi naman ako totoong inaantok, gusto ko na lang talagang umuwi dahil wala naman akong gagawin dito at para na rin makalma ang sarili ko dahil magmula kanina ay naging malalim ang mga paghinga ko na tila ba mahirap lumanghap ng hangin sa hindi ko malamang dahilan.
    “Oh sige, hatid na kita!” Offer nya. Pinag-isipan ko ang offer nyang ihatid ako dahil ayoko na ring maghintay pa ng bus o taxi dyan sa labas dahil mainit kaya pumayag ako nang makauwi agad.

Binuksan ni Jannah ang passenger seat ng kanyang sasakyan kaya natawa ako ng mahina, she really is so adorable.
“Gentelman mo naman.” Biro ko sa kanya, tumawa lang sya at kinurot ako sa tagiliran. Magaling at maingat magdrive si Jannah, nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng tinutuluyan ko.

“Salamat sa paghatid Jannah” Sabi ko bago bumaba ng sasakyan, bumaba rin si Jannah upang halikan ako sa pisngi na ikinagulat ko, natawa sya sa naging reaksyon ko at pumasok ng muli sa sasakyan nya at unti unting naglaho kasabay ng mga dumadaang mga sasakyan.

      Habang nakatingin ako sa kisame ay hindi ko mapigilang isipin ang mga mata nya, namumungay ang mga mata nya, nangungusap at maamo na animo ay maamo rin ang may ari nito isa pa ang sinabi ni Jannah na sa akin sya nakatingin at ako lang ang tinignan nya ng ganoon, inalis ko na lang ang mga iniisip ko dahil imposible namang ako iyong tinitignan nung vocalist kanina, sino ba ako? I'm just a nobody kaya naniniwala ako na hindi ako yong tinitignan nya kanina, imposible dahil simpleng babae lang ako kumpara sa mga mga kababaihan doon na tila prinsesa sa kagandahan at ang hubog ng katawan na parang lahat sila ay modelo o ano pa man dyan wala akong pakialam.

Naligo na lang ako upang makapaghanda na sa trabaho dahil nakapagpahinga naman na ako.

Nagsuot lang ako ng simpleng crop top na kulay pula na tinernohan ng skirt na tama lang hanggang tuhod.
      Pagkarating ko sa resto ay hindi pa ako nagpalit dahil sinabi sa akin ng manager na magperform ngunit aantayin na muna raw matapos ang banda bago ako kaya pinilit ko syang magserve muna ako para hindi naman sayang ang oras at hindi lang ako uupo sa tabi, hindi na ako nagpalit ng damit para handa na agad ako mamaya.
      Pagkatapos magperform ng banda ay naghiyawan ang mga tao, they're this wild whenever the band is here, I don't know why, maybe because of the band's physical appearance and the soothing voice of that arrogant vocalist? I really don't know.
       Umakyat na ako sa stage upang magperform. Nandito na naman ang bandang iyon.  Hindi pa ako halos makagalaw ng maayos at kinakabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan, sa tuwing tumitingin ako sa mapupungay nyang mga mata, kumakalabog na lang bigla ang dibdib ko kaya naman pumikit alo ng mariin at sinubukang huwag syang isipin upang mawala ang kaba na nararamdaman ko.

The Poet's FirstWhere stories live. Discover now