Trip in elevator

35 3 2
                                    

(a/n: Kung may nag-aabang man ng story ko.... Sorry talaga for super duper late update. ngayon lang kasi ako sinipag na mag-update eh. Dedicate ko to sayo kasi ikaw lang ang pinaka-unang nag-comment sa story ko. XD. Thanks and hope you guys will enjoy it!)

Hope's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ni sky ay agad akong umikot para makita ang kabuuan ng bahay. Actually kabuuan ng first floor XD may 3rd floor pa at rooftop.

Tapos may nakita akong kuwarto na nakasara at biglang bumukas at may tao sa loob. May dalawang maid! Hmmmm? Paano kaya sila nakasakay roon. Makapasok  nga. Umalis na yung dalawang maid at ako naman ay pumasok.

Uy may mga numbers sa gilid. 1 2 3 4 ang choices

Pinindot ko 3 favorite number ko yun eh. XD

Tapos biglang sumara yung kuwarto. HOLO! Makukulong na ba ako rito forever and ever?

"Huwaaaaaaaaaah" - Sigaw ko hindi dahi baka makukulong na ako rito forever and ever pero sumigaw ako dahil parang lumipad ako pataas! Huwaaaah..

Nung biglang huminto ang mahiwagang kuwarto.

Bumukas ito at bumulaga sa akin ang ibang lugar. Huh? Bakit parang nag-iba ang hitsura ng bahay ni sky?  AH! BAHALA NA! basta ako sasakay lang sa ride ng mahiwagang kuwarto na to. *o* 

Ang ganda kaya. Pinindot ko naman ulit ang number 2.

Sumara naman iyon at parang mahuhulog na naman ako sa ibaba. Sigaw lang ako ng sigaw. Pagkatapos ay huminto na naman ito. Nang bumukas ang mahiwagang kuwarto ay ibang bahay na naman ang nakita ko. Hindi pa rin it ang bahay ni sky eh. -3-

Pinindot ko naman ang number 4. nang sumara ang mahiwagang kuwarto ay Lumipad na naman ako pataas. Ang galing talaga ng ride na to XD 

Nang bumukas na naman ang mahiwagang kuwarto ay nasa ibang lugar na ako. This time parang nakikita ko na ang lahat ng lugar sa maynila. wow ang ganda!!!! \*o*/

Bigla akong nakaramdam ng hilo.. Kanina ko pa to nararamdaman kaso binabalewala ko lang.

Dahil sa biglaan kong paghilo ay napahawak ako sa noo ko at napindot ng isa ko pang kamay ang number 1. 

Sumara na ang mahiwagang kuwarto at feeling ko na naman ay mahuhulog na ako. Parang masusuka na talaga ako.

Nang akmang lalabas na yung mga kinain ko ay tinakpan ko ang bibig ko.

SHET!

Salamat naman at bumukas na ang pintuan kaso hindi ko na talaga mapigilan.

Ms.Probinsyang MakulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon