Pagkatapos ng klase ko sa umaga ay niyaya ako ni Jannah na sabay na raw kaming kumain sa cafeteria, sumama ako dahil komportable naman na ako sa kanya, naging malapit na kami sa isa't isa na para bang matagal na kaming magkakilala.
Pagkarating namin sa cafeteria ay naghanap kami ng bakanteng table, nilibot namin ang aming paningin ngunit wala na kaming mauupuan dahil naokupa na ang lahat, though the other tables were still not full, may mga table na dalawa lang ang nakaupo pero nakakahiya naman kung makikisiksik kami sa kanila gayong hindi namin sila mashadong kilala dahil nasa 3rd year ata sila.
“Doon na lang tayo sa labas, may table sa lawn, sa may puno ng mangga, sariwa pa ang hangin.” aya ko kay Jannah at hinawakan ko ang kanyang upang hilahin papunta sa lugar na sinasabi ko, ngunit hinila niya rin ako paikot, naghahanap ba siya ng mauupuan namin at makikisiksik? Seryoso ba si Jannah?
Habang naglalakad kami ay may tumawag sa kanya “Jannah, dito na kayo maupo.” Sabi ng kung sino, nilingon ko ang may ari ng malalim na boses na iyon. “Lyle, tara Aviana.” Sabi sa akin ni Jannah, hila hila pa rin ako. Pinilit Kong bumitaw sa pagkakahawak ni Jannah dahil nakita ko na puro lalaki sila, apat na lalaki ang nakaupo sa mesa kaya naman hinarap ako ni Jannah, nagtataka.
“Bakit Aviana?” tanong nya sa akin ngunit umiling lang ako, umaasang maintindihan niya ang nais kong iparating ngunit nginitian nya lang ako sabay hila paupo sa mesa.
Nailang agad ako sa tingin ng tumawag kay Jannah pagkaupo ko kaya naman yumuko na lang ako, ni hindi ko na nakita ang mukha ng mga kasama namin dito sa mesa.Kinalabit ako ni Jannah kaya naman tumingin ako sa kanya, nakangiti siya ngayon at lumapit sa akin upang bulungan na siyang nakapagpawala ng dibdib ko“mga banda, si Lyle, Hans, Drake at Stevan, si Lyle ang guitarist, si Hans Yung vocalist, kilala mo na yan may gusto ata sayo yan, basta akin si Stevan ha?” bulong nya, gusto ko sanang matawa sa huli nyang binulong ngunit parang binuhusan ako ng malamig na tubig na natahimik na lang, iniisip ko kung aalis ba ako dahil hindi ko naman sila kilala at lalong hindi ako kilala ng mga ito, si Jannah kasi eh. Kaya pala abot langit ang ngiti dahil nandito ang mga banda, katabi lang naman namin sa isang mesa, jusko nakakahiya at nakakailang.
Medyo maingay sila na nagdadaldalan parang hindi mga lalaki tong mga to sa kakadaldal, hindi ata sila nagsasawa, napakaingay nila ang sarap paghahampasin o kaya naman lagyan na lang ng tape ang bibig nila para matigil sila kakadada.
Nilabas ko na lang ang lunch box ko upang kumain na at hayaan na lang silang magdadaldal dyan basta ako kakain dahil gutom na ako.
Kakasubo ko pa lang ng isa ng mapansin ko na tumahimik sila, baka kumakain na rin sila kaya nanahimik na kaya sinubukan kong iangat ang aking paningin upang silipin sila dahil malamang hindi sila magkakaroon ng oras tignan ako dahil kumakain sila ngunit nagulat ako ng lahat sila ay nakatingin sa akin, si Jannah na natatawa, I can see the amusement in Lyle's eyes, si stevan naman ay hindi umimik, basta nakatingin lang sa akin Drake was bitting his lower lip that I find sexy, he's so simple, ngunit si Hans ay nakaawang ang bibig, nagtaka ako noong una ngunit ng matauhan ay bigla akong tinablan ng hiya ngunit tinago ko na lang gamit ang pagtataray, tinaasan ko sila ng kilay isa isa upang itago ang hiyang nararamdaman ko, sobrang nakakailang na nakatingin silang lahat sa akin, inirapan ko na lang sila at nagtuloy sa pagkain, hindi alintana ang mga nakakairita nilang tingin.Napatingin ako kay Drake ng humagalpak na siya ng tawa, “N-nagbabaon ka pa rin? Ano ka kinder?” halos hindi niya na mabanggit ng maayos ang mga sinabi nya dahil hinihingal siya kakatawa.
“Oh ano naman kung nagbabaon ako? Para lang ba sa mga kinder to? Hindi ba pwedeng mas gusto ko ang luto ko kesa bumili ng pagkain dito?” tinaasan ko siya ng kilay, napatigil siya sa pagtawa pagkatapos kong magsalita.
“Kumain ka ng hindi mo kami inaya o pinansin man lang Miss.” sambit ni Lyle, isa pa to ano bang problema ng mga baklang to? Kasalanan ko ba na busy sila sa pagdadaldalan?
YOU ARE READING
The Poet's First
RomanceIs it possible to fall in love despite of hating the word itself? Did you already fell? How does it feel to be in love? Well, I'm not going to fall in love, never. This is a story of fiction wherein Aviana Celestine Ventanier, a poet, despise love b...